Chapter 29: Paraiso

60 1 0
                                        

[Drake's PoV]

Pagkatapos namin mag 'ganon', actually hindi naman siya 'ganon' na 'ganon' pero ganon parin yun, dumiretso na siya sa CR. Alam kong nakakahiya sakanya, pero mas nakakahiya naman sakin! Hindi ko alam kanina pero bigla nalang uminit yung mukha ko. Eh, ikaw kaya? Makita mo yung katawan ng mahal mo, at tsaka, idadagdag mo pa na napaka SEXY niya, diba? Mamumula ka. Tsk. Nakakahiya.

"Wifey, ano oras ka pa ba jan? Kanina ka pa ah? Is there something wrong?" totoo naman na kanina pa siya sa CR. Nagaalala na ako.

"Ha? Ah.. T-teka lang, Drake. Ayaw lumabas eh." Huh? Anong ayaw lumabas? "Anong ayaw lumabas?" tanong ko.

"Ano? Anong ayaw lumabas? Hahahahahaha! Baliw ka na ba, Drake? Haha! Teka nga! Ahh!! Yun! Haha! Sa wakas!" sigaw niya sa CR. Ano ba ginagawa nito?

Bubuksan ko palang sana yung pinto ng binuksan niya din. Kaya ayun, nakayakap siya sakin. Mabuti nalang at magaan lang to, kung hindi, kanina pa kami na out balance. Tinignan ko ang mukha niya na gulat na gulat kaya ningitian ko nalang siya.

Napansin ko rin na medjo namula siya kaya dali dali siyang umalis sa kakayakap sakin. Haha! Kaya mahal na mahal ko yan eh. ❤

Pumasok ako sa CR na may ngiti sa labi. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na akin na talaga siya. At hanggang akin siya, hinding hindi ko siya papakawalan. 맛시 새ㅎ, Lexi. (I Love You)

[Lexi's PoV]

God! Kailan ba mawawala ang kahihiyan na ginagawa ko? Nahihirapan na po ako! Huhu! Sobra sobra na, sobra na ang kahihiyan ko. Hell!!

Pagkatapos mangyari yung pintuan-churvanes-with-hug, pumunta na ako sa kwarto. Kumuha ako ng skinny jeans na kulay blue, at T-shirt na kulay pure white na plain lang. Nilugay ko lang ang buhok ko at kumuha ng konting jewelrys. Katulad ng bracelet at singsing. Hindi na ako nag make-up, at nag pulbo nalang ako at nagpabango. Hindi ko trip ngayon mag make-up eh.

"Ay palaka!!!" nagulat ako dun ah! Pano ba naman, bigla bigla nalang ako yayakapin sa likod ng nagbabagang kasarapan na abs na harap ko este si Drake lang pala! "Ano ba yan! Akala ko pa naman kung ano na." sabi ko sabay balik sa ginagawa ko na pagliligpit ng damit. "Haha, sorry wifey." sabi niya in ay very freakin sexy voice. "Hoy, magbihis ka na, Drake." sabi ko sakanya na nakayakap parin sa likod ko. Bagong ligo palang kasi eh. At, aba hindi ako inimikan? Tss.. "Drake, akala ko ba aalis tayo? Magbihis ka na." sabi ko, pero wala parin! Ano ba gagawin ko? Ah! Yun lang pala! Kulang! "Ah.. Ehem! Magbihis ka n-na... h-hubby..." labag man talaga sa loob ko, pero hindi ako susundin niyan, I have no choice.

At alam niyo ba? Sinabi pa naman na, "Say what? I can't hear it." na parang tuwang-tuwa pa. Tss... "Hayy.. Magbihis ka na, hubby." sa wakas at nasabi ko rin. Tumawa siya ng mahina at umalis na sa kakayakap sakin. Pumunta na siya damitan niya at kumuha ng damit na, hmm.. Parang parehas ata kami? Skinny jeans na kulay gray sakanya at pure white din na T-shirt, na plain lang din. Hala? Nahuli niya akong nakatingin sakanya at bigla akong nginitian ng nakakaloko, biglang uminit ang mukha ko kaya iniwasan ko siya ng tingin. Hindi ako nakuntento kaya tinignan ko ulit siya, pero this time, nakatalikod siya kaya hindi niya ako mahuhuli. I look at his sexy back, and damn, mukha ako ditong naglalaway na di mo maintindihan. Naku, mas malala pa pala kung nakaharap siya at, nakahubad pa! God! Patay na siguro ako na masaya! Haha! Bat ganon? Kahit simple lang yung mga suot niya, ang lakas parin ng dating? Hmm...

"Let's go?" pagkaharap niya. Medjo nagulat ako nun pero mukhang hindi naman niya nahalata. Tumango nalang ako bilang sagot.

Nandito na kami ngayon sa kotse niya at nag dad-drive na siya, ako naman nakaupo at tahimik. At may naalala ako, "Drake--ay este, H-hubby, ano kasi, uhm.. Dala mo ba yung gamot mo? Alam mo na, incase lang." sabi ko. Tumingin siya sakin at hinawakan ang kamay ko. "No need to worry, wifey. Everythings under control." sabi niya sabay alis ng kamay niya sa kamay ko. Okay na rin ang sigurado, kaysa naman huli na ang lahat.

Pagkatapos ng medjo mahaba habang biyahe, we have reach our destination. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang-- HUWAW!!!! Puro rides! Gosh, nasa paraiso na ba kami? Ang ganda, at ang kukulay. MyGod, ang dami dami daming rides. Tumingin ako kay Drake na napakalaki din ng ngiti. Nginitian ko rin siya at niyakap dahil ngayon lang ako nakapunta sa paraisong ito.

Nauna na akong bumaba at manghang mangha na tinignan ang mga ito. Napaka ganda, pero sa kasamaang palad, napakaraming tao. -____- Sigurado, mahaba habang pila ito. Hell..

"Hey, papasok ba tayo, o maghapon kalang tutunganga jan?" sabi ni Drake. Anyare? PMS ba to? Lumapit na ako sakanya at hinawakan ang kamay niya, "Sorry." sabi ko kahit wala naman akong kasalanan. Ayoko kasing masira itong araw na to, gusto ko itong i-enjoy.

Nagbayad na siya sa cashier at pumasok na kami sa mala paraisong lugar na ito. Im so exited!

Mr. Hearthrob Meets Ms. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon