Chapter 45- Her Final Words

2.1K 22 1
                                    

Chapter 45: Her Final Words

***

Aira's PoV

Pagkarating ko agad sa office niya ay hinanap ko kaagad 'yong diary niya.

"Asaan na ba 'yon?" tanong ko sa sarili ko.

And after a few minutes ay nakita ko na iyon. Nasa isang drawer ng table niya. Mahirap iyon makita dahil natatakluban ng ilang mga envelopes and files.

Kinuha ko ito pero may bumagsak na isang larawan. Tiningnan ko ito at nakita 'yong larawan naming dalawa na mag kasama. Noong hindi ko pa natatandaan ang lahat.

Inilagay ko ulit iyon sa loob ng diary at nagpunta na ulit sa ospital.

Maganda ang aura ko ngayon dahil sa diary na hawak ko. Pumasok na ako sa loob ng kwarto at nakita ko siyang nakahiga.

Inilagay ko yung diary sa tabi niya. Hinaplos ko yung buhok niya at hinalkan siya sa noo.

*Ring*

"Hello Pa?" sabi ko sa phone ko habang nasa kabilang linya si Papa.

"Aira you need to go home" sabi ni Papa.

"Why Pa?" may nangyari bang masama sa kanila?!

"It's about your Mama, Aira!" sabi ni Papa.

"Okay, I will go home but give me some time para ayusin ang lahat ng aayusin ko tapos babalik na ako diyan" sabi ko kay Papa.

"Basta bumalik ka na dahil sa kalagayan ng Mama mo! I love you, my daughter!" sabi ni Papa.

"I love you Pa!" tapos ini-end call ko na ang tawag.

Kahit parte si Papa ng dahilan ng paghihiwalay namin ay matagal ko na siyang pinatawad. Kahit ano pang gawin ko ay ama ko pa rin siya at alam kong may iba pang dahilan si Papa kung bakit niya nagawa yun.

Huminga ako ng malalim.

"Aalis ka?" nabigla ako noong umimik si Sirius.

"Oo aalis ako. Babalik ako sa America" sabi ko kay Sirius dahil hindi ko na dapat siya paglihiman pa. Mahal na mahal ko ang lalaking ito.

"Babalik ka naman 'di ba?" seryoso ang mukha niya noong tinanong niya ako.

"Ewan ko. Hindi ko kasi kayang iwan si Mama kapag dating ko doon." at kahit mahirap sa aking iwan ka ay kinakailangan ko itong gawin.

"Kailan ka aalis?" tanong niya.

"Sa lalong madaling panahon" tipid kong sagot.

Umupo ako sa tabi at kinuha ang laptop ko. Nag book na ako ng flight online. Wala na rin akong balak sabihin kay Sirius kung kailan ako aalis. Wala naman ding mag babago kung sasabihin ko pa.

Hindi na naman niya ako matandaan. So, no use kung ipagpipilitan ko ang sarili ko.

Nakapag book na ako and next day ng umaga ang alis ko.

Gabi na ako natapos kaya nakatulog na ako sa sofa ng kwarto niya.

"Just say the keyword!" sabi ng pamilyar na boses sa aking panaginip.

"Anong keyword Sirius?" tanong ko kay Sirius.

"The key to re-open me" sabi niya.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon