Nakahinga lamang ako nang maluwag ng makalayo na siya sa'kin. Feeling ko, pag sumama pa ako sa kanya, lalagnatin na ako ng wala sa oras. Napahawak ako sa'king leeg at bumuga ng hangin, kailangan kong maikalma ang aking puso.
“You look... apprehensive.” he commented. “Ang pula pa ng mukha mo.”
Paanong 'di pupula mukha ko eh bumanat siya ng gano'n? Dave never said a words like that to me before. Hindi ko akalain na kayang bumanat ng gano'n ni Ken. Nagmukha akong idiotic ngayon kaysa apprehensive.
“Mainit kasi, 'di ba? Kaya 'yan, pumula ang mukha ko.” sabay hawak sa'king pisngi at ngumiti
He grinned and said, “I don't believe you.”
“Eh, 'di h'wag kang maniwala.”
“Kinilig ka lang, ano?”
“Hindi, ah!” at pinakitaan ko siya ng pandidiri sa'king mukha. “Di ako kikiligin sa mga banat mo, Sir— I mean, Ken.”
“You said so.” and he shrugged his shoulders. “But I'm serious, pwede mong sabihin sa'kin kung nakuha ko na ang puso mo, para fair, ibibigay ko rin puso ko sa'yo.”
“Malabo.” matigas kong sabi. “Malabo mong makuha, I'm still broken. 'Di rin ako madaling makuha sa ganyan.”
“Eh, 'di tignan.”
Sumimangot na lamang ako't 'di na umimik, nauna na akong maglakad. Wala ng Boss to Employee na relationship sa'min ngayon, I can walk now freely without walking behind him. Nang nasa tapat na ako ng restaurant ay do'n ko lamang siya hinintay.
“Hinintay mo pa ako.” biglang pagsusungit niya.
“Ah, kasi—” he cut me off.
“C'mon, woman.” hinawakan niya ako sa'king siko at sabay na kaming naglakad papasok sa loob. “Kung gusto mo talagang makasabay ako, sabihin mo lang.”
“Hindi naman—”
“Hindi 'yong iiwan mo ako sa parking lot at hihintayin sa tapat ng resto. That's rude, you know.”
Napatikom ako ng bibig at napayuko. “I'm sorry... It's just that...”
“H'wag mo nang uulitin 'yon.” seryosong wika nito kaya napatango ako habang nanatiling nakayuko. “Iangat mo ang ulo mo.” he commanded. Iniangat ko ang aking ulo at tinignan siya. “Good.” mula sa siko ay bumaba ang hawak niya sa'king kamay dahilan para mapasinghap ako't mapatingin na ro'n. “This is just my friendly way, Ali.” bigla niyang pag-explain kahit wala naman akong tinatanong.
“Hindi ako sanay. I thought you're—” he cut me off again.
“What? Cold? Awful?”
“Oo.” kasi 'yon ang itsura niya! Masungit, arogante at may pagkamayabang! “Sa company mo, you never smiled at us. You ignored the greetings of my co-employees before. You seems irritated at work. You look awful, cold and arrogant.”
“Naaabutan mo lang ata akong badtrip kaya ganyan ang tingin mo sa'kin.”
“Hindi rin!”
“Wala na akong pake. Basta pag pagod ako at busy, masungit ako.”
Huminto na kami sa may table kung saan sa gitna ang pwesto. Pinaghila niya ako ng upuan kaya feeling ko ay pinamulahan na naman ako. I felt timid na.
“Seat.”
Umupo naman na nga ako. Umupo na rin siya sa harap ko't agad na kinuha ang menu sa table. Tinignan ko naman ang paligid no'ng restaurant, everything looks fine and captivating.
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Boss
RomanceSTATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contains wrong grammars and R18 scenes. Some chapters are not suitable for children. I WROTE THIS STORY WHEN I WAS YOUNG, TEEN AGER AND BAGUHAN. Re...