Chapter 13

327K 6K 187
                                    

1:30 p.m

“Fiinally,” napahawak si Ken sa kanyang batok at hinimas 'yon. “natapos din.” tumango ako nang palihim habang nakatingin sa kanya. Tumingin muli ako sa mga papel na nasa harap namin. Marami-rami 'yon kaya 'di ko ineexpect na matatapos namin agad.

“Gutom na ako.” pagpaparinig ko. Sabi niya kanina, kakain kami sa labas, 'di ba? Kaya nagpaparinig na ako. “Gutom na gutom na ako.”

Tumingin siya sa'kin habang nakataas ang isang kilay. “I'm hungry too.” at tumayo na siya. “Tumayo ka na rin dyan at maligo. Mga 2:00 p.m ay aalis na tayo.”

I smiled, “Yes, Boss!” tumayo na ako't nagtungo agad sa kwarto para makahanda ng damit. Paniguradong kakain na naman kami sa mamahaling resto at sana, walang Deborah or Lucy ang magpakita sa'min ngayon.

Isang simpleng damit at jeans lang ang inihanda ko at undergarments na. Patakbo kong tinungo ang banyo at aking narinig pa ang pagsigaw ni Ken bago ko maisara ang pinto.

“Hey, woman! Be careful!”

Woman na ang tawag sa'kin. Nasa'n na ang love? Sari-sari naman siya, eh. Pag sweet siya, love ang tawag sa'kin. Pag ako'y papagalitan, woman naman. Sari-sari na talaga! Mga lalaki nga naman.

Naghubad na ako bago ko buksan ang shower. Ang lamig ng tubig at ang presko sa katawan. Dahil 2:00 p.m ang alis namin ay nagmadali na akong maligo. Kailangan 10 minutes ay nakaligo na ako kasi mag-aayos pa ako. Nang matapos ay pinatay ko ang shower at kinuha agad ang towel na puti. Pinunasan ko agad ang aking katawan at nagbihis. Lumabas na ako ng banyo na basa-basa pa ang buhok ko sabay diretso sa kwarto at nag-ayos.

Wala sa sala si Ken kanina ng silipin ko siya bago magtungo sa kwarto, paniguradong nasa kusina 'yon.

“Tapos ka na?”

Muntik na akong mapatalon sa gulat. Nilingon ko si Ken na nakasandal sa pintuan.

“Hindi pa.”

Hawak-hawak ko pa lang ang aking make-up kit. Tumingin siya sa kanyang relo sabay tingin sa'kin.

“Bilisan mo lang ang pag-aayos mo. You only have 15 minutes left.” sabay alis sa pagkakasandal sa pintuan. Naglakad siya palapit sa'kin kaya tumingin na ako sa salamin.

Nagsimula na akong mag-ayos, light make-up lang ang inilagay ko sa'king mukha and a liptint will do. Nang matapos ay nagsuklay naman ako.

“Ba't 'di mo mapunasan nang maayos ang buhok mo?” he asked and suddenly touch my hair. Napahinto ako sa pagsusuklay.

“Ah, nagmamadali kasi ako kanina.”

“Tsk. Wait, kukunin ko lang ang towel mo.” dali-dali siyang nagtungo sa banyo at kinuha niya ang towel na puti. Paglapit muli sa'kin ay hinawakan niya ang aking buhok at pinunasan 'yon nang maiigi.

“Dapat nagpupunas ka ng maayos, lalo na sa buhok mo. Babae ka pa man din. H'wag mo akong gayahin o h'wag mong sanayin ang 'yong buhok na basang-basa, okay?” anito. “Ang panget tignan para sa'kin.”

Pinanood ko lang siya sa salamin kung paano niya punasan ang aking buhok. Ang puso ko sa'king rib cage ay mabilis ang tibok at malakas. Tanging ako lang ang nakakarinig... or so I thought.

Siya lang ang lalaking gumawa ng ganito sa'kin. Noong kami pa ni Dave, walang pake 'yon sa buhok ko kahit basang-basa pa pero si Ken... ibang-iba, eh.

Nang matapos niyang punasan ang aking buhok ay kinuha naman niya ang suklay.

“Te—Teka...”

“Quiet.” he commanded. “Let me comb your hair.”

I pursed my lips and didn't speak. Tumingin muli ako sa salamin. He comb my hair in a gentle way. Kita sa salamin ang bahagyang pagkapula ng aking mukha. Seryoso lang si Ken sa pagsuklay ng buhok ko, dahil nakatingin ako sa salamin, napapagmasdan ko ang features ng kanyang mukha. He had a perfect jaw line, a pointed nose, mahaba ang pilik mata, sobrang kapal ng kilay na hindi sabog tignan at ang labi niya, sobrang pula.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon