Chapter 30- Janelle Montefalco

2.4K 29 5
                                    

Chapter 30: Janelle Montefalco

***

Sirius PoV

Nakakatawa talaga si Maia kapag naiinis siya. Lumalaki ang butas ng ilong at namumula sa galit. Ang cute niya!

Bumalik na ako sa kwarto ko at nagsimulang magshower. Mamaya-maya kasi ay babalik na kami sa dati. Baba na kami sa cruise ship.

Pumunta na ako sa stage kung saan magaganap ang pasasalamat.

"Hi everyone!" bati ko habang hawak ko ang kamay ni Zoe. Part of the show.

Umupo kaming dalwa.

"We are here to say thank you for coming!" sabi ni Zoe.

"So, Ms.Clemente and Mr.Mariano, pwede po ba kaming makahingi ng kiss bago tayo umalis sa cruise ship?"

"Ahmm-" hindi ako makaimik pero laking gulat ko sa isang halik sa labi galing kay Zoe.

Nagsigawan ang lahat dahil sa gulat. Tumingin ako kay Maia at nakahawak na naman siya sa kanyang dibdib. But this time, triple pain ang nakikita ko sa mga mata niya.

Tumayo silang dalawa pero biglang nahimatay si Maia.

"HELP US! CALL AN AMBULANCE!" sigaw ni Zayn.

Lalapit ako kay Maia pero hindi ako pinayagan ni Zoe kaya hindi ako nakalapit sa kanya.

Ibinaba na si Maia sa cruise ship at isinakay sa nag iintay na ambulance.

Sinundan ko agad sila at buti na lang at hindi ako napigilan ni Zoe. Hindi ko na kasi kaya na nakikita siyang ganon.

Nakarating na sa ospital si Maia. Tinitingnan na siya ng mga doktor. Tinatanaw ko na lang si Maia sa malayo habang ang doktor naman ay kinakausap si Zayn.

Pinuntahan na ni Zayn si Maia habang ako naman ay kinausap 'yong doktor.

"Doc, ano pong nangyari kay Maia. Bakit po siya nahimatay?"tanong ko.

"Kaano-ano kayo ng pasyente,Sir?"

"I'm her f-friend"

"Nasobrahan na siya sa stress kaya nahimatay siya ngayon" sabi noong doctor.

"Ano po bang sakit ni Maia?" tanong ko.

"She have a heart disease and she need to rest at iwasan ang stress at bawal ang maging emotional" sabi noong doktor na kinagulat ko naman.

"Salamat po" pasasalamat ko

Anong heart disease? Paano yun nangyari? Wala naman nababanggit sa akin si Maia ng sakit niya noon!

Sinulyapan ko ulit siya para i-check. I'm sorry if I always hurt you, Maia. I have no choice but to did this.

---

Umalis na ako sa ospital at nag drive pauwi ng LOVES. Nagdrive ako hanggang makarating na ako sa LOVES at pumunta sa likuran kung saan nandun 'yong puno namin ni Maia noon.

Umupo ako doon at sumandal. Doon lang kasi ako nakakapag-isip ng ayos dahil pakiramdam ko ay nakasandal ako kay Maia.

Paano ka nag karoon ng ganun Maia? Dati naman ayos ka lang, bakit ngayon meron ka ng heart disease?

Hindi ko namalayang may luha na pala sa aking mga mata. Pinunasan ko ito pero may bumabagsak pa rin talagang luha.

"Bakit ba ang hirap ng sitwasyon natin Maia?"

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon