Chapter 14: Mine

79 1 1
                                    

[Drake's PoV]

Nandito ako ngayon sa labas ng gate ng school namin. Hinihintay ko kasi si Lexi eh. Ang tagal naman ng amazonang yon! Anong oras na oh? Start na ng class. Tatawagan ko na nga lang.

*riiing... riiing... riiing...*

Ano ba yan! Ring lang ng ring. Hindi niya naman sinasagot. Saang lupalok ba sumulpot yon?

"Sir Drake, kanina pa po start ng klase niyo. Kailangan niyo na po pumasok." sabi nung guard. Tss... Upakan ko to eh. Kanina pa kasi to, nakaka bullshit. "Sandali na lang manong." sabi ko naman habang palingalinga sa labas. Hay.. Papasok ba yon? Kanina ko pa tine-text hindi naman nag rereply. Nasan ka na ba?

[Lexi's PoV]

Kanina pa ako iyak ng iyak dito, at kanina pa ring ng ring ang phone ko. Hindi ko nalang yon pinansin at pinatay nalang.

Nakakainis naman kasi si kuya, bigla bigla nalang siyang nag aaccept ng wala man lang ako kaalam alam. Sino ba naman kasing hindi magagalit diba? Bigla bigla ka nalang ikakasal sa hindi mo naman kilalang tao? At ang mas matinde, hindi mo pa mahal. Lupet no? Hahahaha.. grabe, nakakatawa. -____-

Maya maya, tumayo na ako para umuwi. Wala naman akong mapupuntahan eh. Pero may problema ako, hindi ko alam tong lugar na to. Omygosh! San ba ako tumakbo kanina? Aish! Bahala na si Batman.

Naglakad lakad nalang ako kahit hindi ko naman alam kung nasan ako. May naramdaman akong pumatak sa balikat ko at sa ulo ko. Teka, uulan ba? Bigla nalang bumuhos ang napakalakas na ulan. Great, just... great. Sinamahan pa ng ulan ang emosyon ko.

May nakita akong shed na nasa tapat ng Montero na kotse, malapit sa isang iskinita. Pumunta ako don at umupo. Grabe, ang lamig! Ang itim ng ulap, feeling ko parang gabi na. Hay.. ang dami ko namang problema!

Niyakap ko nalang ang mga tuhod ko dala ng lamig. Hindi ko na kaya. Ang lamig lamig na tala-- "Here, take this." sabi nung lalaki na nakatayo sa gilid ko habang may inaabot na jacket. Hindi ko muna kinuha yon kasi malay mo, masamang tao pala to. Sinusubukan kong linawin ang mga paningin ko kasi lumalabo. Hindi ko masyado makita ang mukha niya, pero familiar siya, sobra.

And the next thing I know, everything went black.

[Someone's PoV]

Habang nag lalakad ako papuntang kotse ko sa harap ng shed, may nakita akong nakaupo at yakap yakap ang tuhod na babae. Teka, kilala ko to ah? Si... Lexi. Ano namang ginagawa niya dito? At bakit ganyan itsura niyan? Nilapitan ko siya at hinubad ang jacket ko para hindi na siya lamigin.

"Here, take this." sabi ko. Pero tinignan niya lang iyon at mukhang nagulat. Hindi niya parin kinukuha ang jacket ko at parang pilit niyang binubuka ang mga mata niya. Siguro blured na ang paningin nito. Tapos, bigla siyang natumba, pero bago siya matumba, lumuhod agad ako at inalalayan siyang ipasok sa shotgun seat ng kotse ko. Nilagay ko na siya don at dumiretso na rin ako sa driver's seat. Binuksan ko na ang makina, pero bago ko paandarin, tinignan ko muna si Lexi sa tabi ko na mukhang natutulog. Ang amo ng mukha niya. I found my self smiling. Bumuntog hininga muna ako bago ko paandarin ang kotse. Tutal hindi ko naman alam ang bahay ni Lexi, iuuwi ko muna siya sa bahay namin.

You'll be mine Lexi, soon...

A/N

SIGURO NAMAN ALAM NIYO NA KUNG SINO SI 'SOMEONE' DIBA? WEWS? COMMENT MO NGA KUNG SINO?

SHORT UPDATE ★♥★

Mr. Hearthrob Meets Ms. FamousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon