Chapter 6: Akin ka nalang please..

103 3 0
                                    

{LEXI JADE'S POV}

Kakagising ko lang galing sa pagtulog, alangan naman sa paglakad diba? Well, ito ako ngayon parang mabigat ang pakiramdam, ewan ko ba parang lalagnatin ako na ewan. Ginagawa ko na ang daily routine ko ng may biglang nag doorbell, naku sino naman ang bwisita ngayon? Ang aga aga eh.

"Kuya! Buksan mo yung pinto! May nag dodorbell!" sigaw ko kay kuya. Kanina pa kasi nag dodorbell yung bwisita namin eh, at hindi ba nila alam na wala sila mommy at daddy dito at may pasok kami? Tss.. -___-

"Lexi! May dalaw ka!" sigaw ni kuya sa baba. Tignan mo to si kuya, ginawa pang prisinto tong bahay. Teka, ako? may bwisita? Sino naman yun? Eh si Lori, hindi niya naman alam ang bahay ko ahh? Ay, alam ko na mga suitors ko nanaman -____-

"Teka! Nagbibihis pa ako!" sigaw ko pabalik. Pagkatapos ko magbihis, bumaba na ako para tignan kung sino ang bwisita ko. Pero may naririnig akong nagtatawanan si kuya yung isa  at yung isa naman, familiar sakin yung boses....

"Hahahaha!! Sige sige, basta wag mo papabayaan yung kapatid ko ha" sabi ni kuya. Teka ano daw?

"Oo, pare makakaasa ka" sabi nung lalaki. Familiar talaga sakin yung boses niya. Sumilip ako sa may pader at nakita ko nanaman siya, sabi ko na nga ba eh! Siya yun! Pero, ano yung sinasabi ni kuya na 'wag ako papabayaan?'. Naku! Ano nanaman kaya ang trip nito?

"Sige una na ako, sa ngayon hatid sundo ka niya ha, wag mo yan sasaktan or papabayaan, kundi ako ang makakaharap mo" sabi ni kuya. Biglang nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko...

'WAG MO SIYA SASAKTAN OR PAPABAYAAN'.....

'WAG MO SIYA SASAKTAN OR PAPABAYAAN'.....

Ano ba pinagsasabi ng mga tukmol na to?!! Biglang bumukas ang pinto at mukhang may lalabas. Bigla akong tumakbo at hinabol si kuya.

"Kuya!!!!! Wag mo ako iwan dito!!! Sabay na tayo please!!! Kuya!!!! Ayoko sakanya!!!" sigaw ko sakanya habang hila-hila ko ang polo niya. Kinakabahan ako na ewan at parang sumasakit ang ulo ko kakasigaw.

"Ano ka ba, Lexi, hindi naman kita iiwann eh, may pupuntahan lang ako at baka hindi na ako makakapasok. Buti nga pumunta pa dito si Drake eh, kung hindi mag cocommute ka, tsaka wala ngayon si mang Jose para mag drive sayo, kaya sumama ka nalang kay Drake, hindi ka naman kakainin niyan eh, diba Drake?" sabi ni kuya habang nakatingin kay Drake. Waaah~! Hindi ko na kaya parang nahihilo na ako!

Umupo ako sa  couch habang naka yuko, ang dami ko namang problema. Una, feeling ko para akong nilalagnat na ewan. Pangalawa, parang pinapamigay ako ni kuya  sa ibang tao. Pangatlo, may atraso pa ako kay Drake. Ano ba yan -_______-

"Oh, Lexi okay ka lang ba?" sabi ni kuya. Hindi nalang ako nagsalita at tumayo na ako at kinuha ang susi ng kotse ni Drake sa kamay niya at lumabas. Narinig ko nalang silang nag sabi ng 'Yes!' at 'Sabi ko sayo pare eh'. Hindi ko nalang sila pinansin at pumunta na ako sa kotse ni Drake, sumakay na ako sa shotgunseat at pumikit, nahihilo talaga ako, bawal naman ako umabsent kasi wala sa vokabularyo ko ang absent, at isa pa, scholar ako diba?

Narinig ko nalang sa bumukas ang pinto sa driver's seat, si Drake na siguro yun. Hindi ko nalang siya pinansin at umidlip nalang ako kaysa makipag talo pa sa tukmol na yan....

{DRAKE'S POV}

Buti nalang at pumayag tong amazonang to na i-hatid sundo ko, okay na rin yun para mahulog siya sakin. Well, isa ito sa plano ko, hahaha!! Humanda ka talaga sakin Lexi, magiging akin ka rin Bwahahahahah!!!

Nagdra-drive ako ngayon papuntang school, medyo traffic kaya siguro medyo ma le-late kami nito ni Lexi. Tsk, tsk. Tumingin ako kay Lexi, natutulog parin siya. Ang amo ng mukha niya pag natutulog, mukha siyang mabait at palangiti, pero pag gising kabaliktaran ng mabait at pangiti -__- Laging naka taas ang kilay, minsan naka poker face, tapos napaka amazona! Pero maganda parin siya... Ay, teka! Bawal ako main-love  sa amazonang to! May mision pa ako na I'll break her heart.

Mr. Hearthrob Meets Ms. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon