ASLW : chapter 17

1.1K 70 14
                                    


4 months after...

Patricia's pov

"May kain ka na, kailangan mo magpalakas dahil pupunta ulit sa doctor mo",

"Wala akong gana Pat. Mamaya nalang", sagot nito.

"Ops may usapan tayo. Pag hindi ka sumunod, sasabihin ko to kay lolo't lola, gusto mo ba pati sila eh mag alala?", sabi ko, pag nabanggit ko kasi si Lolo lola, sumusunod siya sa mga sinasabi ko at ni Adam kahit ayaw niya.

"Oo na, pero konti lang", dahan dahan itong tumayo. Malaki na ang ipinayat niya dahil sa pagpapagamot niya. Katuwang ko si Adam sa lahat ng oras at nakita ko kung gaano niya kamahal si May.

"Very good, later fruits and veggies naman ha. Sabi ng doctor you need green leafy vegetables para daw mas may lakas ka. Tapos after that, pupunta tayo sa park. Need mo kasi ng fresh air, hindi yung galing sa aircon", mahabang utos ko.

"Bakit ba ikaw ang nurse ko?", nakangiting sabi nito.

"Oy be thankful, bukod sa maganda ako, ako lang ang nagtitiyaga sa katigasan ng ulo mo, at take note, free po ito kaya nakaka menos ka na, may free advicer and story teller ka pa...o ano San ka pa", sabi ko sabay flip ng hair ko.

"Opo na, Salamat sa lahat Pat. Buti nandiyan ka palagi. Di ka pa ba pagod sa akin?", seryosong tanong niya.

"Pag mahal mo ang isang tao, hindi mo mararamdaman ang pagod", totoo sa pusong sabi ko at nakita kong muli ang nagbabantang mga luha niya.

"Opps bawal ang crying lady. Aalat ang food mo", pabirong sabi ko at natawa naman ito.

_____

Pinagmamasdan ko siya habang natutulog. Ang laki na talaga ng pinag bago niya. Pumayat, maputla, halos hindi na kumakain at halos ayaw na lumabas ng kwarto niya.

Sana isang araw , pag gising mo. Ok na ulit ang lahat. Yung hindi ka na mahihirapan. Dahil sa araw araw na nakikita ko ang paghihirap niya, sa araw araw na naririnig ko ang mga sigaw niya dahil sa sakit, gusto kong sabihin na "God, bakit siya pa? Ang bait niyang tao, bakit mo siya binibigyan ng ganitong pagsubok. Hindi ba pwedeng tama na. Balato mo na siya kanya to",...umaagos ang luha ko ng hindi ko namamalayan.

Message received
Pat, ako to si Edward. Alam ko ayaw akong makita ni May o makausap. Gusto ko lang sanang malaman niya na, kung ano man ang nangyari, sana mapatawad niya ako, at kung maaring pakisabi na mahal na mahal ko siya. - Edward

"Mahal mo ba talaga siya Edward?   - Pat

"Oo Pat. Walang nagbago. Mahal na mahal ko parin siya - Edward

"Mahal...sigurado ka? Pagkatapos ng nakita namin, sasabihin mong mahal mo siya. - Pat

"Anong ibig mong sabihin ?  -Edward

"So ano to? May amnesia ka na ngayon?  - Pat.

"Pat hindi ko maintindhan - Edward

"Nung umuwi kami diyan sa Pinas.  Pinuntahan ka namin sa bahay mo para sana i surprised ka. Kaso kami ang na surprised sa naabutan namin - Pat

"Anong nakita niyo? - Edward

"Maang maangan Edward.  Nakita ka ni May na may kahalikan sa loob ng bahay mo. Kung gusto mo ng proof , meron ako. Nakuhanan ko kayo ng picture - Pat

"Pat it was the biggest mistake I've ever done. Hindi ko siya girlfriend. Anak siya ng boss ko na may gusto sa akin. Pinapadate lang siya ng daddy niya sa akin dahil nagkaroon ako ng problema sa company. I've lost three million in companies account and hindi ko na yon ma recover kung saan napunta. It's not my fault pero ako ang naka sign sa papers kaya ako ang pinagbabayad. One time, galing kami sa party ng daddy niya, na lasing ako dahil sa dami ng nainom ko. And dami kong iniisip, yung problema sa company at si May. Dahil nangako ako na pag uwi niya, magpapakasal kami. Pero paano ko magagawa iyon kung walang wala na akong pera. Hindi ko siya masagot sa mga message niya dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya pag nagkataon. Nung araw na nakita niyo akong may kasamang babae sa bahay, yung hinalikan ko siya, hindi ko kagustuhan yon. Pinilipit niya lang ako at ginamit niya din ang photo na yon pang blackmail para pakasalan ko siya. Pero later on, I've found out na siya ang may pakana ng pagkawala ng three million na sa akin sinisisi. I've call off the wedding and wala  na ng nagawa ang daddy niya kundi sumunod sa gusto ko dahil sinabi ko na I'll sew her daughter for blackmailing. Nasaktan ko si May ng hindi ako alam pero Pat, nasasaktan din ako lalo na ng malaman kong may iba na siya. Walang nagbago sa pagmamahal ko kay May. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito -Edward

"Sure ka ba sa mga sinasabi mo? - Pat

"Pat, I'd never lie in my entire life - Edward

"Edward. How much do you love her? - Pat

"With all my heart. Kahit ano, gagawin ko just to win her back - Edward

"Your willing to do anything para sa kanya - Pat

"Anything Pat. Para kay May, kakayanin ko,dahil siya lang ang tanging dahilan ko kaya pinipilit kong mabuhay kahit malayo siya sa akin...siya lang Pat - Edward

Distance means so little when someone means to you so much

Authors note : this is purely fanfiction, not intended to hurt anyone even the said characters. It's just purely comes from my wild imagination..#nobashersplease

A Seven Letter Word Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon