Chapter 12- Resto

2.6K 39 3
                                    

Chapter 12: Resto

***

Sirius PoV

"Oh thats destiny but I need to go" agad kong paalam rito.

Patay na siya? Bakit? Bakit iniwan niya ako ng sobrang aga? Napakadami ko pang gustong sabihin at gustong gawin kasama siya. Bakit ang bilis niyang sumuko?

I drive too fast papunta sa pinakamalapit na bar para lunurin ang sakit kasama ng lungkot na nararamdaman ko sa kadahilanang nawalan ako ng minamahal ng ganitong kabilis. Na naglaho lahat ng pangarap ko ng ganitong kabilis.

Hindi ko maiwasang alalahanin ang huling beses kong nakita ang maamo niyang mukha. She was crying at blanko ang mga mata. Sinisisi ko ang sarili ko dahil pinaiyak ko siya. Nasaktan ko siya dahil sa pagkakamali ko kasama si Janelle. Kung hindi nangyari iyon ay buhay pa sana siya at maaaring kasama ko pa ngayon.

Nilamon na ako ng alak at nawalan na rin ako ng kontrol sa sarili ko. Basta gusto ko lang magpakalasing at kalimutan ang lahat ng nararamdamang sakit na ito kahit sa ilang sandali ng buhay ko.

"Isang glass pa" utos ko. Binigyan agad nila ako ng pinakamalakas na hard drink nila.

Kung meron lamang na alak na kayang burahin ang lahat ng sakit na nilikha ng mga sinabi ni Zayn ay bibilhin ko at lalaklakin para mawala ang nararamdaman kong ito.

Three fucking years of waiting for her pero wala na pala akong iniintay pa. Wala na pala akong minamahal na makikita, mayayakap at makaka-usap.

Paano na ako? She is my life and everything? Hindi ko kakayanin na wala siya ng habang buhay. Kung nagawa kong mabuhay ng tatlong tao sa ideya na buhay pa rin siya ay ano pang magiging rason ko para manatiling humihinga dito sa mundo?

Isinubsob ko ang sarili ko sa lamesa at umiyak. Kung may nakakakita man sakin ngayon ay tatawanan at vivideo'han ako dahil sa kabaklaan ito. Pero kung kabaklaan man ang tawag dito ay sobrang sakit. Para akong pinapatay ng paulit-ulit hanggang gustohin ko na lang mamatay.

Sino ba naman kasing mag-aakalang ang CEO ng pinakatanyag na M.V Empire ay umiiyak sa ganitong klaseng bar dahil nawalan ng dahilan para mabuhay. Oo nga nasa kanya na ang lahat ng yaman at materyal na bagay pero ang kaisa-isang kaligayahan niya ay iniwan na siya at hindi na babalik pa.

All of this is because of him. Right! Kung hindi niya nilayo sakin si Maia ay hindi mangyayari ang gabing iyon. Hindi masasaktan at mawawala si Maia sa car accident na iyon. Kasalanan niya ang lahat!

Nagbabaga ang tingin ko habang nakahawak sa kopita ng sobrang higpit "Isinusumpa kita. Mararanasan mo lahat ng pait at pighating nararamdaman ko, Zayn! Triple ng sakit at luha ang dadanasin mo"

Mas lalo niyo lang pinatay ang isang Sirius Black Mariano, Zayn. Kung tinanggalan niyo ako ng dereksyon para mabuhay pwes ngayon may dereksyon na ang bawat oras na gugugulin ko dito sa mundong ibabaw. Gagapang lahat kayo sa lupa. Lahat ng taong sangkot sa pagkawala niya. Pagbabayarin niyo lahat-lahat! Wala akong ni-isang kakaligtaan.

"Hello there Mister..." dahil sa galit ay hindi ko naramdaman ang presensya ng isang babae at noong lingunin ko ito ay nakita ko ang pagmumukha ng taong sobra ko kinamumuhian sa buong buhay ko.

Agad ko itong sinugod at sinakal sa leeg. Kasalana niya lahat! Hinding-hindi ko siya mapapatawad!

"DAMN YOU!!" maraming umaawat sakin kaya nabitawan ko ang leeg ng hayop na iyon.

"Tama na po, Sir. Mapapatay niyo po ang babae" kausap sa akin noong bouncer habang inaawat ako.

Babae?

Pagsulyap kong muli sa kinaroroonan ng hayop na iyon pero walang Zayn kung hindi babaeng hawak-hawak ang leeg at habol ang hininga.

Fuck this damn life!

Buong lakas kong tinanggal ang mga kamay nila sa akin at umalis na ng bar na iyon baka kung ano pang magawa ko at mapatay ko ang lahat dahil sa galit ko kay Zayn.

Nag-drive ako papunta sa kung saan. Mas pinabilis ko ang pagpapatakbo. Walang akong pake-alam kung madisgrasya man ako pero mas maganda para magkasama na muli kami ni Maia. Ang pinakamamahal kong babae at buhay ko.

Inihinto ko mo na ang sasakyan kasi parang maduduwal ako at nasilaw na lang ako sa malakas na ilaw na tumama harapan ko.

Whesly's PoV

Tapos na ang party at sinong matinong tao na naisipang mag gala sa dis-oras na gabi. Ako. HAHAHAHA!

Ewan ko ba pero parang may nagsasabi sakin na umalis ako sa bahay at maghikap-hikap. Hindi rin kasi ako makatulog o ano doon. Si Zayn naman ay ewan ko. Hindi ko alam kung saang lupalop ng bansa nagsusuot.

Habang naghihikap ay napadaan ako sa isang eskwelahan. Sarado pa ito dahil gabi na pero kahit nasa labas ay bakas ang ganda ng loob nito. May makaukit sa harap nito na Sta.Terersita Academy. Hindi ko alam pero napapangiti ako kapag binabasa ko ang pangalan ng eskwelahan na ito.

Nakaramdam naman ako ng gutom, kaya noong nakakita ako ng isang resto malapit sa eskwelahan ay pumunta mo na ako roon para syempre kumain. Alangan namang magpalamig lang, 'di ba?!

"Table for one please. Iyong malapit sana sa garden niyo"

"This way please"

Sumunod naman ako pero dinala niya ako kung saan kitang-kita ko ang labas ng restaurant. Ang ganda ng tanawin dito dahil napaka-peaceful tingnan ng mga bulaklak.

Tiningnan ko ang menu nila at pumili ng ilang mga pagkain. Karamihan ay mga specialties nila dito. Mukha kasing masasarap at noong makita ko pa lang ang larawan nito ay naglaway na ako.

Inaantay ko na lang ang mga inorder ko at tiningnan ko na lang mo na ang kabuoan ng resto. Napaka-romantic ng paligid, perfect for couples and lovers. Sana pumunta kami dito ni...

"Ahh~" mahina kong unggol kasi ayaw kong maka-agaw ng atensyon ng iba. May mga nag flash sa utak ko na nagpagulo lalo ng isipan ko.

"Call me Love instead of my name. Masarap pakinggan ang pangalan ko kapag ikaw ang bumabanggit pero mas gusto kong tawagin mo ako sa endearment natin"

Love? Sino ba talaga siya? Is this a part of my forgotten memories? Who is him? Bakit laging napakalabo ng mukha niya?

Hawak-hawak ko ang ulo ko noong dumating ang order ko. Ibinaba na nila ang order ko habang nakatingin ako sa malayo at pilit na inaalala ang lahat dahil kahit masaya na ako kasama si Zayn ay hindi pa rin ako kontento hangga't hindi ko naaalala lahat. Feeling ko ay may kulang sakin. Napakalaki.

Masarap ang hinanda nila pero hindi ko maalis sa isip ko ang ala-alang iyon. Na tila may pinapaalala sakin ang puso ko na hindi maalala ng isip ko.

Who I am? Ikaw ba iyon Zayn pero bakit hindi mo kwenento ang part na iyon nang buhay ko?

Kinuha ko ang black card ko at binayaran na ito. Mahal pero worth it ang binayaran. Babalik at babalik ako rito sa Penelope's Restaurant.

"Miss!" napalingon ako.

"Yes?!"

"Balik po ulit kayo ha! Isama ninyo po iyong lalaking kasama niyo dito dati!" ha? Nagulat ako sa narinig ko.

First time kong palang dumating sa restaurant na ito tapos may nakasama na akong lalaki dito dati! Ah sino ba talaga ako?! Ano ba ang dapat kong paniwalaan? Gulong-gulo na ako.

Sumakay na ako sa kotse namin. Habang papauwi kami ay biglang huminto ang kotse namin sa hindi ko alam na dahilan.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon