KABANATA 6-Limang Araw (Part II)

38 1 0
                                    

KABANATA 6: 

Ang Inialay na Pagmamahal ni Sirius

***

Maia Aira PoV

Day 2: Mall

Maaga akong nagpasundo kay Sirius sa bahay. Wala naman si Papa habang si Mama naman ay wala rin. Kasama ni Papa sa isang business trip.

Nasa biyahe kami papunta sa isang malaking mall nang maramdaman ko ang palad niya sa ibabaw ng kamay ko.

Tumingin ako sa kanya "Hindi ko alam ang gusto mong mangyari pero magtitiwala ako sayo Maia. That is how I respect and love you" hinalikan niya ang palad ko habang nasa daan ang tingin nito.

Ngumiti ako dahil sa sinabi niya. Ang sarap sa pandinig ng mga salitang iyon "Salamat"

Naghikap kami sa loob ng mall. Pumasok kami sa lahat ng shops, mapa-lalaki man iyan o babae. Ginawa namin ang mga bagay na walang sino man ang may kakayahang gawin ang kahihiyang pinaplano namin.

"Grabe ang mukha ni Ate. Akala mo'y nalagutan ng hininga noong sinabi kong gusto ko siya. Iba talaga ang karisma ko" nagpa-cute pa ito sa harap ko at tulad ng una naming pagkikita ay napaka-yabang pa rin nito.

I tap the floor using my foot "Kapal! Grabe!" pagtutukoy ko sa mukha niya.

Tinawanan na lang namin ang kalokohan ng isa't isa.

"Oh yan ha. Nagawa ko na ang dare mo. Ikaw naman!" kasi na boring kami kakahikap at nilagyan namin ng kakaibang twist ang araw na ito. Gagawin namin kung anong iuutos ng bawat isa. One at a time.

"Sige. Ano ba yon?"

Nag-isip pa ito sandali at bigla akong hinila papasok ng isang puting shop. Hindi hardware ha. Don't be so judgemental at mas lalong hindi salon.

Jewerly shop.

"Huwag mong sabihin na magnanakaw ako?" napatawa ako ng mahina dahil sa binulong ko sa kanya.

Humalakhak naman ito, kaya lahat ng tao sa loob ng shop ay napatingin sa gawi namin.

Inakbayan naman ako ng loko at hinalikan ako sa noo. Para naman akong naistatwa sa tayo dahil sa ginawa niya.

"Ikaw talaga, Love..." Love. Napakasarap sa pandinig "Tara na nga at mamimili pa tayo ng wedding ring natin"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Hindi dahil gets ko na ang dare niya dahil kun'di sa isipan na magkasama kaming pipili ng susuotin namin singsing kung sakaling hindi ako naging Soleman at may kalayaan akong magmahal.

Lumapit sa amin ang isang sales lady "Hi Mam and Sir. Ano pong hanap niyo?" bingi ba si Ate o wala siya sa Earth noong nag-uusap kami. Halos isigaw na nga ni Sirius na naghahanap kami ng wedding ring ay hindi pa nito na rinig.

Ipinulupot ko ang braso ko sa bewang niya. Kaya nakayakap na ako sa kanya ngayon "Miss may donut ba kayo rito?" nagtingin pa ako sa paligid.

Naramdaman ko naman ang paghalakhak ng isang ito sa tabi ko. Alam niya kasing nang titrip na ako.

"Ano po?"

Tumingin kami sa mga bubog na may naka-display na iba't ibang alahas "May chocolate flavor ba kayo nito Miss?" turo ko sa isang simpleng singsing na may maliliit na diamonds sa gilid nito.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon