Chapter 18: Closeness

2.7K 45 9
                                    

Chapter 18: Closeness
(Misis & Mister)

***

Whesly's PoV

Kamukha ko siya! Ang babaeng katabi ni Siri.

Hinawakan ko ang puso ko matapos lumabas sa kwarto ni Siri.

Bakit ako nagkakaganito? Sino ka ba Sirius Black Mariano sa buhay ko?

Tumakbo ako papasok nang kwarto ko and locked it. Sumandal ako sa pader at nakaramdam ako ng panghihina sa tuhod.

"Ahh! Sino ka ba talaga Whesly?" tanong ko sa sarili ko.

Kinuha ko ang cellphone at binuksan. Bigay ito ni Siri noong isang araw. He gave me this para daw replacement doon sa cellphone ko. Sinabi kong huwag na pero makulit pa rin kaya iyon. Tinanggap ko!

Idinayal ko ang cellphone number ni Zayn

"Hello?! Sino ito?" tanong sa kabilang linya.

"Hello! Sino ba ito? HELLO! WALA AKONG TIME NA MAKIPAGLOKOHAN SAYO, KUNG SINO KA MAN!" galit na giit niya.

"Za-Zayn?!" pagtatawag ko sa kanyang pangalan.

"Whe--" ini-end call ko na agad. I just want to hear his voice.

New Message from Zayn...

'Whesly lets talk!'~Zayn

"Hindi mo na ngayon Zayn. Hindi pa ako handang harapin ka" bulong ko sa sarili ko.

Knock! Knock!

"Whesly, kakain na tayo! Okay ka lang ba?" tanong ni Siri.

"Ah! Oo naman. Si-sige su-sunod na lang ako!" sagot ko naman.

"Sige!" nag-ayos ako ng mukha para hindi magmukhang umiyak ako.

Bumaba ako ng hagdan and nakita ko si Siri na naghahanda ng pagkain namin. Nakasuot parin siya ng apron na lalo pa niyang ikina-hot!

Ay Whesly! Erase! Erase! Erase! Ginagawa lang niya ito dahil kaibigan ka niya.

"Uhm! Siri bukas aalis na ako. Hahanap pa kasi ako ng hotel or anything na matitirhan" sabi ko sa kanya at papaalam na rin.

"Okay" tipid niyang sagot.

Kumain kami pero tahimik pa rin kaming dalawa. Siguro dahil kanina!huh kakahiya talaga.

"Siri?"

"Whesly-" sabay kaming nagsalita.

"Ikaw mo na" sabi ko.

"Hindi ikaw mo na" saad niya.

"Uhmm sorry kanina ha. Pumasok lang ako ng kwarto mo. Wala kasing nasagot kanina sa akin!" giit ko.

"Okay lang tungkol naman sa titirhan mo, pwede ka namang dito mo na hanggat gusto mo" mungkahi niya.

"Ah huwag na nakakahiya na!"

"Nahiya ka pa talaga sa akin, nakita mo na nga mga abs ko kanina noong nag bibihis ako, hehehe" biro niya. Parang nag-iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon