Dahil sa kakaiyak ko, hindi ko nanaman alam kung nasan ako. Basta ang nakikita ko dito, puro puno na malalaki. Hindi ko alam kung san ako pupunta o tatakbo, basta lakad lang ako ng lakad. Nung may narinig akong tumatawag sakin, tumakbo ako ng napakabilis at nagtago sa napakalaking puno. Si Drake, si Drake ang tumatawag sakin.
Biglang nag vibrate ang phone ko, tinignan ko ito at nakita ko ang pangalan niya. Hindi ko ito sinagot at binasag nalang dala ng matinding sakit, sakit sa puso. Wala akong sakit sa puso ha, masakit lang talaga na, ayoko na ulit maalala.
[Drake's PoV]
Tangina! Ano ba kasi pumasok sa kokote ko at yun ang nasabi ko sakanya! Puta! Gusto ko pumatay ng tao! Ang gago mo talaga Drake! Argh!
Tawag ako ng tawag sa pangalan niya pero no respond. Sinubukan ko rin tawagan ang phone niya pero hindi niya sinagot, sinubukan ko ulit pero ayaw na. Hay.. Asan ka na ba Lexi?
Hanap parin ako ng hanap, hindi ako titigil hanggat hindi kita nahahanap Lexi. Mamahalin pa kita...
Yes, I love her. I didn't continue my mission to break her heart. Basta, alam ko na ang nararamdaman ko para sakanya. Mahal ko na siya.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sakanya. "Uy! Asan na si Lexi?!" nagulat ako ng may humawak sa balikat ko. Akala ko si Lexi, si Lori lang pala. 'Hinahanap ko pa siya." sabi ko. "Tsk! Ano nanaman ba kasing ginawa mo ha?!" sigaw niya. "Kung hindi mo lang kasi sinama si Lexi dun, hindi mangyayari to!" sigaw ko din. Bigla siyang natigilan, kainis ang dami ko nang nasasaktan.
Nagsimula na kaming maghanap ni Lori kung saan saan. Nag hiwalay kami ng daan para mas mabilis ang paghahanap. Sabi niya tatawagan niya na lang daw ako kung nakita na niya si Lexi, pero hanggang ngayon wala parin siyang tawag. Lexi, patawarin mo ako...
[Lexi's PoV]
Nandito parin ako sa puno at iyak ng iyak. Bat ganon? Minsan nasasabihan din ako ng mga masasamang salita, pero wala siyang epekto sakin. Pero pag kay Drake, ang sakit. Ano ba naman kasi tong nararamdaman ko? Paki explain, laby-- "Lexi! OMG! San ka ba nagsusulpot!" si Lori. Hula ko, nandito siya sa likod ng puno, hindi niya parin ako nakikita. Aha! Alam ko na. "Lori! Psst!" pabulong kong sabi. Tumingin siya kaliwat kanan pero hindi niya parin ako nakikita. Jusko po.
After 123456789 years.."Lori! Huy! Dito dali!" at yun tumingin na din siya. Bigla siyang lumapit sakin at parang sisigaw pa. "Aaa--mmmm!" Tinakpan ko na ang bibig nitong babaitang to bago pa kami mahuli ni Drake. "Don't freak out!" sabi ko na nag gigigil. Tumango naman siya, kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya. Yuck!
"Lori, huhuhu! Take me home, now." sabi ko sakanya. Tumango naman siya at hinila na ako.
[Lori's PoV]
Pagkatapos ikwento sakin lahat ni Lexi ang nagyari, dinala ko na siya sa bahay namin. Hindi ko muna i tetext si Drake na nandito na si Lexi, siya naman din may kasalanan kung bakit nangyayari to kay Lexi eh. Biro mo, para daw siyang tinawag na MALANDI?! What the hell! Kumukulo ang dugo ko kay Drake! Aish! Kakalbuhin ko yun pag nakita ko yun!
Nakita ko si Lexi na natutulog, hinayaan ko nalang siya dun at pumunta na sa kabilang kwarto. Naaawa ako kay Lexi. Buti nalang ako, nandito si Alex. Hihihi! Wag kayo maingay ah, secret lang natin to. Oo, crush ko siya. Gosh! Ang pogi pogi niya kaya! Ang problema, malaki lang ang mata. Pero okay na rin yun, mabait naman siya and sweet.
Exited na ako bukas, niyaya niya kasi ako na mag dinner date. Enebenemen yen eh, kenekeleg eke!! Hahaha! O siya, mag bue-bueaty rest muna ako. Good night!
[Drake's PoV]
Kanina pa ako nag mumukmok dito sa malaking puno, nakita ko kasi ang scarf ni Lexi kaya kinuha ko. Hindi ko alam tumutulo na pala ang luha ko. Shit naman! Ang gay! -_____-
BINABASA MO ANG
Mr. Hearthrob Meets Ms. Famous
FanfictionSi Lexi Jade Guzman ay isa sa mga kilalang famous model sa Pilipinas. Isa siyang NBSB, well meron kasi siyang kasabihan 'Ang pakikipag relasyon ay isang sagabal sa buhay'. She never knew how to love before pero pag nagkakilala kaya sila Drake Agusti...
