Pinamulahan ako't nakaramdam ng kilig. Love raw? Tinawag niya akong love pero walang label. Dapat pag tatawag ng gano'n, may label.
“Love your face.” 'yan na lamang ang aking nasabi at umiwas ng tingin para hindi niya mahalata ang pagkapula ng mukha ko.
Nakarinig ako nang mahinang pagtawa mula sa kanya. “Ba't sobrang pula ng mukha mo?”
“Hindi kaya mapula.” sabay tingin ko sa kanyang mga mata.
“Mapula.” umapit siya sa'kin kaya mabilis akong napaatras. “Ba't ka umaatras?”
“Eh, bakit ka nalapit?”
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Bago pa ako makasandal sa pader ay nahila niya ako sa'king braso at nailapit agad sa kanya. Hinawakan niya ang aking mukha at tinignan iyon nang maigi.
“Namumula ka nga.” natatawa niyang wika. “Oh, pulang-pula na lalo ang mukha mo.”
Inis kong tinanggal ang kanyang dalawang kamay na nakahawak sa'king mukha at sumimangot. “Paanong 'di pupula, Ken, eh hinawakan mo. Sensitive kaya ang aking balat!”
“Sensitive?” hindi makapaniwala niyang pagtatanong. “Sa tagal mong nag-trabaho sa'kin dati, ngayon ko lang nalaman 'yan. Alam ba 'yan ni Hailey? Hmm?”
“Hindi. Isa 'tong sikretong malupit.”
Umarko pataas ang gilid ng kanyang labi at biglang natawa na naman. “Liar. Hindi sensitive ang balat mo. Namumula ka dahil sa tinawag kitang love kanina, tama ba? Plus the fact that I touched your face kanina rin.”
“Mali.” kahit anong mangyari, 'di ako aamin! “Ken, sanay na ako sa gano'ng tawag. Binusog na ako ni Dave dati. Dalawa pa nga ang tawag niya sa'kin. Sensitive lang talaga ang balat ko.”
Bigla siyang sumeryoso at hinawakan muli ako sa braso. Inilapit na naman niya ako sa kanya dahilan para mapasinghap ako.
“He called you, what? Baby? Darling? Sweetie? Tell me, ano nga iyong pinantatawag niya sa'yo noon?”
“Se—Secret.”
“Hmm, since dalawa ang kanya... gusto mong tatlo ang itawag ko sa'yo? Asawa, baby, and love?”
“Ayoko.” 'yong isang endearment nga lang, pinamulahan na ako, 'yong tatlo pa kaya? Paniguradong pulang-pula na ang mukha ko pag tinatlo niya ang tawag sa'kin.
“Well, this is my mouth. I rule my mouth. Wala kang magagawa kapag tinawag na kitang asawa ko, baby tapos love pa.” sabay ngisi.
Lumayo na rin siya sa'kin pagkatapos. “Nga pala, I already bought you a paintings. Nasa sala, sa may likod ng sofa. Ayusin mo na lang bukas, asawa.”
Ramdam ko muli ang pag-init ng aking pisngi, pinamulahan na naman ako.
“Hindi mo ako asawa.” I breathed.
“Okay lang 'yon atleast may natawag sa'yong asawa, baby love.” at ngumisi muli siya.
Baby love? Sari-sari na siya, ah!
I heaved a sigh, “Okay na ako sa love! Don't call me asawa or baby na, 'kay? Love is enough for me.” mas nakakakilig pa 'yon kaysa asawa or baby. Feeling ko eh mahal niya ako dahil sa tawag niyang 'yon sa akin.
“Okay, love. Since nagbago isip mo, nagbago na rin ang isip ko.” he grinned, “C''mon, let's sleep.” at sabay hikab. “Bukas mo na lang pakialaman 'yang phone. Tara.”
“Magpalit ka muna ng damit.”
“Baka magbrief na lamang ako. You want?”
“No. Magdamit ka mamaya. Dadali ka na naman.”
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Boss
RomanceSTATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contains wrong grammars and R18 scenes. Some chapters are not suitable for children. I WROTE THIS STORY WHEN I WAS YOUNG, TEEN AGER AND BAGUHAN. Re...