Chapter 17- Her Necklace

2.6K 38 11
                                    

Chapter 17: Her Necklace

***

Sirius PoV

Lumabas ako ng kwarto at hinawakan ang puso ko.

Bakit ang bilis ng tibok mo? Ano bang problema mong puso ka? Hindi siya si Maia, okay! Siya si Whesly. Mali ka ng inaakala tulad ng iniisip ko noon.

Naglakad ako at bumaba para kumuha ng tubig para mahimasmasan ng konti.

Ano bang nangyayari sayo Sirius? Kapatid siya ni Maia, meron na siyang mahal na iba at hindi pwede ito. Ano bang ginagawa mo sa akin, Whesly?

Pumunta mo na ako sa likod para umupo sa puno naming dalawa ni Maia.

"Love, miss na kita!"

"Love, ang daya mo naman. Iniwan mo ako kaagad nang hindi pa nag-eexplain sayo!"

"Kamusta ka na dyan?"

"Nakikita mo ba ako diyan sa langit? Gwapo pa rin ba ako diyan?"

"Miss ko na ang mga tawa mo at kurot! HAHAHA! Baliw na siguro ang tingin mo sa akin ngayon, 'no?!"

"Okay lang basta sayo ako nababaliw!"

"Pero LOVE bakit ganto ang nararamdaman ko? Parang may mali ata sa puso ko. Parang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama siya. Parang tibok ng puso ko noon!" sabi ko habang kausap ang langit. Hindi ko na siya makaka-usap ng personal, kaya kahit wala akong makukuhang sagot ay ginagawa ko pa rin.

"Hoy!"

"Love naman huwag kang manakot! Baka sumunod na ako sa sayo sa ginagawa mo!" paki-usap ko habang nakatingala sa langit at tinitingnan ang maningning na bituin.

"HOY!" biglang may humawak sa balikat ko.

"AY PUSANG GALA!" bigla kong sabi dahil sa pag-kakagulat.

"Ano ba? Nagmomoment ang tao dito e!" nagkunwaring naiinis ako dahil sa sobrang hiya.

"Sino kausap mo diyan?" tanong ni Whesly sa akin.

Kapatid mo sa langit "Wala" pagsisinungaling ko.

"Baliw ka pala e! Hindi nga...seryoso! Sino nga?"pangungulit nito at hindi na ako magtataka na kadugo niya ang taong pinakamamahal ko.

"Iyong babaeng pinakamamahal ko" sabi ko sa kanya habang nakatingin parin sa langit.

"Anong pangalan?" tanong niya.

"Tinatawag ko siyang si Ms.Lampa noon tsaka siya ang Forever ko!" sorry pero hindi mo pwedeng malamang si Maia ang tinutukoy ko dahil masisira ang plano ko.

"Wow grabe naman ng tawagan niyo!" komento niya.

"I really miss her calling me, Mr.Yabang. She give me that nickname!"dugtong ko pa habang naalala ang unang beses na tinawag niya akong ganoon. Unang araw ng klase kasi hindi ko talaga siya nilubayan hangga't hindi ko naririnig ang pangalan ko pero sa huli ay iyon ang tinawag niya sa akin.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon