[Lexi's PoV]
4 na araw na din ang nakakaraan simula nung pumunta kami sa ospital. Binigyan na din si Drake ng gamot para daw medyo mawala ang pag sasakit ng ulo niya, at ang pag dudugo ng ilong niya. Nahihirapan na ako para kay Drake. Hindi ko na alam ang gagawin ko tuwing sinusumpong siya ng sakit niya. Wala akong magawa kundi ang pilitin siyang uminom ng gamot. At ang mas malala, minsan tititigan ka lang niya na parang hindi ka niya kilala. Natatakot ako, natatakot ako na baka makalimutan niya ako.
"Lexi babe, uhm, pwede ba kita... ma kiss? Kahit isa lang, please." sabi niya na nag pupuppy eyes pa. Ngumiti muna ako sakanya at lumapit. Hindi ko na siya pinahalik, dahil ako na ang tumadtad sakanya ng halik. Mamimiss ko rin to..
"Babe?" tawag niya.
"Hmm?" ako
"Date tayo?" siya. Papayag ba ako? "Uhmm, okay lang kung ayaw m--" I cut him of. "Sure babe." then I kiss him again. Tumayo na ako sa kama at dumeretso na sa banyo para maligo. Nga pala, dito muna ako titira sakanila para maagapan ang pag sasakit ng ulo niya, dito na rin ako sa kwarto niya natutulog. Wala eh, mahal na mahal ko siya.
Pagkatapos ko maligo, lumabas na ako ng banyo at sinenyasan ko siya na siya naman ang sunod, kaya pumasok na siya sa banyo. Ano naman kaya ang isusuot ko? Hay nako. Ito nanaman tayo!
Nakita ko ang orange na dress na above the knee, OMG this is so cute! Meron din siyang attached na black sa gilid gilid. Pumili na rin ako ng orange na high heels na terno ng dress ko. Nilugay ko lang ang buhok ko at kinulot ang dulo nito. Nag make-up din ako ng light, hindi naman kasi ako mahilig na makakapal na make-up eh.
Pagkatapos ko, tapos na rin maligo si Drake. Bat parang ang tagal naman niya ata? Nakita ko siya na half-naked lang! Fvck! Naka towel lang yung baba niya and pinupunasan niya yung basa niyang buhok. HOT! Nakikita ko rin ang 6 packs abs niya. Feeling ko, mahihimatay ako nito sa sobrang yummy ng nasa harap ko! Geez!
"Done checking me?" he said while grinning. Damn. Nakatulala na pala ako sa harap niya. Nakakahiya, putek. Yumuko nalang ako at sinabing, "A-andun na sa k-kama yung d-damit mo.." sabi ko na nakayuko. Namumula kasi ako eh! May naramdaman akong daliri sa baba (baba, yung dulo ng mukha natin? Baka kasi kung ano ano ang iniisip niyo eh.) ko at inangat ito. Nakita ko ang napaka gwapo niyang mukha at matang nakatitig saakin, na feeling ko matutunaw ako anytime. Then the next thing I know, he's kissing me, and hell, I respond.
Pagkatapos niya akong halikan, hindi pa siya nakuntento, at hinalikan pa ako sa noo. Tumawa ako at tinulak na siya para mag bihis. Kaya yun, nag bihis na rin siya. Hay.. ♥
Bumaba na kami ni Drake sa mataas nilang hagdanan at dumiretso na sa kotse niya. Pumasok na ako sa shot gun seat at pumasok na rin siya sa driver seat. Bago niya paandarin ang kotse, tumingin muna siya saakin at hinalikan nanaman ako sa lips. Hihi! Kinilig ako!
Nandito na kami sa beach, ito nanaman. Tumingin ako kay Drake na nag aalala. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabing, "Don't worry, everything will be alright, okay babe?" tumango nalang ako. Hindi ko parin maiwasan ang matakot sa nangyari noon, hindi niyo naman ako masisise, mahal ko tong lalaking to eh. At ayoko siyang mawala sakin.
Nakita ko nanaman ulit ang table na yun, yung sinagot ko siya, naalala ko nanaman. Pinaupo niya ako at umupo narin siya. God, please, make this day special, please.
"Are you okay?" he asked
"Y-yes, im okay." sabi ko
Katulad noon, pumalakpak nanaman siya ng dalawang beses at nag silabasan ulit yung mga waiter, at sabay sabay nila binuksan ang mga plato. Lasagna!!
Nag kwentuhan lang kami about sa couple, dapat daw, ganyan, ganito, at bawal yung ganito, at ganyan. Tss...
Pagkatapos namin kumain, niyaya niya akong mag swimming, naalala ko nanaman. "Hey? Trust me on this okay? Please baby." he said. Tumango nalang ulit ako.
Nag bihis na kami ni Drake ng swim suit, shempre akin bikini na black, at kanya naman, yung shorts? Basta naka short lang siya tapos, yung abs!! Emeged!
"Shall we?" sabi niya. Hinawakan ko na yung kamay niya at sabay kami na tumakbo sa dagat.
Hmm.. Okay lang naman siya ngayon. Wala naman akong nakikitang masakit sakanya. Ang saya saya pa nga namin eh. Sana ganito nalang kami palagi, masaya,at nagmamahalan. ♥

BINABASA MO ANG
Mr. Hearthrob Meets Ms. Famous
Fiksi PenggemarSi Lexi Jade Guzman ay isa sa mga kilalang famous model sa Pilipinas. Isa siyang NBSB, well meron kasi siyang kasabihan 'Ang pakikipag relasyon ay isang sagabal sa buhay'. She never knew how to love before pero pag nagkakilala kaya sila Drake Agusti...