Chapter 44- Her Only Hope

2K 20 7
                                    

Chapter 44: Her Only Hope

***

Aira's PoV

"Sobra mo ata siyang minahal kaya pati buhay mo ay kaya mong ibigay sa kanya"

"Kilang kilala mo talaga siguro ako noh..." sabi ni Sirius. Naku hindi lang kilala, kilalang-kilala dahil mahal na mahal kitang gungong ka!

"Kung hindi kalang gunggong! Eh 'di sana ay natatandaan mo ang lahat!" biro ko para medyo matanggal ang pagkaseryoso ng paligid.

Napahawak na lang siya ng kanyang batok at ngumiti ng konti. Alam kong nahihirapan din siya sa lagay niya ngayon dahil naiintindihan ko siya.

"Pwede bang kwentuhan mo ako kung saan ko na kilala yung babae at papaano kita nakilala?" request nito sakin.

"Nakilala mo ako noon sa Sta. Teresita Academy. Nagkakilala tayo sa isang hagdan. Transfery ka noon at habang ako naman ay late na" tumawa ako ng konti dahil sa pagbalik ko sa nakaraan namin " Nabunggo kita noon at aksidenteng bumagsak pababa at pati yung mga gamit ko. Tinulungan mo ako noon pero sa lakas ng hangin ay natamaan ka tapos sinabi mong nakatitig ako sayo at ang matindi ay sinabi mo pang gwapo ka kahit 'oo naman talaga' hindi naman talaga. Tapos noon ay nagmadali ka ng umalis kaya ako inis na inis sayo tapos pumasok na ako sa room ko. Sa hindi inaasahan ay magkaklase pa tayo noon tapos tumabi ka noon sa akin kasi iniinis mo pa ako noon nang kung anu-ano---"

"Natandaan mo yon lahat? Kakatuwa ka naman. Special ata yong memories ko sayo" Dyos ko Sirius! Hindi ka lang special sa buhay ko. Parte ka na nito ngayon.

"Oo special yong memories mo sa akin. Pati ikaw ay special na special sa akin" sabi noong utak at puso ko.

Mukha tuloy akong nanliligaw at nagpapa-impress sa taong gusto ko! 'Di bale na nga lang!

"Syempre naman noh! Doon kita nakilala. Dati nga ako 'yong hindi maka-alala tapos ngayon ikaw naman. How cruel world! HAHAHAHA!" biro ko pa sa sitwasyon namin ngayon.

"Napakamapag-biro mo pala ano?!" komento niya.

Trying to be happy and joker ako dahil kung alam at nararamdaman mo lang kung gaano kahirap na makita kang walang maalala tungkol sa akin...sa ating nakaraan ay tila bubog na sa lalamunan ko na nagpapahirap saking huminga.

"Hindi naman. Sobra ko lang saya noong gumising ka pero malungkot dahil wala ka man lamang naalala tungkol sa akin" sabi ko "Kahit nga 'yong pag mamahal mo sa akin ay hindi mo na naalala" bulong ko.

"Anong sinabi mo?" seryoso niyang tanong na hinuhulaan kung anong mga sinambit ko kanina lang.

"Wala sinabi ko ay alalahanin mong mabuti itong kinukwento ko para maka-alala ka na" palusot ko rito.

"Eh paano ko naman nakilala 'yong babaeng minahal ko ng lubos noon?"

"Saka ko na lang ikwekwento, magpahinga ka na lang mo na" sabi ko na lamang dito dahil hindi ko na kaya. Baka ano mang oras ay bibigay na ang puso ko at mag-burst out sa mismong harap nito.

"Sige basta ikwento mo sa akin lahat ha. Kaibigan kita 'di ba?" sabi niya.

Kaibigan...hindi ko alam na aabot sa puntong mapupunta ako sa ganoong posisyon sa buhay at puso mo.

"Oo" sagot ko "ka-kaibigan mo lang ako" bulong ko.

Lakas maka-drama ng line ko.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon