Chapter 37- Diary

2K 24 3
                                    

Chapter 37: Diary

***

Sirius PoV

May tumawag kay Maia kaya umalis mo na ito. Alam kong kailangan niya rin ng privacy.

One message from Zoe...

May nakuha kaming bagong ibedensya laban kay Zayn. Na-locate na rin namin ang mga pabrika ng drugs nila.

Malapit ka ng bumagsak Zayn. Konti na lang at pwede ko ng bawiin si Maia sayo. Babawiin ko ang taong inagaw mo sa akin, ilang taon na ang nakakaraan.

Bumalik si Maia at tila sobrang saya niya sa pag-uusap na naganap sa kanya.

"Anong nangyari sayo?" tanong ko rito dahil para itong baliw kong makangiti. Nagtatalon pa sa sobrang tuwa.

"GOOD NEWS SIRIUS! MAY NAKUHANG BAGONG EBIDENSYA SI ATE!" balita nito sa akin na may saya ang mga mata tapos niyakap ako ng napaka-higpit. Ang yakap na na-miss ko. Ang yakap ng babaeng mahal ko.

"GOOD NEWS NGA 'YAN! MERON DIN AKONG NATANGGAP NA GOOD NEWS!" .

"Ano?" tanong niya habang nakasabit pa rin ang mga braso sa aking leeg.

"Na-locate na nina Zoe 'yong pabrika ni Zayn ng drugs. Ikaw anong good news?" tanong ko.

"Na-hack na ni Ate 'yong account ng mga Sanchez at alam mo ba na nakuha ni Ate ang lahat ng mga pangalan na sangkot sa ilegal drugs ni Zayn. Kasama na rin ang kabuoang halaga ng mga napagbilhan at transaksyon ng mga ito"

"Good news nga yan. Konti na lang Maia at babagsak na si Zayn!" sabi ko at niyakap din siya ng napakahigpit.

---

Masaya kaming naglakad sa buong isla dahil sa mga good news na dumating. Napag-usapan din namin ang kasal ko.

"Tuloy pa rin ba ang kasal nyo ni Zoe kahit na mapababagsak na natin si Zayn?" tanong ni Maia.

"Hindi ko pa alam hangga't hindi pa bumabagsak si Zayn at hindi ko pa nasisigurong ligtas ka ay hindi pa ako pwedeng huminto"

"Sana bumagsak na si Zayn para hindi mo na kailangan pang gawin ito" malungkot niyang sabi. "I can't stand seeing you marrying other woman" bulong nito ngunit rinig na rinig ko ng malinaw galing sa bibig niya.

"Bakit? Nag-seselos ka ba? Ayiiiieeee!" biro ko.

"Gago, ayoko lang isakripisyo mo 'yong sarili mong kaligayahan para lang sa akin. Gusto ko ring sumaya ka at hindi ko kakayanin ng dahil sa akin ay ipagkait mo iyon sa sarili mo. You're special to me, Sirius" paliwanag niya.

"Pero ikaw ang kaligayahan ko kaya kapag ligtas ka ay maligaya na ako. Wala itong sakripisyong gagawin ko kung para lamang sayo. I'll rather die than seeing you suffer because I didn't do anything" hinawakan ko ang kamay nito at hinalikan habang deretsyong nakatitig sa mga mata nito.

"Corny mo!" kinurot uli niya ako sa tagiliran.

"Ang hilig mong mangurot, 'no? Halika nga rito" kiniliti ko siya pero tumakbo lang siya para maka iwas siya. Habulan pala ang gusto niya ha. Magaling ako diyan. Hihihihi!

"Habulin mo ako! HAHAHAHA. Ang bagal mo, tanda!" pang iinis pa nito.

"Humanda ka kapag nahuli kita. Makikita mo kung sino ang 'tanda' na tinatawag mo! Halika rito!" binilisan ko ang takbo ko para maabutan siya.

Binilisan ko pa at hanggang mapalapit na ako sa kanya pero bigla akong natisod at bigla naman siyang humarap. Kaya ang resulta ay nakapangibabaw ako sa kanya at siya naman ay nakapangilalim.

Nagkatagpo ang aming mga mata at unti-unti ko na lang naramdamang lumalapit na ang aking mukha sa kanya.

Ilang hibla na lang at magkakatagpo na ang aming mga labi.

"A Kiss in the Rain lang ang peg!" bulong nito.

Nagising ako sa munting panaginip sa ganitong umaga "Ha?" pagtataka ko.

"Umuulan Sirius..." tumingin ako sa langit at umuulan nga. Bakit hindi ko yun naramdaman? O sadyang ini-enjoy ko lang talaga ang moment ko with her. Sabagay, kapag andyan siya ay nakakalimutan ko na rin minsang huminga. Joke.

Tumakbo kami ng magkahawak ang kamay papuntang cottage.

Basang-basa kami dahil sa lakas ng buhos ng ulan nasa isang kwarto lang kami at basang-basa, kaya nakita ko 'yong dapat 'di ko nakita.

Umiwas ako ng tingin sa kanya kaya nahalata niya. Hinagisan ko siya ng isang towel na makapal. Baka hindi ko makontrol ang sarili ko at sunggaban siya ng halik.

"Bakit?" pagtataka niya.

"Nakikita ko na oh!" parang nag-iinit yung buo kong mukha. Masyado atang maliit ang lugar na ito para sakin.

Itinaklob agad naman niya ang towel na bigay ko.

"Oh My Gosh!" sigaw niya dahil sa pagkapahiya.

"Ikaw na ang unang maligo baka magkasakit ka pa nyan. Intayin na lang kitang matapos" paalala ko rito.

Pumunta ako sa kusina at nag timpla ng kape at lumabas para doon inumin. Kinuha ko 'yong aking dairy para ilagay doon ang mga nangyari sa buhay ko

Dear Diary,

Maraming mga nangyari sa buhay ko pero isang buhay lang ang gusto kong protektahan. Mahal ko siya na higit pa sa buhay ko. Ngayon ay magkasama kami sa iisang cottage habang iniintay ang pagtila ng ulan. Pagkatapos ay babalik ulit kami sa realidad na hindi pwede kaming magkasama dahil maraming tutol sa aming pagmamahalan. Sana ay may panahon para sa aming dalwa.

Habang nagsusulat ako ay naamoy ko ang isang pamilyar na pabango.

"Nagsusulat ka ba kay Charo?" biro niya habang pinupunasan ang basa nitong buhok.

"Ah, Oo sinasabi ko na ang gwapo-gwapo ko at kung pwede lang ay huwag ng banggitin 'yong pangalan ko sa MMK baka kasi maraming sumugod na mga fans sa M.V Building! Magselos pa 'yong EX ko" biro ko at pino-point out ay siya.

Isinarado ko 'yong diary ko at humarap sa kanya at nakita ang kanyang sexy body.

"Ligo ka na?" tipid niyang tanong habang inaabot ang extrang towel.

"Sige" sabi ko at kinuha ko 'yong mga damit ko at lumigo na.

---

Ginawa ko 'yong mga rituals ko sa banyo. Nag ahit ako ng konting balbas ko at nag toothbrush para presentable sa kanya. Nakakahiya naman sa kanya pero ganito talaga ako kahit hindi siya naririto. Baka sabihin niyo na saka lang ako nagmumukhang tao kapag andyan siya.

Ilang oras din ako sa banyo. Lumabas ako at isinuot yong sweater ko.

Nakita ko si Maia na nakatayo sa labas. Nakita ko naman 'yong diary ko na nakalimutan kong ilagay sa bag. Andun pa rin ito sa tayo nito kanina kaya inilagay ko sa bag.

"Maia" tinawag ko siya at humarap.

Sobra talaga niyang ganda.

"Sirius..." sabi niya at tumalikod ulit.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?malamig na oh" sabi ko.

"May iniisip kasi ako tungkol sa nakaraan"

"Bakit? Anong iniisip mo?" tanong ko.

Series#1 Volume 1: Hold Me 'Til DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon