Chapter 8: Runaway..

90 4 0
                                    

{LEXI JADE'S POV}

Nandito ako ngayon sa C.R ng girls sa school, grabe napaka laki ng eyebags ko -____- Nakakahiya talaga kay Drake! Ang tanga ko naman kasi, hindi ko muna tinignan yung itsura ko sa salamain! Dapat pala nagpalamon nalang ako sa lupa kaysa sa makita nila ako! Ayoko ng ganito!

"Uy! Ang tagal mo jan ah! Bilisan mo, ma le-late na tayo oh!" sabi ni Drake sa labas ng pinto. Ni-lock ko kasi, nahihiya ako lumabas!

"A-ano, hindi na ako papasok, m-mauna ka nalang." sabi ko habang pinupunasan ang mata ko. Mas mabuti na to, kaysa pagtawanan ako.

"Tanga ka ba? Don't worry, maganda ka parin." sabi niya ng serioso. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Alam kong niloloko o lang ako, Drake." sabi ko. Gusto ko na umuwi -_________-

"Sige, i-uuwi nalang kita kung ayaw mo pumasok. Buksan mo na ang pinto." sabi niya habang bumuntog hininga. Nagiging papigat na ata ako kay Drake :'<

Binuksan ko na ang pinto at lumabas, nagtakip naalang ako ng panyo sa ilalim ng mata ko, bahala na si Batman. Nung nagtama ang mga mata namin, bigla akong nailang, ewan ko ba parang, err... ewan! May nag-wawala sa tiyan ko! Para akong nakikiliti na ewan pag nag tatama mata namin. Umiwas na ako ng tingin para mabawasan ang awkwardnes. 

"Alam mo, hindi mo naman kailangan mahiya sakin eh, maganda ka parin sa paningin ko." sabi niya habang nakangisi. Tss... Di ko tinatanong -____-

"Alam mo tumahimik ka nalang at ihatid mo nalang ako sa bahay at masama ang pakiramdam ko." sabi ko. Nandito na kasi kami sa harap ng kotse niya. 

"As you wish.." sabi niya sabay bukas ng pinto ng kotse sa shot gun seat. Hinayaan ko nalang siya. Walang imikan sa buong biyahe, sa kalagitnaan ng pag dra-drive niya, bigla ako nakaramdam ng hilo. Ahhh.. sumasakit pa ulo ko.

"Okay ka lang ba?" tanong niya ng nasa harap na kami ng bahay namin. Bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse niya ng bigla niya ako hilain pabalik at hinawakan ang leeg ko.

"Mainit ka ahh.. Gusto mo ba dalhin kita sa hospital?" tanong niya. Hinawakan ko ang leeg ko at mainit nga ako.

"Wag na, umuwi ka nalang, salamat," sabi ko ng matamlay. Nahihilo na talaga ako.

Nang bubuksan ko na ang gate namin, bigla niya yun inagaw at binuksan. Tinignan ko siya ng nagtatanong, pero binaliwala niya lang ito. Nang nakapasok na kami sa bahay, umakyat na ako sa kwarto ko para magpahinga, hindi ko na talaga kaya. Hinayaan ko nalang siya sa baba, hindi naman siya magnanakaw eh, may tiwala naman ako sakanya.

Nang nakarating na ako sa kwarto ko, humiga ako agad, mamaya nalang ako magbibihis. Nang medyo nakukuha ko na ang tulog ko, may narinig akong bumukas ng pinto, pagkalingon ko... si Drake, may dala siyang mangkok at mga gamot, syaka pampunas, teka, aalagaan niya ba ako?

"Upo ka muna, kain ka oh, luto ko to, masarap to, pagkatapos nito uminom ka ng gamot mo at magpahinga." sabi niya habang nilalapag ang mga dinala niya sa mini table ko. Tumingin lang ako sakanya. Iba to ahh...

"Hay, sige na nga susunuan na kita." sabi niya. Hinahayaan ko nalang siya, hindi ko pa kaasi kaya.

"Oh, say ahh.." sabi niya. Nguma-nga naman ako at kinain ang mushroom suop niya, hmmm masarap siya ahh.. Sinusubuan niya lang ako hanggang maubos ko ang isang mangkok. Ahh.. busog na ako.

"Oh, inom ka na ng gamot." sabi niya sabay abot ng gamot at tubig. Hindi parain ako makapaniwala na inaalagaan niya ako. Nang matapos ko ng inumin yun, humiga na ako at nagpahinga.

"Uy! Magbihis ka muna, pupunasan pa kita." sabi niya. Wala akong lakas para tumayo. Binuhat niya ako para makatayo, edi tumayo ako. Medyo nahihilo ako, pero kaya ko naman na.

"Oh." sabi niya sabay hagis sa kama ng damit ko tsaka lumabas ng pinto. He do really respect me that much, huh? Nagbihis nalang ako, at humiga hindi ko na siya tinawag, wala akong lakas.

Maya-maya bumukas na ang pinto, si Drake na yun. Nag tulug-tulugan nalang ako, hindi ako makatulog eh. May naramdaman akong gumalaw sa kama, baka umupo si Drake. Hinayaan ko nalang I feel safe...

"Lalalalalalalala~" kanta niya sa tabi ko. Nakahiga pala siya at nakayakap sakin, hindi ako masyado makagalaw sa gulat.

"Mawawala din yang sakit mo, tiwala lang." bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko sa likod. Emeged, may lumilipad sa tiyan ko, syaka parang nakukuryente ako habang hinahawak niya ako. Ano ba to?

Maya-maya, tumayo na siya, bumangon na ako para sabihin sakanya na kailangan na niyang umalis dahil gabi na rin atsyaka parang uulan eh. Wala pa naman si kuya, nasa Baguio may inaayos na papeles, kaya ako lang mag isa dito.

"Drake, ano... Umalis ka na, gabi na oh, tsaka parang uulan." sabi ko sakanya habang inaayos niya yung kaninang dinala niya dito.

"Ahh..Sige ililigpit ko lang to." sabi niya sabay baba. Umupo nalang ako sa kama. Biglang umulan ng malakas, may kidlat pa! Naku, takot pa naman ako sa kidlat! Maygad! Napaka wrong timing! Niyakap ko nalang ang mga tuhod ko, grabe nakaktakot!

"Ahh.. Lexi, aalis na ako ahh. Pagaling ka." sabi niya sabay alis na. OMG ako nalang talaga mag isa dito!

*Krrrriiiiiccckkk!!!!* (a/n sound efect yan ng kidlat, wag kang magulo)

"Ahhhhhhhhh!!!!!!" sigaw ko. Grabe ayoko na!!!! Bigla namang may pumasok sa kwarto ko, pagkakita ko si Drake, na nag aalala ang mukha. Biglang nagtama ang paningin namin, umiiyak na ako sa takot.

"Anong nangyari?! Okay ka lang ba?" tanong niya tapos nilapitan ako at niyakap. Yumakap nalang ako pabalik, natatakot na talaga ako.

"Shhhh.. Im here, Im here.. SShhhhh..." paulit ulit niyang sabi habang nakayakap sakin. Bigla niya akong hinarap sakanya.

"Wag ka na umiyak oh, hindi ko alam ang gagawin ko." sabi niya habang pinupunasan ang mga luha ko. Hindi parin ako tumitigil sa pag iyak, natatakot parin ako.

"Teka, may kukunin lang ako." sabi niya. Pero pinigilan ko siya at sinabing...

"No, don't leave me..please, I'm scared.." patuloy parin sa pag iyak kong sabi. 

"I won't leave you, I promise. Im just gonna get something to make you stop crying." sabi niya sabay takbo paalis. Niyakap ko nalang ulit ang tuhod ko at humagolgol.

*KKrriiikkkcccckkk!!!!*

Humagolgol nalang ako sa tuhod ko at tinakpan ang aking mga tenga. Biglang pumasok si Drake, na may dalang gitara. San niya naman nakuha yan?

"I hope this helps.." bulong niya sabay upo sa sahig. Niyaya niya akong umupo sa sahig kaya umupo na rin ako at niyakap ang mga tuhod ko.

"Kakantahan nalang kita, para hindi ka na umiyak." sabi niya sabay strum ng gitara.

*Ohhh, woah woah....

So easy to forget our love, the little things we do..

Like callin for no reason, just to say the words, Baby I love you...

I know lately I've been busy, but a second doesn't go by,

without you crossin my mind, It's been so long since we had time,

Let's take a day and make everything alright

Just take my hand, fall inlove with me again* kanta niya, ang ganda ng boses niya, ni lock ko lang ang tingin at pandinig ko sakanya para mabawasan ang kaaba ko.

*Let's runaway to the place, where love first found us

Let's runaway for the day,don't need anyone around us

When everything inlove get so complicated it only take a day to change it,

What I have to say, can't wait, all i need is a day, 

So let's runaway, let's runaway just for the day...*

Tapos na ang kanta niya at di ko alam, nakatulog na pala ako. 

Isa lang ang naiisip ko MAHAL KO NA ATA SIYA...

[a/N]

Hayss.. sorry for the long wait :) Nakabawi na rin wahah!! Gue enjoy !

Mr. Hearthrob Meets Ms. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon