Chapter 15: Lagot

75 1 0
                                        

[Lexi's PoV]

Hay..ang sarap naman dito humiga. Sino ba nag bago ng higaan ko? Hmm.. Baka Sorry gift to ni kuya. Yiii! Ang lambot talaga! Para siyang may tubig. Ang lamig pa ng higaan. Bangon na kaya ako para mag thank you kay kuya? Sige na nga! 

Umupo ako at nag stretching na naka pikit, feel na feel ko eh. Pagkatapos non, binuksan ko na ang mga mata ko. Teka, hindi lang pala higaan ang binago sa kwarto ko, as in binago buong kwarto ko! At, yung pinto, bakit nasa gilid ang pinto? Eh nasa harap ng higaan ko yan ah! Pinikit ko muna ang mga mata ko para isipin na nananaginip lang ako. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko, pero ganon parin! Unti unting nag sink in sa utak ko na... HINDI KO TO KWARTO! Eh? Nasan ako?

Bumangon na ako para hanapin ang tao dito. Pero bago yon, tinignan ko muna ang damit ko. Naka uniform pa naman ako ah? Inaalala ko kung ano ang mga nangyari this day. May nakita akong lalaki sa gilid ko at inaabutan ako ng jacket... OMG~! Hinoldap niya ako! Pero hindi yon eh. Ahh..oo, after non, everything went black. Mahimatay ba ako non? Malamang.. -_____-

Inayos ko muna ang sarili ko sa c.r at bumaba. Grabe, ang laki naman ng bahay na to. Hindi na ata bahay ang tawag dito eh, mansion na ata. X2 ang laki nito sa bahay namin. Ang laki talaga. Pero bat parang walang tao? Naku! Hide out lang siguro ng mga holdapers to! Emeged, ang laki naman siguro nito.

Tuluyan na akong bumaba sa napakalaking stairs na to. May naamoy akong mabango. Nakakaguton naman ang amoy na yun! Waaa! Nagugutom na ako. Asan ba kasi ang kitchen dito? Ang laki naman kasi nitong mansion na to. Sinundan ko nalang ang amoy ng mabango na yun na nakapikit, feel na feel ko din eh. Nung may nahawakan ako na parang pinto, pumasok na ako don. Ang bango naman ng luto na yun, nagugut-- "Hey, you don't need to close your eyes." Huh? Sino yon? Sinasabi niya yun na parang natatawa pa ha! Binuksan ko na ang mga mata ko, isang lalaking naka apron ang biglang tumambad sa maganda kong mukha. 

"Ay mabango!" gulat na sigaw ko. "Hahaha.. Your face is so epic!" tatawa tawang sabi niya. Gulpihin ko to eh! Ito? Itong mukhang to? Epic? -_____-

Tinignan ko siya from head to toe. Hmm.. Teka? "Clyde?" tanong ko. Ito ba yung nakasabay ko sa elevator non? At yung umamkbay sakin? "Yeah?" siya nga. Si Clyde nga to. Eh ano namang ginagawa ko dito? 

"Ano ginagawa ko dito?" tanong ko sakanya. "Ah nga pala. Kahapon kasi nakita kita sa shed na nilalamig, ewan ko nga kung ano ginagawa mo dun eh. Pinuntahan kita don para abutan ng jacket, pero nahimatay ka naman. Dahil hindi ko naman alam ang bahay niyo, inuwi nalang kita dito." sabi niya. Ahh.. That's why he's so familiar. "Ah, K." sabi ko naman. Wala akong gana mag salita ng pagkanda haba haba eh. At tsaka, gutom na din ako. 

Tinignan ko yung mga ulam sa napaka habang lamesa. Grabe, may ocasion ba? Ang daming pagkain eh. Pero hindi ko alam ang mga pangalan, bago sa paningin ko eh. Mukhang masasarap. Iniwanan ko si Clyde don na nag dadaldal at umupo na sa upuan. Gutom na gutom na talaga ako. Inuna ko muna ang kanin, at mga nakikita ko na mga ulam. Una kong tinikman ang kulay orange na may hindi ko alam na gulay at tinikman. OMG! Ang saraaaap! Hinayaan ko kuna si Clyde na mag daldal hanggang sa nakaupo na siya. Bahala siya sa buhay niya, basta ako kakain. Everytime na susubo ako, naririnig ko siyang tumatawa. Ano problema nun? Nung hindi ko na kinaya na pinagtatawanan niya ako. Hinarap ko siya at sinabing...

"Ano tinatawa tawa mo jan?" taas kilay kong sabi. "Nothing, ang sarap mo lang kasi kumain." sabi niya with a smirk on his face. Tss.. di nalang siya kumain at wag nalang ako pansinin? Hindi ko na siya pinansin at kumain ulit ako. Yiii~! Ang sarap ng mga ulam!

[Clyde's PoV]

Natatawa talaga ako pag kumakain siya. Para bang isang taon na hindi kumain? Ganon yung pagkain niya. Pfft! Ang cute niya nga pag lumolobo ang pisngi niya eh, sarap kurutin. Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya habang kumakain siya. Inaalala ko kasi yung kinausap ko yung kuya niya. Pano kung magalit siya sakin? Parang hindi ko yata kakayanin. Wag ko nalang kaya ituloy? Pero, aish! Mamaya ko na nga lang iisipin yan. Basta ang mahalaga, andito siya ngayon sa tabi ko.

Mr. Hearthrob Meets Ms. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon