Chapter 46: First Kiss

4.6K 65 30
                                    

Chapter 46: First Kiss

***

Sirius PoV

"Sirius?"

Iniharap ko siya sa akin.

"Oo, ako nga! Ako lang naman ang pwedeng yumakap ng ganito sayo, 'di ba? Ako lang naman din ang may pinaka-gwapong mukha" sabi ko tapos bigla niya akong niyakap.

"Gago ka ba? Bakit ngayon ka pa naka-alala!" mangiyak-ngiyak niyang turan sakin.

"Hindi naman ako gago! Gwapo lang at anong naka-alala? Makakalimutan ba naman kita!" tumawa ako ng konti para naman pagaanin ang atmosphere sa paligid namin.

"What do you mean? Walang kang amnesia?! Niloloko mo lang ako?!!!" tanong niya.

"Ahmm-Yeah!" kinakabahan kong aminin pa sa kanya dahil sigurado akong magagalit si Maia. Naku sana naman ay patawarin niya ako.

"So, all this time ay niloloko mo lang ako at pinaglalaruan. Hindi na kita mahal. Pinaiyak mo ako ng sobra dahil sa ginawa mo. Alam mo bang balde-baldeng luha ang iniiyak ko noong na coma ka!" sigaw niya sa akin.

Kumalas siya sa yakap ko at tumalikod.

"Huwag mo na akong susundan pa! Galit ako sayo!" hinila niya 'yong maleta niya.

Hinawakan ko siya sa braso at hinila papalapit sa akin.

Magkalapit na 'yong mga mukha namin. Mga gahibla na lang ang layo. Napatingin ako sa kanyang mga mata tapos sa may labi.

Pumikit siya na akin namang ikinatuwa.

"Tsk! Galit ka pa niyan? pero Love please dont go! Mahal na mahal kita at yung ginawa kong yun ay para lang mapatunayan ko na mahal mo nga ako. Iniintay ko lang naman yung salita mo, na sabihin mong mahal na mahal mo rin ako!" bulong ko sa kanya.

Hinila niya papalapit 'yong mukha ko and then my first kiss is given to the man I love until last.

"I love you too..." bulong nito and then pinagpatuloy na namin 'yong halik na pinagsasaluhan namin.

Mga ilang segundo ay bumitaw na siya sa paghalik.

"Bakit Maia? Nabitin ako!" biro ko. Nag pout pa ako sa harapan niya.

"I need to go" ikinasimangot ko ang salitang binitawan niya. Aalis pa rin siya.

"I REPEAT FLIGHT MANILA TO AMERICA. THE PLANE IS READY TO TAKE OFF!" sabi 'nong nag sasalita sa airport.

"Kailan ka babalik?" tanong ko sa kanya.

"Kapag naayos ko na ang lahat sa America" sabi niya tapos tumalikod sa akin and nag-goodbye wave pa.

Humarap ulit siya sa akin and then may ibinulong sa akin sa hangin habang nakatingin sa mga mata ko..

"I love you" sabi niya sa akin kahit na malayo ang agwat namin.

"I love you too" sagot ko rito.

Nakapasok na siya sa plane. Inintay ko 'yong pag lipad 'nong eroplano and umalis na ako, kasama ang unang halik ko kay Maia. Ang halik galing sa babaeng napaka-espesyal sa puso't buhay ko.

---

Umuwi ako sa aking bahay sa Loves at pumunta sa likod ng bahay. Kung nasaan ang puno namin ni Maia.

"Paano ba yan? tayo na lang ulit ang magkasama. Wala na ulit si Maia pero sabi naman niya ay babalik siya. Kaya puno, tiis-tiis lang mo na sa ka-dramahan ko" sabi ko sa puno tapos humiga ako sa ilalamin ng mga sanga niya.

Pumikit ako at inalala ang mga memory namin ni Maia.

Umupo kami at nag pahinga. Biglang may lumapit sa amin.

"Mister at Misis gusto nyo po ng picture na magkasama?" tanong ng isang photographer.

Tumingin si Maia sa akin na tila nanghihingi ng permiso.

"Ahh Sige po pero hindi po kami mag-asawa." pagtama ko lang kay Manong Photographer. Na sana nga ay ganon ang aming relasyon noon pa lang.

"Ah okay po, mag syota lang po?" dagdag pa.

"Ahh hi-" magsasalita na sana siya ng biglang magsalita si Manong.

"1...2...3 say I love you!" sabi ni Manong.

"Ang sweet nyo naman po!" ipinakita ni Manong 'yong picture namin.

"Ah magkano po?" tanong ko.

"100 lang po pero kung gusto n'yo po ay bibigyan ko pa po kayo ng isa pang copy?" mungkahi ni Manong.

"Ah sige po" saad niya naman.

Binigyan si Maia ni Manong. Inilagay niya yung picture namin sa kanyang bag pero pinigilan ko siya.

"Huwag, hahawakan ko na lang kung gusto mo. Magugusot eh!"sabi ko.

"O-kay" sabay abot niya sa akin.

Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa at tiningnan yung larawan namin noon.

Napaka ganda talaga niya noon at hanggang ngayon naman. Inside and out.

"Hayst. Na-miss ko na agad siya" sabi ko sa hangin.

Pumasok na ako sa bahay dahil umiinit na rin. Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga.

Makalipas ang ilang minutong nakahiga ay dinalaw ako ng antok. Tapos 'yon nakatulog na ako sa kwarto ko.

*Knock!*

"Anak gising na, kakain na!" sigaw ni Manang sa labas ng kwarto ko.

Bumangon ako at tiningnan 'yong orasan sa side table at may nakita na lang akong isang sobre.

Love,

Mahal ko, aalis mo na ako ha! Aasikasuhin ko mo na si Mama pero babalik ako sa piling mo. Medyo matatagalan nga lang pero kung makahanap ka ng iba ay masakit pero okay lang naman. Tatanggapin ko kahit masakit. Ibinabalik ko mo na sayo itong necklace na bigay mo. Ibigay mo ito sa babaeng gusto mo. Mahal na mahal kita at kahit anong mangyari ay mamahalin kita hanggang kamatayan.

Tiningnan ko 'yong loob ng envelope at nakita ko 'yong necklace na bigay ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita. Mag iintay ako kahit matagal. Pangako ko Maia, pag balik mo ay hindi na kita pakakawalan pa dahil ikaw ang buhay ko!" sabi ko tapos bumangon ako sa kama at bumaba na.

____________________________________

End of Book 1
Hold Me 'Til Death

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon