Chapter 14

317K 5.4K 92
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ngayon ang restaurant na pinuntahan namin. Japanese na Japanese talaga ang itsura— from the walls to the carpet and to our table. Kahit ang mga nagseserved ng pagkain ay nakakimono rin at nakamake-up.

May lumapit sa'ming tatlong babae na may hawak-hawak na tray. “Here's your order, Sir and Ma'am.” ani ng isang babae na nangunguna.

Inilapag na nila ang mga pagkain namin sa mesa at natakam ako sa may sabaw nilang pagkain. Naamoy ko ang bango ng pagkain na 'yon kaya mas lalo akong nagutom.

“Thanks.” simpleng wika ko.

'Di ako marunong sa Japanese words kaya 'yon na lang. Ako lang ang nagpasalamat sa mga 'yon. Si Ken ay kumuha na ng kutsara at agad tinikman ang sabaw, kumuha na rin ako ng akin at ginaya siya.

“Taste good.” napangiti ako rito. Masarap din 'to gaya ng ibang pagkain na natikman ko sa mamahaling restaurant.

Nagsimula na kong kumain at ganoon din siya. Tila wala kaming pake sa isa't-isa habang kumakain. Mga gutom na, eh.

Nang matapos ay uminom ako ng Japanese wine. Dalawang beses lamang akong uminom niyon dahil kinuha agad ni Ken ang bote at nilagok. Nakasimangot lamang akong nakatingin sa kanya. Kahit gusto ko mang magreklamo ay hinayaan ko na lang siya. Siya kasi ang magbabayad nitong mga kinain ko kaya ayon, I need to remain quiet na lamang.

Nang maubos ang wine ay tinawag niya ang babae kanina.

“Magkano lahat?”

“₱1200.00, Sir.”

“Here.” sabay abot ng dalawang libo. “Keep the change.” dagdag pa niya.

Tumayo na siya kaya tumayo na rin ako, yumuko ang babae sa kaniya at nagsalita ng Japanese word.

“Arigatou.”

Hindi umimik si Ken, tumango lang siya at mabilis akong hinawakan sa'king siko at hinila na palabas ng restaurant na 'yon.

“Ano 'yong ‘arigatou’ ?” pagtatanong ko sa magaling na lalaki.

“A simple thank you in Japanese word.”

“Oh.” napamangha ako sa'king narinig. “'Di ba may dinadagdag pa sila ro'n? Ano nga ba 'yon? Arigatou guzai... Arigatou guzaimasu?”

“Yeah.” he simply answered. Nang makarating na kami sa kanyang kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto muli. “Hop in.”

Pumasok na ako sa loob. Sinara niya ang pinto at umikot siya para pumasok na rin.

“Uuwi na ba agad tayo?” pagtatanong ko sa kanya habang pinapaandar na niya ang kotse. Imbis na sagutin ang aking tanong ay nagtanong din siya sa'kin.

“Gusto mo bang umuwi na tayo agad?”

“Hindi pa.” I breathed. “Gusto kong gumala.”

Matagal-tagal na akong 'di nakakagala. Isang buwan mahigit na rin ang huli kong gala. Matapos ang pag-alis ko sa trabaho, nagkulong na ako sa bahay after niyon. Since may kotse naman, naisip kong gumala ngayon kasama siya kaya lang paniguradong 'di siya pala-galang tao.

“Sa'n mo gustong pumunta?”

Tama ba ako ng narinig? Tinanong niya ako kung saan ko gustong pumunta? Tama ba?

“Ano?” gusto kong marinig muli ang kanyang sinabi kanina. Gusto kong makasigurado na tama ang aking narinig bago sagutin ang kanyang tanong.

“Kako, saan mo gustong pumunta?” pag-uulit nga niya. “Bingi kasi.”

Ayan na naman tayo. “Hindi ako bingi, ah! Naninigurado lang.” grabe talaga siya sa'kin!

“Oh, sa'n nga? Mall? Amusement Park? Saan?” pagtatanong niya habang nakaandar na ang kotse palayo sa lugar na 'yon.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon