Pagkatapos sabihin yun ni Drake, umalis na siya sa harapan ko. Pero, bakit naman siya nagseselos? Dahil ba inakbayan ako ni Clyde? Ang babaw naman ni Drake kung ganon yung reason niya, diba? Alam niyo ba, nung umalis siya sa harapan ko nung pagkatapos niya sabihin iyon, parang biglang may kumirot sa dibdib ko. Ewan ko kung ano yun, pero, kumirot talaga eh! Para akong nasaktan! Aisshh!! Bahala na nga! Pupuntahan ko nalang si Lori sa cafeteria, baka kung ano pa gawin ni Alex sakanya eh. Alam niyo na.
Pagkapasok ko sa cafeteria, nakita ko silang nag-tatawanan. Hmm.. bakit kaya?
Umupo na ako sa dating kong pwesto. Ang i-ingay naman nitong mga to! Tawa ng tawa! Nag patugtog nalang ako sa cellphone ko at sinaksak sa tenga ko ang earphone. Habang nag papatugtog ako, sinandal ko nalang sa lamesa ang ulo ko. Nakakainis naman tong araw na to!
Maya maya, merong kumakalabit sa tagiliran ko, Tss ayoko pa naman na ginaganyan ako -____- Pagkaharap ko nakita ko si Clyde na naka ngiti, inirapan ko nalang siya at sumandal ulit sa lamesa, mamayang 1:00 pa ang next subject namin eh, samantalang mag 12:00 palang. Hay.. Isang oras pa na paghihintay 〒_〒.
[1:00 p.m]
Tumayo na ako ng nakita ko na ang oras sa cellphone ko. Wala atang balak pumasok ang mga yan kaya hinayaan ko nalang. Hinila ko na si Lori na nakikipag landian kay Alex at kay Jareck. Langya tong babaitang ito. Ayaw pa ngang umalis eh! Kaya sinabihan ko ng...
"Papasok ka o kakaladkarin kita?" tanong ko sakanya na may death glare pa. Para naman sumunod na. "Ahh.. eh.. Huhuhu.. Oo na p-papasok na po... Huhuhu.. "sabi niya na mangiyak ngiyak. Tss ayoko lang ipahiya to eh, nakaka awa kasi. hahahaha! Ang epic ng pays!
Nag ba-bye na silang lahat samin, hindi ko nalang sila pinansin. Pero si Lori, maka ngiti at kaway wagas! Kala mo naman hindi na sila magkikita -____-
Pumasok na kami sa classroom, andito na pala si sir, buti nalang may inaayos pa, hindi niya tuloy kami nakita na pumasok. Hihihi!
Ay oo nga pala, classmate namin ngayon si Drake. Ni hindi niya man lang ako tinignan, or nginitian tulad ng dati. Naka cellphone lang siya at mukhang may tine-text. Hay.. Bat parang hindi ako sanay na ganito? Bat parang may kumikirot sa dibdib ko? Ano ba naman to!
At sa malas malasan nga naman, katabi ko pala siya ngayon -___- what a lucky day for me, note the sarcasm.
Umupo na ako sa tabi niya, hindi parin siya tumitingin sakin, nor kausapin </3.
Habang hindi pa nag sta-start ang klase, naisipan kong kausapin siya. Omygosh! Nakakakaba naman to! Lord, sana po kausapin niya ako, pretty please? *crossfingers*
"Ahh, Drake?" panimula ko. Pero hindi siya umimik man lang! Huhuhu! Iyak tayo! At alam nito ba ang ginawa niya? Nilagay niya sa tenga niya yung earphone niya at nagpatutog, ang lakas pa nga eh, rinig na rinig ko! Ayaw niya ba talaga ako kausapin? Ouch... <///3 Hmmp! Bahala siya kung ayaw niya ako kausapin! Wala na akong pake! Hindi ko na rin siya kakausapin! Bahala siya!
[UWIAN]
Naglalakad ako ngayon palabas ng school, wala nga kasi yung kotse ko. Tapos wala pang mag hahatid-sundo sakin, kasi ayaw ako pansinin ni Drake. Mag aabang nalang ako ng taxi. Wala akong choice eh.
Nang may napara akong taxi, pumasok na ako at sinabi sa driver kung saan ako pupunta. Wala naman akong kasama sa bahay kasi wala parin si kuya. Ewan ko kung kailan yung uwi nun. Hay sana umuwi na si kuya.
Pagkatapos ako ihatid ng taxi driver sa bahay, binayaran ko na siya at lumabas na ng kotse. Naabutan kong may kotse sa tapat ng bahay. Hmm.. familiar sakin tong kotse na to ah. Nung naalala ko kung kanino to, bigla akong napangiti at sabay takbo sa loob ng bahay. At boom! Nandito na si kuya! Yes, may kasama ng rin ako sa bahay!
"Kuya!!!! Kyaaaah~!"tili ko sabay yakap sakanya. "Kuya!!! Huhuhu!! Na-miss kita! Buti naman umuwi ka na!" sabi ko habang naka yakap pa din, eh na miss ko tong ugok na to eh! "Hahaha! Na-miss din kita Lexi" sabay tap sa ulo ko na parang aso. Grrr! Masyado akong maganda para maging mukhang aso! Pero hayaan niyo na, na-miss ko rin to eh.
"Kamusta ka naman?" tanong ni kuya. Biglang nag fade ang ngiti ko at napalitan ng lungkot. Naalala ko kasi si Drake eh. "Oh, anyare sayo?" tanong ulit ni kuya. Ngumiti ako ng pilit sakanya at umiling.
"Ikaw kuya, kamusta yung business mo dun?" iniba ko na yung topic, bigla kasing tumahimik eh. "Ah yon? Okay lang naman. Uhmm.. may sasabihin nga pala ako sayo Lexi." bigla ako kinabahan sa tatanongin niya, feeling ko parang masama ata to. Tumango nalang ako bilang sagot. Huminga muna siya ng malalim bago mag tanong.
"Naka arranged marriage ka kay," Biglang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Arranged marriage? Ako? Kanino? Hindi nalang ako nagsalita, sign na ituloy niya ang sasabihin niya. "Kay... Clyde Emmanuel Valdez." pagpapatuloy ni kuya. Teka sino naman yun?
"Sino yun kuya?" takang tanong ko. Wala naman akong kilalang ganyan ang pangalan ah? "You'll know, soon." sabi niya sabay panhik sa taas. Hinayaan ko nalang siyang umakyat kasi alam kong pagod din yun sa byahe niya.
Hindi parin maalis sa isipan ko yung sinabi ni kuya. Arranged marriage? Sino naman ang gagawa nun sakin? At ikakasal pa ako sa hindi ko kilala at mas lalong hindi ko naman mahal? Hayss.. Pagod lang to. Umakyat na rin ako sa taas at nag pahinga. Pero bago ako mag pahinga kinuha ko muna ang phone ko at saglit na nag fb, wala akong magawa eh at tsaka hindi pa naman masyado ako inaantok.
Meron akong 167 friend request, 85 messages at 253 na notifications. Nasabi ko na ba sainyo na facebook famous ako? Hays. Ang tamad mo talaga otor! Pero lab parin kita, Hihihi!
Bigla ako tinamaan ng antok ng bubuksan ko na ang mga messages, kaya hindi ko na tinuloy. Inoff ko na ang phone ko at natulog. Hay.. Sana mag kaayos na kami ni Drake...
[A/N]
Magkaayos na sana kayo Lexi. Huhuhu! Iyak tayo readers!
Yan na ah! Hihihi! Alam ko pong panget, pero please wag niyo na po ipamukha sakin. Thank you. Sorry kasi short ^____^v
Vote and comment will surely appreciated. ^ω^
BINABASA MO ANG
Mr. Hearthrob Meets Ms. Famous
FanficSi Lexi Jade Guzman ay isa sa mga kilalang famous model sa Pilipinas. Isa siyang NBSB, well meron kasi siyang kasabihan 'Ang pakikipag relasyon ay isang sagabal sa buhay'. She never knew how to love before pero pag nagkakilala kaya sila Drake Agusti...
