Chapter 22

256K 4.6K 94
                                    

Lulan na kami ng sasakyan ngayon at papunta na sa pupuntahan naming restaurant. Nakasandal ako ngayon sa balikat ni Ken habang nakayapos sa kanyang kanang braso. Ang mga mata namin ay nasa daan at komportable ako sa posisyon namin ngayon.

“Gutom ka na ba?” biglaang pagbabasag niya sa katahimikan.

“Hindi pa naman.”

“Okay.”

“Malapit na ba tayo?”

“Oo.”

Napaangat ako ng aking ulo nang madaanan namin ang kanyang kumpanya. “H'wag mong sabihin na...” I paused. Lumilipad ngayon ang isip ko.

“Ayaw mo bang kumain tayo ro'n sa La Ignacio?”

“Hindi naman pero...” hinarap ko siya at binasa ang aking ibabang labi. “masyadong mahal do'n, 'di ba? Ni ang tubig ay umaabot sa halagang ₱150.00 tapos do'n mo pa ako dadalhin? Ken, mapapagastos ka na naman. Do'n tayo sa ibang restaurant.”

Ang La Ignacio ay restaurant para sa mga artista, mayaman, modelo at mga taong nagtatrabaho sa Gobyerno o kasapi niyon. Masyadong mahal ang mga pagkain do'n at kailangan may room kang pipiliin. Madodoble lang ang paggastos niya ngayong gabi. Okay na ako sa restaurant na hindi gaya ng La Ignacio.

“Nah, hindi naman.” nakangisi niyang wika habang ang mga mata ay nanatili sa daan.

Palibhasa eh mayaman!

“Don't worry about the money, okay? Makikita ko pa naman bukas 'yong magagastos natin ngayon.” dagdag pa niya.

I heaved a sigh at sinandal muli ang ulo sa kanyang balikat. “Bahala ka...” anong magagawa ko na rin? Papunta na kami ro'n. Natatanaw na namin ang La Ignacio.

Huminto na kami sa gilid niyon kung saan nando'n naka-park ang mga sasakyan. Mula sa salamin ng La Ignacio ay mapapansin ang pagdami ng tao ro'n. Everyone had their tossed, sa labas lamang 'yon ng mga rooms pero ang daming tao na agad and they looked happy. Sa rooftop ng La Ignacio ay makikita ang pagkakaroon ng maraming ilaw.

Bumaba na si Ken sa kotse matapos niyang iparada 'yon at umikot para pagbuksan ako ng pinto. Bumaba na ako at na eexcite na kinakabahan sa surprise niya sa'kin. Sa dami-daming lugar, ba't sa La Ignacio pa niya naisip na i-surprise ako?

Hindi naman sa nag-iinarte ako pero inaalala ko ang perang magagastos niya ngayong gabi. Hindi ako sanay na dinadala sa gan'tong lugar. Para sa'kin, sobra na 'to.

Pumapayag akong kumain kami sa restaurant at ipatikim sa'kin ang mamahaling pagkain pero ibang usapan na pag sa La Ignacio.

“C'mon.” inilahad niya ang kanyang kanang braso sa'kin at agad ko 'yong niyapos. Naglakad na kami papasok sa loob ng La Ignacio.

“Welcome, Sir Ken.” bati ng Guard at may lumapit na lalaking waiter sa'min. “This way, Sir.” anito.

Nagtataka kong tinignan si Ken habang sumusunod na kami sa waiter. “Ba't parang kilalang-kilala ka nila?” pero hindi lang siya palabatiing tao.

“Madalas ako rati rito.”

“Ah,” kaya pala. “Bakit?”

“Sometimes, I got invited by some wealthy people and this is actually a place where we had fun and talked about our agendas.”

Tumango-tango ako. Siguro, iyon 'yong mga panahon na wala akong pake sa kanya at na kay Dave lamang ang aking atensyon. Marami pa akong 'di alam sa kanya pero palagay na ang aking loob.

Huminto ang waiter sa tapat ng isang pinto at nagbigay ng daan.

“This is your room, Sir. Everything is okay na po and enjoy your meal with your wife.” sabay sulyap nito sa'kin.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon