Chapter 16- Leaving the Cheater

2.5K 29 1
                                    

Chapter 16: Leaving the Cheater

***

Whesly's PoV

Pumasok ako nang bahay. Umuwi na ako kasi parang hindi ko kaya na wala si Zayn sa tabi ko tsaka wala naman akong pupuntahan pa at siya kasi ang tagapag-tanggol ko sa lahat.

Umakyat ako at pumunta sa kwarto ko para maligo mo na at mag bihis pero meron palang unang naligo sa akin.

Isang babae na nakahubad at isang lalaki na hubad din. Iyong babae naka patong pa 'yong ulo niya sa braso ng lalaki.

Bakit mo ito na gawa sa akin Zayn? Isang gabi lang akong nawala ay nakipaglandian ka na sa iba at sa isa pang pokpok!

Naramdaman ko na lang na umiiyak ako at parang pinako ata ang mga paa ko sa sahig sa aking naabutan.

Nasa may pinto palang ako ay nakita ko na ang mga mata ni Zayn.

"Why?" tipid kong tanong sa kanya.

Umalis siya sa kama at nagmadaling nag bihis. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

Naihakbang ko naman agad ang aking mga paa pero huli na. Naikulong na niya ako sa kanyang mga braso.

"Don't you ever touch me with your dirty arms!!!" sabi ko sa kanya habang tuloy pa rin ang pagluha ng aking mga mata.

"Let me explain babe!" pagmamakaawa niya.

"Malinaw na sa akin lahat Zayn at huwag na huwag mo akong tawaging babe kasi simula noong ginawa niyo iyan ay pinutol mo na ang relasyon natin so, get off me!" sabay tanggal ko ng mga kamay niya.

"Whesly, sorry talaga. Aksidente lang ang nangyari-"hindi na niya na tuloy pa.

"Wala akong paki-alam kung lasing kaman o ano mang ginawa mo sa sarili mo. Kung mahal mo talaga ako ay kaya mong kontrolin ang katawan mo. Bakit masarap ba ha?! Ginawa mo ba ito dahil hindi ko kayang ibigay sayo ang gusto mo! Tsaka anong hindi sinasadya?!" hindi ko na pigilang sabihin iyon. Stress na stress na ako.

"Whes-"hindi na niya pa nasabi ang pangalan ko.

Slap!

"I'm leaving this house and I don't mind kung may mangyari ulit sakin! Ang mahalaga ay makalayo ako sayo at sa bahay mo!" pumunta ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko siyang nakaluhod sa labas ng pinto at hinaharangan akong umalis.

Slap! Slap!

"KULANG PA BA IYONG KANINA? ANO?!" sasampalin ko na sana ulit siya nang bigla siyang nagsalita.

"Saktan mo lang ako hanggang gusto mo pero huwag mo akong iwan please, kahit ilang sampal pa ang abutin ko para lang mapatawad mo ako!" pag mamakaawa niya.

"Hindi sapat ang sampal ko sa sakit na binigay mo sa akin kahit basagin ko pa ang mukha mo kakasampal ko ay hindi noon mababago na sinira mo ang tiwala ko!" hinawi ko ang daanan para makadaan ako pero hinawakan ako ni Zayn sa paa.

"ANO BA ZAYN?!!!" sigaw ko.

"Please!" mangiyak-ngiyak niyang paki-usap.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon