Chapter 1

510K 9.3K 463
                                    

Nagising ako dahil sa may mabigat na bagay ang nakadagan sa'king ulo at dibdib. Inis kong inalis ang bagay na 'yon at nayayamot akong napabangon sa higaan. Napahawak pa ako sa'king ulo bago dumilat, nagtaka pa ako ng makitang hindi ako nasa kwarto ko.

Nag-isip ako ng mabuti. Nang magflashback sa'kin ang nangyari kagabi ay kaagad akong tumingin sa katabi ko, nanlaki ang aking mga mata habang nakanganga pa. Is this for real? Napalip-bite ako ng wala sa oras habang dahan-dahan akong umalis sa higaan. Kahit masakit ang aking pagkababae ay kinaya kong maglakad para pulutin ang aking mga damit na nahulog. Nagbihis kaagad ako at dali-dali na akong lumabas sa kwartong 'to, paglabas ko ay bumungad sa'kin ang itsura ng bar kagabi. Kung gano'n, nag-VIP room ang Boss ko.

Paika-ika akong lumabas ng bar na 'yon at nagpara agad ako ng taxi. Habang nasa byahe ay hindi pa rin magsink-in sa'kin ang ginawa ko kagabi. Malandi pala ako pag nakakainom ng alak! Sa susunod ay hindi na ako iinom ng kahit na anong uri ng alak! Ayaw ko nang maulitan pa!

Sa tingin ko naman hindi lasing 'yong Boss ko pero bakit hindi niya ako pinigilan? Bakit niya ginusto na may mangyari sa'min? Bigo na nga ako sa pag-ibig, na devirginized pa ako ng wala sa oras! Saklap!

Kasalanan lahat 'to ni Dave, eh! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako nagpakalasing! Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako naging malandi ng mga oras na 'yon! Isa pa 'tong Boss ko, kasalanan niya kung bakit hindi na ako virgin ngayon!

“Miss? Miss, okay lang po ba kayo?” napabalik na lamang ako sa sarili ko nang marinig kong nagsalita 'yong Driver.

“P–Po?” pagtatanong ko rito.

“Umiiyak ka kasi. Okay ka lang ba?” sa tanong ni Manong ay napaiyak ako lalo. Ang sakit! Ang sakit ng puso at ng pagkababae ko! Hindi ako okay!

“Miss?”

“Manong, magdrive lang po kayo. Sa Kalayaan po ang baba ko, h'wag niyo na lang po akong pansinin.”

Bakit kasi isang malanding espiritu ang sumanib sa'kin kagabi, eh? Hindi pa nga ako makarecover sa ginawa ni Dave kagabi tapos may ginawa pa akong katangahan o pagkakamali.

Ugh, kill me!

Paano kung mabuntis ako, anong gagawin ko? Magpalaglag ng bata? No, kasalanan 'yon. Magresign tapos sabihin sa Boss ko na sawa na ako sa trabaho ko? Pero baka ibuklat no'n ang kahapon. Ang kahapon, I mean, ang gabi na siyang pinagsaluhan namin. No! Siguro, sabihin ko na lang sa kanya kung sakaling mabuntis ako. Hindi ko naman pwedeng itago ang katangahang nagawa ko, eh. Lalo na kapag may resultang lumabas sa ginawa namin kagabi.

“D'yan na lang po ako sa tabi.” wika ko nang matanaw ko na ang aking bahay. Naglabas agad ako pera at iniabot 'yon sa Driver nang maitabi na niya ang sasakyan.

“Ito na ang sukli.”

“Salamat, Manong.”

Lumabas na ako at naglakad nang paika-ika papunta sa bahay na inuupahan ko lamang. Ilang taon na pala ako rito, ilang taon na rin akong hindi binibisita ng mga magulang ko na nasa La Union. Siguro ay busy ang mga 'yon do'n. Hindi pa ako nakakapag-open ng account kaya hindi ko pa sila nakakamusta, siguro next time na lang.

I stopped walking when I remember something. 'Yong mga report ko nga pala! Bukas na lang ako magpapasa no'n kaso paniguradong hahanapin ako ngayon ng aking Boss. Paano ko 'yon mahaharap matapos may mangyari sa'ming dalawa kagabi? Paniguradong awkward 'yon.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon