Chapter 13- Reaction

2.9K 39 3
                                    

Chapter 13: Reaction

***

Sirius PoV

Iminulat ko ang aking mata at nasa loob ako ng isang puting kwarto. Nakita naman agad ako ng tao dito. Isang nurse.

"Sir, okay na po ba kayo?"

"Papaano ako na punta dito?" umayos ako ng upo.

"Dinala po kayo kagabi ng isang babae. Bayad na po ang bills nyo. Binayaran na po niya kanina bago siya umalis ng ospital"

Babae?

"Ano daw ang pangalan?" tanong ko.

"Hindi po nag pakilala pero ang sabi niya po ay kaibigan niyo daw po siya"

"Salamat"

Umalis na ang nurse pero pala isipan pa rin sa akin kung sino ang babaeng iyon! Kaibigan? Wala akong matandaang kaibigang babae kasi sina Kenn at Ashton lang ang kinilala at tinuring kong kaibigan tsaka bukod sa dati naming pagkakaibigan ni Maia.

Whesly PoV

"What happened?!" napasigaw ako sa gulat noong magbiglang preno ang driver namin.

"Sorry po Mam! There ahmm c-cat po kasi!" pilit pa nitong mag salita ng English. Napa-iling na lang ako sa ugali ng mga Filipino. Gagawin talaga nila lahat para sa ibang tao.

"Okay, sige pag patuloy mo na ang pagmamaneho mo" utos ko rito at parang nagulat pa ito sa pagsasalita ko ng straight na tagalog.

"Nakakapag-salita po kayo ng tagalog?"

"Oo" tipid kong sagot.

Ipinagpatuloy ni Manong ang pagda-drive hanggang makauwi na kami. Napakakapagod ang araw na ito lalo na sa mga natuklasan ko sa nakaraan ko. Na maaaring nakapunta na ako rito at nagsisinungaling ang buong pamilya ko lalo na si Zayn.

Pagkarating ko sa bahay ay pumunta na agad ako sa kwarto at humiga.

Sino ba talaga ako?

Feeling ko ay kulang na kulang ang pagkatao ko dahil sa nawalang ala-ala kong iyon.

"Call me Love instead of my name. Masarap pakinggan ang pangalan ko kapag ikaw ang bumabanggit pero mas gusto kong tawagin mo ako sa endearment natin"

KNOCK! KNOCK!

"Babe, natutulog ka na ba?"

I forgot it's already 9:30 pm.

"Papasok na ako ha" naramdaman ko ang init ng yakap niya sa akin sa likuran ko.

Humarap ako sa kanya habang naka-harap siya sa akin. Tiningnan ko ng mabuti ang bawat sulok ng mukha niya.

"Hindi ako makatulog, babe! Ang dami nangyari ngayong araw" paalam ko sa kanya.

Kailangan kong sabihin sa kanya ang mga nangyari sa akin kanina habang nasa labas ako. Marami akong katanungan na gusto kong itanong. Gusto kong makakuha ng sagot pero bakit may parte ngayon ng utak ko na ayaw ng maniwala pa? Pero sila lang ang tanging taong kilala ko magmula nang magising ako.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon