ASLW : chapter 15

1.1K 75 6
                                    


May's pov

Mabilis ang mga buwan na lumipas. Halos hindi ko namamalayan. Unti unti kong inaalis si Edward sa puso't isipan ko. Wala na din kaming communication. Ako na mismo ang pumutol non,  simula ng umalis ako sa Pinas.

"May...may client tayo na gusto makipag meet. Ok ka ba?", tanong ni Pat habang nasa office kami.

"Oo naman. Kailan ba?", tanong ko habang busy sa laptop ko. Scroll down lang dahil breaktime naman.

Hanggang sa napatigil ako sa nakita ko.

"May...mamaya nga pala may lakad ako sandali. Hindi muna ako sasabay sayo pag uwi?", naririnig ko si Pat pero hindi ako makasagot. Nakatuon ang mga mata ko sa screen monitor.

"May..Hoy ano ba yan at nakatulala ka diyan?", tanong ni Pat.

Lumapit ito sa tabi ko at tiningnan ang tinitingnan ko.
Paglingon ko sa kanya, pareho kami ng reaction.

"Is that for real?", tanong ni Pat.

"Naka post so meaning totoo", sagot ko. Yung ung utak ko, parang nawala sa ulirat.  Yung puso ko parang nawala sa lugar nito.

"Seven months. Ikakasal na siya!", hindi makapaniwalang sabi ni Pat.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Parang hindi ako makahinga, para akong sasabog. Hindi ko maintindhan ang nararamdaman ko.

"May, wala naman na kayo di ba?", tanong ni Pat.

"O...oo wala na kami", mahinang sagot ko.

"Pero parang ang bilis naman", sabi nito.

"Mahal niya siguro ng sobra ka...kaya ganon", nauutal na sabi ko.

"Higit pa sayo? Ganon ba yon?", tanong ni Pat.

"Siguro",

"Pero yung totoo,  ano ang nararamdaman mo ngayon May?", diretsang tanong ni Pat.

"W..wala. ok lang", pagsisinungaling ko, dahil ang totoo. Parang hinihiwa ng dahan dahan ang puso ko.

"Your lying May. Kilala kita. Nasasaktan ka parin di ba? Wag mong sabihing hindi, dahil alam ko kung gaano mo siya kamahal", sabi pa nito.

"Siguro oo, pero konti lang",

"Konti lang. Sure ka",
"Hindi ka ba nagseselos dahil ikakasal na siya? Dahil nakipag break ka ng hindi kayo nagkakausap ng maayos",

Marami pang sinabi si Pat pero lahat yon, hindi na nag register sa utak ko.

I've felt sudden pain in my head. My world seems like turning and turning. My eyes gets blurry and I can't understand.

"May, May, May anong nangyayari sayo?", narinig ko pa ang boses niya Pat bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Sometimes giving up is the best option though other people says "never give up", because you realize that your waiting for nothing

A Seven Letter Word Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon