Chapter 39- Missing

2K 21 1
                                    

Chapter 39: Missing

***

Sirius PoV

Isang gabi na naman kaming magkasama ni Maia habang nakatanaw sa malayo. Kung saan kami abutin ng aming paningin. Alam kong may hangganan ang lahat ng sayang ito pero hindi ko mapigilan ang hindi sundin ang puso ko. Maraming posibilidad na mangyayari ang hindi ko inaakala pero iisa lang ang aking pinaniniwalaan sa ngayon, ito ang pagmamahalan namin ni Maia.

"Love anong iniisip mo? i-share mo naman" sabi ni Maia habang nakahiga sa aking dibdib. Ang sarap sa pakiramdam na ganitong kalapit ang babaeng mahal mo sa parte kung nasaan ang puso mo.

"Yung future natin" great liar.

'Iniisip ko kung may future ba tayo?!' ito 'yong gusto kong sabihin. Mga salitang hindi ko masabi.

"Anong laman ng future na iniisip mo?"

"Ikaw..." tipid kong sabi.

"Alam ko pero anong future ang iniisip mo na kasama ako?" seryoso niyang tanong habang nagpapahinga pa rin sa dibdib ko.

"Gusto mo ba talagang malaman?" may naisip akong kagaguhan.

"Oo naman" excited ang boses niya na malaman kung ano talagang iniisip ko pero pasensya siya dahil dinapuan na naman ako ng aking kagaguhan. Bwahahahaha!

"Kung ilan yung magiging anak natin! Iniisip ko...siguro mga basketball players ang dami. What do you thing, Love?" biro ko.

"Losyang na ako noon tapos hindi mo ba iniisip na magka-anak tayo ng babae?!" sabi niya.

Losyang? Kailan man ay hindi ko nai-imagine na magiging ganoon siya. She is the beautiful woman I ever known.

"Nasa bokubolaryo mo na pala ang salitang losyang pero okay lang naman kahit na malosyang ka dahil kami ng mga basketball players mo ang magtatanggol sayo tapos kung dadagdagan ko pa ng isang baby girl ay meron ulit akong bagong baby!" para akong batang excited ikwento sa ina ang future na bubuoin kasama ang taong mahal niya. Hayst!

Kinurot uli niya ako sa tagiliran.

Natulog na kami noon ng mahimbing habang nakahiga sa isang cottage na kami lang dalawa ang laman.

"Sirius please don't go!" inginulat ko ang aking mga mata at nakita si Maia sa kabilang parte ng isang tulay na umiiyak.

"Please hold me until death at huwag ka ng umalis!" sabi niya ulit.

"Hindi ba sabi mo ay lalaban ka para sa atin, tuparin mo naman yun please" sabi ni Maia.

Biglang lumabo ang larawan ng mukha ni Maia at napakinggan ko na lang ang tinig niya habang sinisigaw ang pangalan ko.

"SIRIUS!" sigaw ni Maia habang unti unti nawawala.

"Maia!" iminulat ko 'yong mga mata ko at isa lang palang masamang panaginip.

"Anong nangyari Sirius?!" tanong ni Maia habang hinahaplos ang mga mata ko na may luha pala. Bakas ang labis-labis na pag-aalala sa mga mata nito.

"Wala. Isa lang masamang panaginip" sana ay manatili na lang doon.

"Ano bang panaginip mo?" tanong niya na aking pinag isipan kung sasagutin.

"Na-naikinakasal na daw tayo!hehehe" nag sinungaling ka na naman

"Akala ko kung ano. Makasigaw ka parang pinapatay na biik!" sabi niya.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon