Chapter 31

259K 3.5K 74
                                    

“Wh—What?” nanlalaki ang kanyang mga mata ngayon kaya napatawa ako nang mahina. “You, what?”

“Sabi ko, mahal din kita at naniniwala na ako sa'yo ngayon.” pag-uulit ko sa sinabi kanina.

Napangiti siya sa narinig at ngumiti nang malawak pero nahalata ko sa kanyang mukha na 'di pa rin siya makapaniwala. Lumapit siya sa akin at mabilis na ginawaran ako ng halik sa labi. Nang humiwalay siya ay kanyang pinagdikit ang noo sa noo ko.

“Thank you..” he breathed. “Thank you for believing me. Hindi ako mangangako pero gagawin ko ang lahat para 'di ka muli masaktan.”

Tumango ako at hinawakan siya sa kanyang batok, ang kanyang braso naman ay yumakap sa aking baywang.

“Namiss kita, sobra. Wala pang isang araw tayong nag-away pero na miss agad kitang yakapin, hagkan at kausapin.” masuyong wika nito. “No'ng natulog ka, gustong-gusto kitang tabihan pero alam ko na galit ka sa'kin. Na kuntento lang ako na titigan ka nang kaunti at kausapin nang bahagya habang tulog.”

Narinig ko 'yong sinabi niya noon sa akin na akala niya ay natulog muli ako pero 'di ko ipapaalam. Ang mahalaga, ayos na kaming dalawa.

“Masyado kang ma-effort.”wika ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. “Bumugso agad ang nararamdaman ko para sa'yo. Wala, eh... mas nanaig bigla ang puso sa'kin.”

“Marami pa akong planong nakahanda para suyuin ka kung sakaling 'di gumana sa'yo ang iba.” hinalikan niya ako sa'king noo. “Salamat na lang at mahal na mahal mo ako pero h'wag kang mag-alala, itutuloy ko ang pagsuyo sa'yo hanggang sa kamatayan ko.”

Napangiti ako sa narinig at kinilig, natalo ng puso ang utak ko ngayon. Sa gan'tong sitwasyon kasi ay 'di ko kayang magpakapusong-bato. I fall to his efforts, and I'm glad that I fell... walang pag-alinlangan.

Sa kanyang mga bisig ko lang talaga matatagpuan ang aking kasiyahan.

“Sorry kung nagalit at nasaktan ako ng sobra.”

“May karapatan ka namang maramdaman 'yon.”

“But still...” his thumb caressed my lips to make me stop from talking.

“Sabi ko nga kanina, may karapatan kang maramdaman iyon.” hinalikan niya muli ako sa labi, “Hindi ka naman kung sino lang, kasintahan kita. Pwede kang magalit, masaktan at magselos... kasi 'di iyon maiiwasan. Nasaktan kita, nasaktan din ako. Pero ngayong bati na tayo, okay na ako.”

“Anong plano mo sa dalawang babae?”

“Sa akin na lang 'yon, love.” his eyes darkened because of madness. “Ginalit nila ako nang husto dahil sa ginawa nila sa'tin kaya 'di ko sila pwedeng bigyan ng magaan na leksyon. I'll be their actor starring in their bad dreams.”

“Anong...” I paused, biglang kinabahan. Sa nakikita kong galit sa kanyang mga mata ay mukhang iba ang gagawin niyang leksyon sa dalawa.

“Pumasok ka na sa loob, love.” bigla niyang sabi. Nawala na ang galit sa kanyang mga mata at ngumiti siyang muli. “Pinapasabi ng Boss na pumasok ka na sa loob.”

'Yan na naman kami sa trip niya.

Magsasalita pa sana ako nang mabilis na siyang naglakad palayo.

“Teka, Ke—Ken!”

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon