KABANATA 21- Pagbabalik ng Masasakit na Ala-ala

2.4K 30 5
                                    

KABANATA 21

Pagbabalik ng Masasakit na Ala-ala

***

Maia Aira PoV

"HAAAAAA~~!!!" itinapon ko ang mga gamit na akin nakikita.

"BAKIT?!" sigaw ko.

"AHAS!" sigaw ko pa.

Knock! Knock!

"Whesly open the door!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

"Don't come near me! Leave me alone" sigaw ko.

"Please Whesly mag-usap naman tayo oh! Sabihin mo kung bakit ka nag kakaganyan?" sabi ni Sirius sa labas.

"Wala kang alam sa nararamdaman ko!" sigaw ko pa.

"Paano ko malalaman kung hindi mo ako kakausapin!" paliwanag niya"Manang bilis!!!" sigaw niya.

Nakarinig ako ng tunog.

"Please Sirius hayaan mo akong mag-isa, hindi mo ba ako maintindihan. Don't come near me! LEAVE ME ALONE"

Bumukas ang pinto ng kwarto at nakita ko si Sirius na umiiyak habang nagulat sa mga nakita niya.

"Whesly!" sabi niya habang nakatingin sa mga paa ko.

Tiningnan ko ito at hindi ko man lang naramdaman ang mga bubog sa mga paa ko.

Lalapit na sana siya pero humakbang pa ako papalayo sa kanya.

"Whesly please don't move, lalalim ang bubog sa mga paa mo" paki-usap niya.

"Wala akong paki-alam kahit mamatay ako dito sa kakaapak sa mga bubog na ito basta makalayo ako sayo!"

Sa pag hakbang ko patalikod ay nadali ang aking likod sa isang kanto ng table. Napaluhod ako at hindi ko na alam ang mga nangyari pa. Basta ang alam ko ay unti-unti ng bumabalik ang mga ala-ala ko at hindi ako si Whesly. I am Maia Aira Alcantara Soleman! Dati kong kasintahan ang lalaking nagpatuloy sa akin sa bahay niya dahil na rin siguro sa guilt sa mga ginawa niyang panloloko sakin. Kasama ang babaeng hindi pa malinaw ang imahe sa utak ko pero ang mahalaga ay kilala ko na ang mga taong babalikan ko. Ang mga taong papasakitan ko!

Sirius Black PoV

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganto si Whesly, iniligtas ko lang naman siya.

Nakarinig si Manang ng kalabog at mga tunog ng mga bagay na nababasag kaya tinawagan agad ako ni Manang.

Pilit kong pinabubuksan ang pinto pero ayaw niya. Kesyo hindi ko daw alam ang nararamdaman niya at kahit mamatay daw siya ay wala akong paki-alam. Hanggang mapatama ang likod niya sa isang kanto ng table. Napaluhod siya at muntikan ng makahiga sa mga bubog buti na lang dahil nasalo ko. Hindi naman ako nabubog dahil naka tyinelas ako.

Binuhat ko siya at inihiga. Kinuha ko ang mga gamot sa sugat. Tinanggal ang mga bubog sa kanyang mga paa at tuhod. Pinalinis ko na rin ang kwarto niya para rin ligtas kami sa mga bubog na nagkalat.

Pinakiramdaman ko ang noo niya at ramdam ko ang init-init ng katawan niya.

Kumuha ako ng bimpo at tubig. Pinunasan ko siya at nilagyan ng bimpo sa ulo. Aalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita ng tulog.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon