ASLW : chapter 24

1.2K 70 4
                                    


May's pov

"Ay ang apo ko at dumating na", tuwang tuwang salubong sa amin  ni lola, kasunod nito si lolo, hindi niya alam na ngayon ang uwi namin, kasama si Pat at syempre , si Edward na todo alalay sa akin.

Well, nabuo ang aming munting anghel nung araw na nagkita kami sa rooftop. At hindi ko na iku - kwento ang detalye :-)

Nakauwi na din sa Pinas ang mga magulang niya para dumalo sa aming kasal. Si mama, sa susunod na mga araw, pauwi na rin.

"Kamusta po lola, lola", masayang bati ko sabay yakap at halik sa mga ito. Sobra ko silang na mis.

"Ay nako apo, mabuti. At masaya dahil nandito ka na ulit. At kasama mo pa si Edward ", sabi nito habang nakatingin kay Edward.

Ngumiti na lamang ako sabay lingon sa napaka gwapo kong future husband.

"Kamusta po lolo , lola", bati ni Edward saka nagmano sa mga ito.

"Mabuti apo, halika na kayo at tuloy na kayo sa loob at na nag makapag pahinga kayo", anyaya ni lolo.

Nang makapasok kami sa loob ng bahay nila lola, may napansin ako.

Welcome home MAY and to my future APO

Nakasulat sa isang tarpaulin.

Lumingon ako kay Edward na nakangiti pero nagtataka.

"Ano to?", tanong ko.

"Well, alam nila na ngayon tayo uuwi...sorry love, excited lang ako kaya nasabi ko na sa kanila na magkaka baby na tayo", sagot nito saka ako niyakap mula sa likuran ko.

"Ikaw lang ang walang alam.....kaya May!....", sabi ni Pat.

"Welcome home", sabay sabay na sigaw nina mama, mga pinsan ko at ng mga parents ni Edward na lumabas galing kusina. May hawak silang balloons,  baby dress, baby bottles, toys at kung ano ano pa na lalong nagpangiti sa akin.

Iyakin na kung iyakin pero hindi ko kayang pigilan ang maluha sa dahil sa sobrang kaligayahan

Sa kabila kasi ng lahat, yung pagsubok na pinag daanan ko,  sobra sobrang kasiyahan naman pala ang kapalit non,  nag uumapaw at halos hindi ko na kaya pang ipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Ang makasama, makita ko lahat ng taong malapit sa puso ko.

Si mama, na halos once in a three years bago kami magkita, at dagdag pa ngayon ang parents ni Edward na alam kong kahit hindi kami ganoon kalapit pa sa isa't isa, alam kong mabubuti sila.

"Welcome home love", as he kissed my shoulder.

Isa isa nila akong nilapitan,  niyakap at binati.

"Akala ko, ako ang mag surprised sa inyo, ako pala ang masu surprised", sabi ko na naka hawak pa sa dibdib ko na hindi mawala wala ang mga ngiting kay tagal ko yatang hindi nagawa.

"Well, mahina ang instinct mo love", sabi niya sabay buhat sa akin.

"Edward Ibaba mo ko", utos ko.

"Practice lang para sa wedding natin, ok ba", sabay kindat nito.

Kinurot ko siya sa tagiliran dahil don.

A Seven Letter Word Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon