Chapter 43- Lost Memories

1.9K 21 1
                                    

Chapter 43: Lost Memories

***

Aira's PoV

Tumakbo ako papunta sa ospital dahil sa tawag ni Kenn sa akin kanina. Nag-flat line daw si Sirius kanina noong nawala ako.

"Kenn anong nangyari?" tanong ko kay Kenn noong makarating ako.

"Si-si Sirius! nag-flat line siya kanina kanina lang at ang sabi ng doktor ay kailan niyang mag pakita ng mga senyales bago matapos ng 48 hours or else ay lantang gulay na daw siya" sabi ni Kenn habang umiiyak. Alam kong mahirap din para sa kanilang makita ang kaibigan nilang ganito.

Pumasok ako kaagad ng kwarto niya. Hinawakan ko 'yong kamay niya at idinikit sa aking pisngi.

"Love naman...Gumising ka naman. 'Wag mo naman akong iwan ng ganito! Huwag mo kaming iwan ng mga taong nagmamahal sayo!" pagsusumamo ko sa katawan niya ngayong madaming mga aparatong nakakabit.

"Alam ko namang naririnig mo ako diyan, mabuhay ka naman oh at please kailangan ko ng response mo!" hiling ko rito.

"Mahal na mahal kita Sirius! Mag papakasal pa tayo 'di ba?! Mag kakaanak pa tayo ng mga basketball players di' ba? tapos dadagdagan mo pa ng mga baby girl kaya please gumising ka na! Tuparin mo 'yong sinabi mo!" pagsusumamo ko rito.

Mga ilang sandali pa lang ay biglang gumalaw ang isang daliri ni Sirius. Nagbigay ito ng kakaibang saya sa aking puso. Isang pag-asa!

"S-Sirius!" tawag ko sa pangalan niya.

Pinindot ko agad 'yong botton sa room niya para tawagin ang mga doktor para agarang matingnan siya.

Ilang sandali palang ay dumating na ang mga doktor at tiningnan ang katawan ni Sirius.

Pinalabas mo na ako para daw matingnan nila ng ayos kaya ako naman ay lumabas na rin dahil sa ikabubuti at ikagagaling 'yon ng lalaking mahak ko.

Lumabas ang mga doktor na parang may saya sa mukha at magandang balitang dala-dala.

"Good news po Ms. Soleman dahil ata po sa wagas na pag-ibig niyong dalawa kaya siya ay patuloy na lumalaban. Binawi ng hanggang kamatayan niyong pag-ibig ang kaluluwa niya" sabi nong isang doktor na kala mo ay hindi isang doktor kung makapagsalita.

"Mahal po kasi ako noon! MAHAL NA MAHAL" pag mamalaki ko pa sa kanilang lahat dahil sa labis na kasiyahang nadarama ko sa puso "So, kailan po siya magigising?" tanong ko sa mga doktor.

"Abangan na lang ang pagising niya Miss, after one week kapag hindi pa siya gumigising ay titingnan ulit namin siya" sabi ng doktor tapos umalis na.

Pumasok ulit ako sa kwarto niya.

"Rinig mo 'yon, pwede ka na daw gumising baka gusto mong halikan kita dyan, sleeping beauty lang ang peg mo diyan eh" biro ko pa dahil sa sobrang galak na nararamdaman ko ngayon.

Inilipat na siya sa private room na binayaran namin. Pwede na daw kasi nag bigay na daw ng signs si Sirius kaya ibig sabihin ay hindi na critical ang lagay niya.

Mag handa na lang daw kami sa mga posibilidad na hindi makakilos si Sirius o mawala ang mga ilang memories niya dahil sa nangyari.

2 days pass...

Wala pa ring Sirius na gumigising kaya sobra 'yong pag-aalala ko.

"Sirius gumising ka na naman oh!" sabi ko kay Sirius na nasa harap ko pa rin at mahimbing na natutulog sa hospital bed ng ospital na ito.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon