ASLW : chapter 21

1.2K 81 18
                                    


........

Hinila ako ni Pat patungo sa gitna ng isang man made garden na nasa rooftop.

"Relax ka lang ok", sabi niya habang nakatingin sa akin at nakangiti.

Kanina ang seryoso tapos ngayon nakangiti. Niloloko na yata ako ni Pat..sa isip isip ko.

"May makinig ka sa sasabihin ko ha. Walang question, walang kahit ano. Sumunod ka lang sa sasabihin ko ok", patuloy nito.

"Ba...",

"Ops kakasabi ko lang. Walang question, basta makinig ka lang. Now, I want you to close your eyes", sabi niya.

Sumunod nalang ako kay Pat kahit ginagawa niya na akong uto uto.

Slowly, I close my eyes.

"Don't open your eyes ok, wait for my signal", sabi na ito at tumango naman ako bilang sagot.

Kung ano mang pakulo ito, hindi naman ako tiyak ipapahamak ni Pat.

"Now listen to the music", sabi pa niya.

Maya maya pa,  may narinig akong nag ba - violin. Favorite song ko pa "Ikaw" .Ang sarap pakinggan, kasabay ang preskong ihip ng hangin. Biglang bumalik ang isang alaala, kinanta niya sa akin to, nung araw na nag propose siya.

Maya maya pa, may humawak sa mga kamay ko.

Una akala ko si Pat pero hindi eh, hindi yon kamay ni Pat. Parang kamay ng lalaki kasi sakop niya ang palad ko. Gusto kong makita kung sino ang nasa harap ko pero narinig kong muling nagsalita si Pat.

"Ops, don't open your eyes yet. Just go with flow, just dance with the music", narinig kong sabi niya.

Sino ang kasayaw ko? ...tanong ko sa sarili ko.

Pero yung mga kamay niya, familiar sa akin. Malambot.

Maya maya pa humina ng konti ang music mula sa nag ba -violin. Kasabay non, narinig ko ang isang parang voice recorder.

"Love...naalala mo pa ba yung tawagan natin ", yun palang ang naririnig ko pero yung tibok ng puso ko, hindi ko na maintindihan. It was beating faster than its normal. And I've felt sudden heat.

"Love...naalala mo pa ba yung tawagan natin. Sana oo. I know nasaktan kita but believe me, I didn't mean to do that. May reason kung bakit nangyari ang lahat ng iyon at alam yon ni Pat. Pero sinabi ko sa kanya na wag sabihin sayo, dahil sa kalagayan mo. Yes loveI know what's happening to you. Alam ko ang pinag dadaanan mo and I hated myself dahil hindi ko agad nalaman. I hated myself dahil wala ako nung mga panahong kailangan mo ako. Now I know why you said those things to me, months ago. Pinili mo na masaktan ako sa mas madaling paraan na alam mo , dahil alam mo na oras na malaman ko ang totoong kalagayan mo, alam mong mas doble ang sakit na mararamdaman ko. When you told me about that guy, Adam. I know your lying, and I don't know why, but that was before.  I talked to him once I get here, then he told that he loves you, but the thing is, you don't love him the way he loves you. Umalis siya, he's letting you go, he's letting go of his feeling towards you. But he told me that he can still be a friend to you. And he cares for you. And I'm so lucky that kahit wala ako sa tabi mo, alam ko may mga taong nagmamahal sayo. I told to myself,  once we meet again. Hindi na kita hahayaang mawala pa sa akin. I'm so sorry for the pain that I've caused you. Hindi ko yon sinasadya. Hindi rin ako ikinasal, dahil hindi ko naman siya mahal. At hindi ko minahal kahit kailan. Isang babae lang ang mahal ko at patuloy kong mamahalin sa buong buhay ko. The girl that I've promise that I will wait till she came back , the girl that I asked to marry me two years ago, the girl who owns my heart. The only girl I wanted to spent my whole life. The only girl who mean the whole world to me, the only girl who can put smile on my face, the girl who complete me, and the only girl I'm scared to lose. But I don't know if she still loves me. Or maybe she hated me so much and she don't want to see me anymore. But I'm always praying...na sana....Sana ako parin ang nasa puso niya. Hoping she'll give me another chance. Mahal na mahal na mahal kita love. Ikaw lang, walang iba. Noon hanggang ngayon...I love you with all my heart",

Basang basa na ang laylayan ng robe na suot ko dahil ginawa ko itong pamunas ng luha ko na walang tigil sa pag agos.

Lahat na narinig ko, hindi ko man matandaan lahat, pero sapat na yon para masabi kong, pwede pa pala akong maging masaya ulit.  Pakiramdam ko, nabuo muli ang puso ko, ang pagkatao ko. Yung pangarap na sana maging masaya kami, may chance pa pala. May chance pa pala sa kabila ng lahat ng nangyari.

I've felt his arm wrapping on my waist and one hand lifted my chin up to look up to him. Kahit may mask pa siya, kilalang kilala ko siya. Ang lalaking minahal ko at  minamahal ko hanggang ngayon.

Ang mga mata niya na kay tagal kong nais na muling matitigan,  yung favorite perfume niya na gustong gusto kong inaamoy palagi.

Sabi na , tama ako. Kanyang perfume yung ginamit ni Pat.

Paglingon ko wala ng ibang tao sa paligid, kaming dalawa nalang.

Humarap akong muli sa kanya at wala na ang mask na nakatakip sa muka niya.

Yung mala anghel niyang mukha na palaging laman ng isip ko. 

Dinama ko ang mukha niya sa mga palad ko.

Akala ko, tapos na yung pag luha ko, pero heto pumapatak na naman.

Tin - race ng mga daliri ko ang matangos niyang ilong,  ang makapal niyang kilay, ang mahaba niyang pilik mata, ang nangungusap niyang mga mata, pati yung noo niya na sabi niya parang terminal 1 tapos sakin terminal 2, napangiti ako sa aalalang yon, at ang huli, ang kanyang mga labi. Ang mapula niyang labi.

Kailan ba niya akong huling hinalikan? ...tanong ko sa sarili ko.

He slowly move closer to me , pulling my body against him, his right arm  was till wrapping my waist while his left arm, caressing my cheeks, just like what I did to him. Remembering each part of me.

He didn't say any word, he just lean and  kissed me. Seems like, he read what's on my mind.

Naramdaman kong muli ang malambot niyang mga labi. At muli kong naramdaman ang pakiramdam ng may nagmamahal.

Pagkatapos ng mainit na  halik na iyon ay niyakap niya ako ng sobrang higpit, yung pakiramdam na ayaw niya akong pakawalan pa.

In return, niyakap ko din siya dahil mis na mis ko siya. Halos tatlong taon, tatlong taon kong hindi naramdaman ang mga yakap niya, kung paano niya ako halikan at paano niya ako mahalin.

Marami man akong pinag daanan na wala siya sa tabi ko, ok lang.

Ang mahalaga nandito na ulit siya.

Tama si Lolo,  ang itinakda para sa isat isa ay hindi mahahadlangan ng anumang bagay o nang sino man. Kahit pa ang kamatayan.

Muli ang pagpatak ng aking luha, luha ng kaligayahan.  Sa wakas, kasama ko na muli ang lalaking pinaka mamamahal ko.

............

The things is...You are meant for me, and I was meant for you.

That's all.

A Seven Letter Word Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon