KABANATA 1- Unang Pagtatagpo sa Maling Umpisa

10K 94 2
                                    

KABANATA 1:

Unang Pagtatagpo sa Maling Umpisa

***

Maia Aira PoV

This is my first day in my new school pero nakakakaba at nakaka-excite din. Kumbaga ay ito ang new episode ng buhay ko. Bago na ang lahat at wala na ang ibang karakter na dati ay nagpapatakbo sa storya tulad ni Arren Rivera. The first man na nagustuhan ko at naging matalik ko ring kaibigan.

"Naaalala niya kaya ako sa oras na ito tulad nang pag-alala ko sa mga memories namin?" I asked myself while applying powder foundation in my face. Putlain kasi ako at kailangan pa nang effort para maging looking fresh ako.

Naglagay naman ako nang eyebrow gel na dark brown ang kulay sa kilay ko para mabuhay ito dahil maninipis ang hibla nito. Dinaig ko pa siguro si Mona Lisa kapag wala ito. Next is my lips, tulad ng mukha ko ay ganon din ang mga labi ko. Lip gloss lang ang nilagay ko kasi school ang pupuntahan ko at hindi party.

When I look at the mirror, I felt satisfied. Maganda na at presentableng tingnan.

"Useless din iyan kung sobrang taba mo, Aira" sumingit si Mama sa eksena habang nakatingin ako sa kabuoan ko.

Hindi naman ako gaanong katabaan para sakin pero sabi ni Mama ay sobra ko ng taba. Lagi nga niya akong pinapaalalahanan pero lagi ko naman nakakaligtaan.

Ngumiti na lang ako ng pilit dahil ano namang isasagot ko kay Mama, 'di ba?

Pinatuyo ko na lang ang itim kong buhok at tinirintas ko ito para maging malinis tingnan ang mukha ko.

Tumayo na ako at muling pinagmasdan ang sarili ko mula ulo hanggang paa "This is it Aira! Pinili mo ito. Pwes panindigan mo at patunayang kaya mo!" binigyan ko ng isang ngiti ang sarili ko.

Nakalabas na ako ng subdivision namin. Hindi na kasi ako nagpahatid sa driver namin dahil paninindigan ko na gusto kong mamuhay ng simple. Iyong walang karangyaan sa buhay. Ayoko din kasing maging mataas sa iba dahil isa akong Soleman. Gusto ko kapag nangyari iyon ay may napatunayan na ako. May ipagmamalaki.

It's already 5:30 a.m in the morning. Nag-aantay ako ng pang pasaherong jeep na magdadala sakin sa bago kong eskwelahan. Tinuruan na ako ni Mama at iba pang mga kasama sa bahay, kaya hindi na ako mahihirapang mag-adjust.

Noong sa wakas ay nakakita at nakasakay na ako sa jeep ay may pangilan-ngilan ding mga estudyante ng Sta. Teresita Academy kahit na public school ay mapagkakamalan mong private dahil sa style at design ng kanilang uniform.

"Para po sa tabeee~!" sabay-sabay kaming pumara. Sila mo na ang una kong pinababa, bago ako.

And when I look at the main gate. WOW. Naka-ukit kasi ang pangalan ng Sta.Teresita Academy sa itim nitong malaking gate tapos bukod pa ang arko nito.

Pagkapasok ko ay nilibot ko ang kabuoan nito sa aking paningin. Sobrang linis tapos may mga ilang estudyanteng naglilinis sa kanilang area. Mayroon din akong nakikitang mga staff ng school na nagsusuway ng mga pasaway na estudyante kahit first day pa lamang. Napatawa na lang ako at mas lalong na-excite sa mga susunod na buwan dito sa STA.

Nawili ako sa pamamasyal sa bago kong school at hindi ko na namalayan ang oras. Sa sobrang ganda at lawak kasi dito ay talagang makakalimutan mo kahit pangalan mo.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon