KABANATA 7- Begging for Her

28 1 0
                                    

KABANATA 7: 

Begging for Her

***

Maia Aira PoV

Day 5: His Song

Dumating na ang kinatatakutan ko. Ang huling araw na kasama ko siya. Halos mapudpod na nga ang screen ng phone ko kakakuha ng stolen picture niya. Gusto ko kasing baunin ang mga ala-ala niya kahit nasa malayo na ako pero may epal kasi.

Pinanlisikan ko ng tingin si Sirius habang nasa ka-group member kami. Lantaran na kasing nilalandi nitong si Janelle ang boyfriend ko at ito namang manhid kong boyfriend ay deadma lang.

Binigyan ko siya ng makahulugang tingin para lumayo siya sa babaeng malanding iyon. Nakakasura kasi!

Tinawanan lang ako ni Sirius pero kita ko naman kung paano siya dumistansya kay Janelle at isa iyan sa gusto ko kay Sirius. Ayaw niya akong magalit. HAHAHAHA!

"Landian everywhere ang peg niyo ha!" kinurot ko siya ng pinong-pino sa tagiliran "Kung hindi pa ako sumingit sa usapan niyo ay hindi mo pa maaalalang uwian na!"

"Aray--Love!" pinigilan nito ang kamay ko habang may mapanuksong ngisi pa rin ang mukha "Eh siya naman kasi ang lumalapit tsaka pinag-uusapan lang namin iyong gagawin naming project" at nagpalusot pa siya!

"Wala na si Mrs.Delos Reyes at doon lang niya naisipang sabihin sayo. Ang sabihin mo ay nag enjoy ka lang sa presence niya!" singhal ko at hinabol naman siya ng hampas.

Naghabulan kami hanggang labas ng gate. Siya kasi! Tinatawanan pa ako ay siya itong may kasalanan sakin.

"Lumapit ka dito, Mariano!!!" sigaw ko.

Tumatawa pa ito habang malayo ang agwat namin "Ang bagal-bagal mo naman" asar pa nito.

Kinuha ko ang isang pares ng sapatos ko at ibabato ko sana sa kanya noong marinig ko ang boses ng babaeng nagpapakulo ng dugo ko.

"Siri!" tawag nitong Janelle na ito.

Sakit sa tenga ha tsaka Siri? Nakakabasag ng eardrums ha. Dinaig pa ni Sirius ang virtual assistant ng iPhone.

Lumapit ito rito at ipinulupot ang kamay sa braso nito "Uuwi ka na ba? Sabay na tayo?"

Cheap niya ha. Tsaka girlfriend here!

Tumingin sa gawi ko si Sirius. Isinuot kong muli ang aking sapatos. Binigyan ko siya ng isang senyas.

Iginuhit ko ang hinlalaki ng kamay ko sa leeg ko 'Pumayag ka?! Patay ka sakin' look.

Nakita ko naman kung paano nagtaas baba ang adams apple niya. Kung hindi lang nasa ganitong sitwasyon ay napahagalpak na ako ng tawa dahil sa epic reaction niya.

"Sige na please..." nagpapalit-palit pa ito ng tingin sa amin.

Iyong mga tingin niya ay humihingi ng tulong sa akin. BWAHAHAHA!

Naglakad na ako papalapit sa kanila at inalis ng marahas ang mga kamay niya sa braso ng BOYFRIEND KO. Nabasa niyo? Boyfriend ko.

"May konti ka pa bang hiya sa katawan mo Janelle? Alam mong may girlfriend na tao itong lalaking ito at ang lakas ng topak mong yayaing umuwi siya kasama mo" tumawa ako sarkisto "Kapal mo ha"

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon