Chapter 32- His Special Place

2.2K 30 4
                                    

Chapter 32: His Special Place

***

Sirius PoV

"What are you talking about?" tanong ko rito dahil naguguluhan ako sa mga sinasabi niya ngayon sakin.

"I want a new start for us as a friends" paglilinaw niya. Friends...can we be?

Kinabahan ako doon ah. Handa na talaga siguro siyang maka-move on sa dati at nakaraan naming relasyon.

"Oh, 'yan lang ba 'yong pinunta mo dito? Alam mo naman ang isasagot ko diyan 'di ba?" sagot ko sa hinihiling niya.

"Oo nga alam ko pero gusto kong marinig ng personal sayo at humihingi ako ng tawad kung nagalit man ako sayo" paliwanag niya at hingi ng despensa pero kahit anong gawin niyang kasalanan o kahit magalit man siya sakin ng paulit-ulit ay paulit-ulit ko din siyang patatawarin at mamahalin.

"Okay lang naman sa aking ang maging kaibigan ka basta huwag na nating ungkatin ang nakaraan, okay ba yon?" tanong ko rito kahit masakit tanggapin ang nais niya.

"Kasi ikakasal na ako... at ikaw" sabi niya pero bakit parang may ibang ibig sabihin sa akin ang sinabi niya.

'Isang salita mo lamang Maia. Gagawin ko ang lahat para protektahan at makuha ka'

"Oo tama, ikakasal na tayong pareho, kaya move-on na tayo sa nakaraan, okay?"

"So friends?" sabay alok ng kanyang kamay.

Nagshake hands kami muli na naman akong nakaramdam ng elektrisidad noong magdapo ang mga palad namin. Tapos nag kwentuhan at nagtawanan kami. Para kaming matagal ng magkaibigan na nagka-catch up sa mga oras na nawala sa aming dalawa.

"Ahmm Maia, I have to go may pupuntahan pa ako eh!" paalam ko sa kanya kahit nag-eenjoy ako sa presence niya ay kailangan ko pa ring umalis.

"Si Zoe?"

"No, its not her. It's my new friend" sabi ko.

Aira's PoV

Mag-isa lang ako sa office ni Sirius, kaya umalis na ako kaagad. Wala na naman ang taong pakay ko sa loob. Kaya anong silbi ng pananatili ko sa loob. Nandoon nga kasi siya sa new friend na sinasabi niya.

Sumakay ako sa sasakyan na binigay sa akin ni Zayn at umuwi na sa bahay namin. Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong pumunta sa banyo at naglinis ng katawan. Feeling ko ay ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. I need to freshen up.

Hays! Makakapagpahinga na rin.

*Ring!*

"So ano? May nakuha ka ba?" tanong ng nasa kabilang linya.

"Oo babe, but it's only a little property on Tagaytay City. There was nothing I can get, so I decided to get it. I think, magagamit din natin ito" sagot ko sa kausap ko.

"It's okay babe, just better luck next time. Maingat lang talaga siguro siya pero magkakamali din siya at doon natin siya matitira. Mapapabagsak din natin ang lalaking nanakit sayo"

"You're righy babe, nobody is perfect so good luck to him! Uhm babe, I want to take a rest. I will put this down, okay?" paalam ko sa kausap ko.

"Okay babe! Sweet dreams."

Ibinaba ko na yung telepono ko at humiga na sa kama. Ipinikit ko na 'yong mga mata ko dahil napaka-stressful day ito para sakin.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon