ASLW : chapter 12

1.1K 70 4
                                    


--------

"Ang sarap mo talaga magluto Adam", sabi ni Pat.

"Hindi obvious Pat. Naka tatlong balik ka na sa kusina", pabirong sabi ko.

"How about you, do you like it?", tanong sa akin ni Adam.

"Love it. And sarap as in", nakangiting sagot ko.

"Hey, open your mouth", may hawak itong kutsara ng pagkain, gusto niya akong subuan.

Nagkatinginan muna kaming lahat, alam kasi nila lolo't lola ang tungkol kay Edward , ang tungkol sa pagpapakasal sana namin, pero malayo nang mangyari pa iyon. Dahil  ayaw ko namang mapahiya si Adam kaya kinain ko ang pagkain na hawak niya.

"Ay ang sweet naman. Di ba lolo, lola", sabi ni Pat.

"Mas sweet ang lolo niyo nung nanliligaw palang siya sa akin. Ipinag iigib pa ako ng tubig mula sa batis. Nag sisibak mga kahoy at kung ano ano pa", kwento nito lola.

"Kaya nama pala hanggang ngayon sweet parin kayo ", sabi ni Pat.

"Alam niyo ba, ang tunay na pagmamahal ay hindi lamang puro saya. Dadaan kayo sa pagsubok. Para mapagtibay ang pagmamahalan niyo. Kahit magkalayo man ng mahabang panahon,  gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para muli kayong magtagpo. At kahit dumaan pa kayo sa paghihiwalay,  kung ang puso niyo ay para sa isat isa, hindi niyo ito malalabanan.  Ang itinakda para sa iyo, ay para sa iyo lamang. Maliban nalang kung kuhanin siya ng poong maykapal. Pero sa kabilang buhay, doon nila itutuloy ang naputol na pagmamahalan nila dito sa lupa", matalinghagang sabi ni lolo.

Tumulo ang luha ko at nakita nila iyon.

"May problema ba apo?", may pag alalang tanong ni lola.

"Are you ok May?", tanong ni Adam.

"May, anong nangyari? ", tanong nito Pat.

"Wala po, na touched lang ako sa sinabi ni lolo. Posible pala yon, na kahit mawala ka sa mundong ito, sa kabilang buhay, pwede parin kayong magmahalan", nakangiting sabi ko.

"Ay nako ang apo ko nagiging madrama yata ano ha", puna ni lola.

Inakbayan ako ni Adam at hinayaan ko siya. Mabuti siyang tao, hindi naman siguro masama kung hayaan ko siyang mapalapit sa buhay ko. Kung hanggang saan, hindi ko alam. Isa lang kasi ang alam ko sa ngayon, yung ako at si Edward, mukhang wala na.

"Good afternoon po", may nagsalita sa bandang likuran ko, dahilan para lumingon silang lahat, maliban sa akin dahil kahit lumipas ang dalawang taon, hinding hindi ko makakalimutan ang boses ng lalaking minahal ko sa buong buhay ko. Ang lalaking akala ko, mahal ako, hanggang ngayon.

"Edward apo", sabi ni lola na nakangiti.

"Kamusta po lola, Lolo", saka ito nagmano.

"Abay matagal din kitang hindi nakita ah, buti naparito ka ", sabi muli ni lola. Si Lolo, tahimik lang, parang naninimbang sa mga nangyayari. Malakas kasi ang pakiramdam ni lolo, at alam niya, nasa isang magulong sitwasyon ako ngayon.

"Maupo ka muna at sabayan mo kami sa pagkain", sabi ni Lolo.

"Hindi na po. Kakatapos ko lang po", tanggi nito.

Lumingon ako para makita siya. Sabay sa paglingon ko ay ang pagtatama ng aming mga mata. Gusto ko siyang yakapin, gusto kong sabihin na namis ko siya, pero pag naaalala ko ang araw na iyon, ang tagpong naabutan ko, nasasaktan ako. Mahal ko siya pero bakit niya nagawa yon.

Nakita kong tumayo si Adam at lumapit dito.

"Hi I'm Adam", as he offer his hands to Edward who's currently looking at him from head to toe.

"Edward ", he said. He take a quick glance on me and return it back on Adam. 

I've got a mixed emotions, a feeling of longing, anger, sad.

Edward...why?

Torn between two lovers...feeling like a fool
Loving both of you is breaking all the rules.

A Seven Letter Word Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon