Pagkapasok namin ni Drake dito sa Enchanted Kingdom, napakaraming tao! Alam niyo ba kung pano ko nalaman na Enchanted kingdom ang pinasukan namin? Nakita ko sa board, nakalagay kasi, WELCOME TO ENCHANTED KINGDOM! kaya yun, ito na nga.
"Saan mo gusto unahin?" tanong sakin ni Drake.
"Ha? Uhmm.. Yun!" tinuro ko ang higanteng ferris wheel. Tumango nalang siya at dumiretso na kami dun.
Nakasakay na kami sa ferris wheel, umaandar siya ng dahan dahan. Nasa harapan ko si Drake, pero nakatingin lang siya sa baba. Ayaw ko naman na ako ang unang kakausap sakanya, ang awkward kaya! Kaya, hinayaan ko nalang siya.
Mahigit 10 minutes na kaming hindi nagpapansinan, ano ba problema niya? "Drake.." tawag ko, pero hindi siya lumingon. "Drake, uy!" at lumingon na siya, ng walang emosyon ang mata. "May problema ba?" tanong ko. Umiling lang siya at tumingin ulit sa baba. Hay, ano nanaman ba nagawa ko?
Nauna ng bumaba si Drake at iniwan nanaman ako. Ano ba kasing problema?! Bwiset! "Drake, punta muna akong CR." tumango nalang siya ng nakatalikod sakin. Hay, what did I do?
Ng nakita ko na ang CR, pumasok na ako. Inayos ko lang ang sarili ko sa CR at lalabas na sana, pero may nakabangga akong lalaki. Familiar siya, sobra. Ng lumingon siya sakin, bigla siyang ngumiti ng nakakakilabot. "C-Clyde..." at pagkatapos non, bigla nalang siyang may nilagay sa mukha ko na nagpahilo sakin, at nawalan ng malay.
[Drake's PoV]
Nagtataka ba kayo kung bakit ako ganon umasta kay Lexi? Ewan ko rin eh, gusto ko lang kasi na lambingin niya ako, pero hindi niya ginawa, kaya nagtampo ako. Babaw no?
Teka, asan na ba yung babaeng yun? Kanina pa siya nasa CR ah? Pinuntahan ko nalang. Ng nasa tapat na ako ng CR ng girls, naghintay nalang ako.
15 minutes na pero wala pa siya. Ano ba nangyari sa loob? Puta naman oh! Nagaalala na ako! May lumabas na babae sa CR, "Miss, may nakita ka ba jang babaeng naka jeans tapos puti yung damit?" tanong ko. "Ha? Ay, wala naman akong kasama jan eh." sagot niya. "Ah ganon ba. Sige, salamat." tumango nalang siya then umalis na. Kung wala na siya sa CR, edi ibig sabihin, lumabas na siya. Pero nasan siya?!
Maya maya, biglang nag ring yung cellphone ko, unknown number yung tumatawag. Sinagot ko na.
"Hello?"
[Kung hindi mo hihiwalayan si Lexi, papatayin ko siya.]
"Teka, anong ibig mong sabihin?!"
[Hawak ko ngayon si Lexi.] at bigla niya akong binabaan.
Putang ina!
BINABASA MO ANG
Mr. Hearthrob Meets Ms. Famous
Fiksi PenggemarSi Lexi Jade Guzman ay isa sa mga kilalang famous model sa Pilipinas. Isa siyang NBSB, well meron kasi siyang kasabihan 'Ang pakikipag relasyon ay isang sagabal sa buhay'. She never knew how to love before pero pag nagkakilala kaya sila Drake Agusti...
