Chapter 26

238K 3.9K 95
                                    

Binasa ko muli ang ibabang labi at tumingin na lang sa harap, 'di alam ang sasabihin. I got tongue-tied again, hindi na umalis si Ken sa tabi ko matapos 'yon. Nakatingin din siya sa harap, 'di ko alam kung kagaya ko siyang pinagmamasdan ang kabaong ni Dave.

My eyes went to Tita Mirasol and Tito Angelo, katabi nila si Callum sa harap. 'Di na umiiyak si Tita ngayon kaya I felt somehow relieved. Si Tito ay tumayo at umalis, tumabi naman si Callum sa Ina at yumakap. Napangiti ako ng tipid sa nakita.

Isa-isang pumunta sa harap ang mga kamag-anak para tignan si Dave, nang wala na ay do'n na lamang kami tumayo.

“Hey.” bati ni Ken sa mukhang natutulog na si Dave paglapit namin. “Marami kang naiwan agad dito, you know.”

Ramdam ko sa boses niya ang lungkot at nang tignan ko siya, nakita ko muli sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

“I'm sorry and thank you. You know the rest, pare.”

Ang pagtawag niya ng ‘pare’ kay Dave ay 'di asiwa, hindi gaya do'n sa lalaki kanina.

Tumingin muli ako kay Dave. Marami pa akong gustong itanong sa kanya pero 'di na ako nabigyan pa ng pagkakataon. Siguro, sa'kin na lamang 'yon. Hindi ko na hahanapan pa 'yon ng kasagutan.

“H'wag mo pa ring pabayaan sina Callum, ah? Bantayan mo pa rin sila. I'm going to be Callum's big sister kung kinakailangan.” and I smiled. ”May your soul go to heaven, Dave. See you there again, my friend.” wala kaming closure gaano dahil hindi ko 'yon nahingi sa kanya. Atleast, bago mangyari ang lahat... nakasama ko pa siya at nakausap na akala ko ay 'di na mangyayari pa.

“See you again..” Ken said, too. “sa kabilang buhay.”

Bumalik na kami sa inuupuan namin kanina at sina Tita Mirasol na ang tumayo, pumunta ro'n. Umiyak pa rin si Tita Mirasol at si Callum ay nakayakap lamang sa Ina. May sinabi si Tita ro'n habang umiiyak, dumating muli si Tito at binigyan ng yakap ang asawa. Bumuntong-hininga ako para 'di rin maiyak. Sa totoo lang, sa tagal naming mag-on ni Dave... napamahal na ako sa pamilya niya and it kinda broke my heart seeing his family turned into like this. They are in pain again and I do nothing but to stare at them.

Mabilis ang pag-asikaso ng pamilya sa paglibing kay Dave. Tatlong araw lamang ay nilibing na siya sa La Loma Cemetery. Gano'n pa rin ang dami ng tao, kami at kami pa rin ang nakilibing. Natapos ang paglilibing namin ng mga bandang alas onse na nang tanghali. 'Di na kami pupunta pa sa bahay nina Dave para maglunch do'n. Binigyan ko na lamang ng teddy bear si Callum kanina at nagbigay ng kaunting bilin, they can call us naman right away kung kailangan nila ng tulong namin.

“Del Valle!”

Napahinto kami sa paglalakad papunta sa kotse nang tumawag ang Doktora na 'yon sa magaling.

Naramdaman kong sumulyap sa akin si Ken, hindi alam kung kakausapin niya 'yon. Umingos ako't pumasok na sa loob ng kotse. Nagtagal sa labas si Ken at paniguradong kinausap niya 'yong Doktora. Sabi niya, 'di na niya 'yon kakausapin. Anong nangyari ngayon?

Binuksan niya ang pinto ng kotse sa gilid ko, lumapit at bumulong.

“Love...”

Hindi ko siya pinansin pa. Nangako pa, napapako rin naman pala!

“Makikisabay daw siya sa atin.”

Hinarap ko siya at tinarayan. “Eh, 'di, isabay mo.”

Hindi siya umimik. Lumayo siya sa akin at narinig ko ang sinabi niya sa Doktora, sinasadya niya atang iparinig sa akin 'yon.

“Hindi pwede, eh. Masakit ang ulo ng mahal ko.”

“Ah, gano'n ba? Pwede ko siyang bigyan ng gamot! May dala ako sa bag, wait!”

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon