ASLW : chapter 7

1.1K 78 6
                                    


Patricia's pov

"May san lakad mo today?", I phone her. Umuwi muna ako sa amin para makasama ang mga magulang at kapatid ko.

"Ahmm, pupunta ako sa house ni Edward ", sagot niya.

"Ano? Bakit?", my blood risen up.

"Anong bakit? He's my boyfriend,  I want to surprise him", she say.

"Wait, I'll go with you", iba ang feeling ko. Parang may mangyayari.

"Ok, punta ka nalang dito. Umalis din si Adam, nagpunta sa mga auntie niya ", sabi nito.

"Ganon ba, o sige aalis nako. Anatayin mo ko", sabi ko.

_____

"He's here", sabi ni May. Nasa labas kasi ang kotse nito.

"Mag doorbell ka kaya", sabi ko.

"No, I want to surprised him", sagot nito. Bitbit nito ang mga pasalubong galing Canada.

"Bahala ka na nga", sumunod nalang ako sa gusto nito.

Hindi naka lock ang pinto kaya madali kaming nakapasok sa loob. Ang luwang ng bahay nila Edward, kaya hindi ko alam kung saan namin hahanapin.

"Baka nasa music room", bulong ni May.

"Ikaw mauna, hindi ko kabisado to", sabi ko.

"There you go", sabi niya.

Nakaawang ang pinto ng music room, unang sumilip si May.

Hanggang sa unti unti itong napaatras,  na ipinagtaka ko kung bakit.

Ako naman ang sumilip, at nakita ko bakit ganon ang reaction ni May.

I was about to push that door pero pinigilan ako ng May. Nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Nauna siyang lumabas ng bahay pero naiwan ako, gusto kong sugurin si Edward pero mas inaalala ko ang kaibigan ko.

"Kaya pala balewala na sayo si May. Hayop ka Edward ", sabi ko sa sarili ko.

Hinding hindi mo na siya masasaktan pa. Ako na ang makakalaban mo.

_____

"May", mahinang tawag ko.  Nakauwi na kami sa bahay nila ng mga oras na yon, pasaso alas otso ng gabi. Nagpalipas muna kami ng oras sa isang park. Hindi siya nagpakita kahit sa lolo't lola nito. Dahil makikita ng mga ito ang namumugtong mga mata ni May sa kakaiyak.

"Pat", mahinang sagot niya habang humihikbi.

Lumapit ako at niyakap siya ng mahigpit. Ayaw kong magsalita ng kahit ano, dahil baka lalo lang siyang umiyak. Ako ang higit na nasasaktan para sa kanya. Alam ko kung gaano niya kamahal si Edward,  pero sasaktan lang pala siya nito.

Tama ang hinala ko, may mali nang nangyayari.  Ayaw niya lang tanggapin lahat ng sinasabi ko at naiintindihan ko naman yon. Mahal niya si Edward,  pero si Edward,  bakit niya nagawa ito kay May. Pag naaalala ko ang tagpong inabutan namin kanina, galit ang nararamdaman ko. At sobrang awa para sa kaibigan ko.

Love is unpredictable...💔

A Seven Letter Word Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon