Chapter 38- What If's

2K 25 2
                                    

Chapter 38: What If's

***

Aira's PoV

"Kung hindi kaya tayo pinag-hiwalay, tayo pa rin kaya?" tanong ko kay Sirius.

"Siguro. Ewan, hindi ko rin alam." nakakalito niyang sagot pero ramdam kong iniisip niya din ang tanong na iyon sa isipan niya.

"Siguro tadhana na rin natin ito. Ang hindi magkasama hanggang sa huli." patuloy pa rin akong bumalik sa nakaraan. Isang nakaraan na hinihiling kong mag exist muli sa buhay namin.

"Pero siguro meron din time para magkasama tayo. Siguro kailangan lang nating pagdaanan ang mga ito para kapag naging isa na tayo ay magiging matatag na tayo. Isang pagsubok na magpapatibay ng ating relasyon" sana nga Sirius. I hope so.

"Pero kapag ang pagmamahal ng dalawang tao ay mas matibay pa sa bakal ay walang makakatinag dito. Kung mahal mo nga ang isang tao ay ipaglalaban mo hanggang huli" dugtong ko pa.

"Paano kung ang dalawang taong nagmamahalan dati ay iisa na lang?Isa tao na lang ang nagmamahal at tinatanaw na lang ang minamahal sa malayo. Masaya at puno ng tawa ang kanyang mukha. At mas pinili niya pa na maging masaya na lang sa pagtanaw tanaw dahil ngiti nya palang ay okay na sa kanya" he look so serious on saying that. And I'm so sorry about what I he felt right now. It's not my intention at the first time we meet nut now. I feel guilt.

Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya dahil alam ko na ang taong tinatanaw niya sa malayo ay ako. Hindi ko na kasi alam kung mahal ko pa siya dahil sa haba ng panahong lumipas ay marami ng nagbago.

"Maia mahal mo pa ba ako?" seryoso niyang tanong habang nakatingin sa malayo. Ito na naman ang tanong niya tulad ng nasa yate kami.

"Ewa-" hindi ko pa natatapos 'yong sagot ko ay umalis na siya agad.

"Nevermind. Forget it" naglalakad na ito papalayo.

Naiwan akong mag-isa at iniisip pa rin ang mga nabasa ko kanina. Mga ibang pinagdaanan ni Sirius nang nawala ako sa tabi niya.

Hindi ko lubusang maisip na kaya niyang wakasan ang buhay niya para sa akin. Na nag-take siya ng drugs para lang makalimutan ako, na kaya niyang maglasing araw-araw para lang maibsan ang sakit. Na kaya niyang magkulong ng dalawang linggo sa kwarto dahil gusto niyang mapag-isa.

Mas lalo akong nakakonsensya. Na sira ko ang buhay niya noon. Na hindi ko man lang pinakinggan 'yong explanation niya noon at pinakinggan ko 'yong mga taong nagsinungaling sa akin.

Namuo ang mga luha sa aking mga mata. Na para bang may sarili itong mga isip at ayaw paawat sa pagpatak sa pisngi ko.

Sirius PoV

Simula noong umalis ako sa tabi ni Maia kanina ay nagsimula ng pumatak ang mga luha sa aking mga mata.

"Ahh! He-help!" mga salitang nang galing sa labas.

Tumakbo ako kaagad papunta sa lugar kung saan ko iniwan si Maia. Nakita ko ang babaeng pinakamamahal ko na namimilipit sa sakit dahil sa kanyang karamdaman. Tumakbo ako papalapit sa kanya.

"Maia nasaan ang mga gamot mo?!" tanong ko.

"Na-nasa may...ahh!" mas lalo pa siyang namilipit sa sakit.

Tumakbo ako papunta sa mga gamit niya na nasa cottage ko rin. Hinanap ko yung gamot niya sa may bag, inihuho ko na lahat ng gamit niya para lang makita ko. At sa wakas ay nakita ko rin kaya agad-agad akong tumakbo sa kusina para kumuha ng tubig.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon