Chapter 18

311K 5.1K 149
                                    

“You what?” hindi makapaniwalang pagtatanong ko habang namumula pa rin. Lumapit siya sa'kin habang namumula ang kanyang tainga at nakangiti nang malawak. 

“I love you too.”

Napahawak ako sa'king mukha at napayuko. My heart beats so fast right now and I could hear the music it created, thunderous and lucid.

“Hey, look at me, love.”

Hindi ko kayang tignan siya ngayon. Pulang-pula na ang mukha ko't 'di makapaniwala sa'king narinig. Mahal niya rin ako... Mahal niya rin ako. Our feelings are mutual. It's great... It is really great.

He held my hand at tinanggal 'yon sa'king mukha. Hinawakan niya rin ako sa baba ko at siya na ang nag-angat ng aking ulo. Hindi ako tumingin sa kanyang mga mata dahilan para marinig ko ang mahina niyang pagtawa.

“Pulang-pula na ang mukha mo.”

Pilit akong lumalayo sa kanya pero ang isang kamay niya ay mahigpit ang hawak sa'kin.

“Eh, ano naman?” matapang kong pagtatanong pero 'di ko magawang tignan siya sa kanyang mga mata. “Ang niluluto ko...” mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya.

“Ah, yeah.” lumayo na siya sa'kin kaya nakahinga ako nang maluwag. Wala sa sariling napahawak ako sa'king pisngi at tumalikod.

Paulit-ulit na nagpe-play sa isip ko ang sinabi niya kanina, kaya imbis na mawala na ang pagkapula ng aking mukha ay mas lalo pang namula ata.

“Wait, 'di iba ikaw ang magluluto ng java rice?”

Oo nga pala.

Nilingon ko siya pero 'di ako lumapit sa kanya kahit gustong-gusto ko. Nakangiti siyang umiling at hinawakan na naman ako sa'king kamay.

“Ngayon ka pa mahihiya sa'kin?”

“Hindi naman ako nahihiya.” hindi naman talaga.

“Liar.” hindi pa rin mawala sa kanyang mukha ang malawak na ngiti. Para siyang nanalo ngayon sa jackpot dahil sa itsura niya. “Your reaction says otherwise, love. Ikaw ang unang umamin tapos mahihiya ka sa'kin? That's not right. Wala kang dapat ikahiya, our feelings are mutual.”

“Hindi lang ako makapaniwala.”

“Hmm? Really? Ako rin naman.”

“Sa—Sabi ko nga...” humigpit ang kanyang hawak sa kamay ko at inilapit 'to sa kanyang bibig. Tinignan ko siya sa gagawin niya, kinindatan niya muna ako bago niya gawaran 'yon ng munting halik. Ramdam ko ang pag-iinit lalo ng aking pisngi.

Namumula na naman ako!

“Pulang-pula na ng mukha mo, love.” pang-aasar pa niya.

“Ikaw ang dahilan kung bakit namumula ako ngayon ng labis.” biglang namula lalo ang kanyang tainga dahil sa sinabi ko kaya napatawa ako. Now, we're kinda quits.

I smell love in the air while we're cooking. Hindi mapuknat-puknat sa'king mukha ngayon ang ngiti ko. Napakaganda ng gabing 'to para sa'min.

Nang matapos na kaming magluto ay naghanda na ako ng utensils habang siya ay naglalagay ng java rice at afritada sa lalagyan.

“Maupo ka na, dahan-dahan lang.” anito.

Nilapag na niya sa gitna ng mesa ang lalagyan ng java rice at afritada. Naupo nga ako gaya ng sabi niya habang nararamdaman ang pagkalam ng aking tiyan.

“Smells great.”

“Yeah.” naupo na siya sa harap ko't pinagsandukan niya ako ng kanin at ulam.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon