Chapter 10: Trip

87 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nag fa-facebook. Ang boring naman nitong ginagawa ko -___- Well, kasalanan ko bang wala akong magawa at tinatamad akong lumakwatsya? Hmm..Ano kaya kung pumunta ako sa pinsan ko? Oo nga no! Kila Vincent! Wahaha! Kung hindi niyo pa kilala si Vincent, pinsan ko siya, at alam niyo ba? Siya yung first crush ko! Emeged, napaka pogi kaya nun! Pero sa kasamaang palad, naging pinsan ko pa siya -___-.

Naligo at nag bihis na ako ng simpleng damit, sabi kasi nila mas lalong nagiging atractive ang babae kung simple lang daw ang mga sinusuot eh, so yun ginawa ko. Nakikiuso lang ^___^ 

Kinuha ko na ang keys ng car ko at lumarga na. Malapit lang naman ang bahay nila Vincent samin mga 30 min. lang and gora na. 

[AFTER 30 MINS.]

Nandito narin ako sa bahay ng pinsan ko, sa wakas! Naabutan kong bukas ang pintuan nila kaya pumasok nalang ako, hehehe! Ganun ako eh! Pake niyo ba? 

Naabutan ko lang naman siyang naka higa sa sofa at nanonood. Tss.. pumunta pa ako dito kung boring din naman pala -___- Nagsayang lang ako ng time, energy, gas ng car. 

"Hey Vincent!" sabi ko while at the door. May maners naman ako kahit papaano. Tumingin siya sakin na nakakunot ang noo. Wow, what a nice greetings insan note the sarcasm.

"Ano nanamang problema mo?" sabi niya and higa ulit sa sofa. Really? Dugo't pawis ang binuhos ko dito para lang makapunta sa ugok na to.

"Wow ha! Pumupunta lang ba ako dito kung may problema ako? Letche to!" sabi ko and humiga na rin sa tabi niya. Well, para samin, wala naman siyang malisya. Sanay na kami sa ganto since were kids. 

"Oo." sabi niya. Tss.. May bayad ata ang pagsasalita nito eh.

"Ang sama! pasalamat ka nga at pumunta pa ako dito eh!" sabi ko at sabay tayo. "Gue, aalis nalang ako. Nakakahiya naman sayo!" sabi ko then walk-out. Bago pa ako makapag walk-out, bigla niya akong hinila at hiniga ako sa tabi niya. Yiiee~! Kinikilig akooo! Pero, honestly hindi lang talaga ako kayang tiisin nito. 

"Don't. Stay." sabi niya. Eemged! Ang sexy ng voice! Wahaha! 

Alam niyo ba ang ginagawa namin ngayon? Well, isa lang naman, nanonood. Ang boring ano po? Bwisit kasi tong si Vincent wala man lang imik! Samantalang ako daldal ng daldal. After ng mga isang oras may kumatok sa pinto. Ako na ang nag volunteer na mag bukas, nakakahiya naman dito.

At nang pagkabukas ko...

"Drake/Lexi?!" sabay naming sabi. Anong ginagawa niya dito? "Anong ginagawa mo dito/Anong ginagawa mo dito?!" sabay nanaman naming sabi. Tss! Ano ba to, mind reader?! 

"Tss.. Ako na mauuna. Pumunta ako dito dahil tropa ko ang may ari ng bahay na to. Ikaw anong ginagawa mo dito?" sabi niya. teka, HUWAAAT??!! Tropa? Sila? Pano?

Pero bago ako sumagot, nag isip muna ako ng magandang sasabhin, pag tri-tripan ko to! Hahaha.. Eh ang boring eh! Gusto ko ng fun!

"Boyfriend ko ang nakatira dito." sabi ko na nakataas ang noo. Wahaha! Maasar ka please! And then, success! Biglang nag iba ang mood niya, parang may dark aura. Wahaha!! Malupit si dodong!

"B-boyfriend?" tanong niya in a serious way. Wahaha! Naasar na siya!

"Oo, bakit?" tanong ko na nakataas prin ang noo at ngayon naka pameywang. Ang lakas ng trip ko ah!

Hindi na niya sinagot ang tanong ko at dumiretso na siya sa loob ng bahay ni insan. Hala! Hindi pa pala alam ni insan yung trip ko! Naku pano ba yan?! Huhuhu!

"Tol, girlfriend mo si Lexi?" sabi ni Drake na may dark aura parin. Bigla namang lumingon si Vincent na nakakunot ang noo. Naku buking na ako nito! Pero matalino ata si Lexi no! Tumingin muna si Vincent sakin na naka anong-trip-mo-nanaman-look. Binigyan ko nalang siya ng sign na sumakay sa trip ko kaya ngumiti siya at tumango. Yes! Success talaga ang plano ko! Wahaha!!

Mr. Hearthrob Meets Ms. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon