Chapter 4

407K 6.9K 193
                                    

“Huh?” amaze ko siyang tinignan. “Mamayang gabi? Sa condo mo? Do'n na ako... titira?”

“Yeah.”

“Hindi naman na kailangan. Okay na ako rito sa bahay ko.”

“But I insist. Mahirap kang alagaan kapag wala sa tabi ko.”

Ano ako bata na mahirap alagaan? Grabe siya sa'kin! “Hindi naman ako bata.” I breathed and then licked my lips. “Im adult now. Besides, hindi pa malaki ang tiyan ko—” he cut me off.

“I don't care. Basta mamayang gabi, do'n ka na sa condo ko titira. I'll be back here at seven o'clock in the evening. Ihanda mo na ang mga gamit mo.”

“O–Okay...” wala talaga akong magagawa ngayon. Pag gusto niya, gusto niya! Tumango siya before he leave my house. Naiwan ako rito sa sofa na nayayamot.

***

“Finally.” I whispered while looking to my bags. Naayos ko na ang iba kong gamit and I think, okay na ang ilang pirasong damit and underwears. Maglalaba na lamang ako ro'n sa condo niya pag alam kong wala na akong maisuot na damit.

I looked at the wall-clock, it's already 5:00 p.m in the afternoon. Maaga akong kakain ng dinner ngayon para sa 6:00 p.m, ako'y maliligo na't mag-aayos. I cooked a food again. This time, ang ulam ay skinless longanisa. Pinagsabay ko na ang pagsain at ang pagluto ng ulam. Dalawa naman ang burner so walang problema.

Nagbalat din ako ng isang pirasong mangga at nagtimpla ng suka— nilagay ko ay kaunting asukal, asin at betchin plus bawang. Nang matapos ng maluto lahat ay naghanda muna ako ng plato at kubyertos bago kumain. Paupo na ako sa upuan ng may sumigaw sa labas ng bahay.

“Ali! I know you are there! Lumabas ka na muna dyan, sweetie! C'mon! I know you're there!”

Nangunot ang aking noo. Si Dave 'yon, ah, at lasing ang magaling!

“Ali, sweetie! C'mon, baby... Lumabas ka muna dyan, let's talk!”

Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na ako ng tuluyan sa upuan. I started eating my food when he shouted again.

“Ali, let's talk, please?! I know you're there! Lumabas ka muna dyan! Let's talk, baby! C'mon, sweetie!”

I ignored him. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang sa maubos na. Saktong pag-ubos ko ng pagkain ay tumahimik na siya. I sighed at naglakad ako palabas ng bahay, hindi ko pa naligpit 'yong pinagkainan ko. Nadatnan ko si Dave na natutulog na sa may semento habang ang isang kamay ay nakahawak sa gate.

I pity him and the sadness? Naramdaman ko na naman. Lumapit ako sa may gate at lumabas. Gumalaw siya and he opened his eyes, may ngiti na sumilay sa kanyang labi.

“Ali, baby...”

“You're drunk. Don't sleep there. C'mon, do'n ka sa kotse mo matulog.”

“ can't stand properly now, Ali. And I'm sleepy.”

“Tumayo ka na dyan at do'n ka sa kotse mo matulog, sige na.”

“Sa bahay mo na lang, pwede?”

“Hindi pwede.”

“Wh—Why?”

“Darating ang boyfriend ko mamaya.” kahit wala naman akong boyfriend.

“Boyfriend?”

“Yeah.”

“You already have a boyfriend now? That... fast?”

“Uh-huh.”

Hindi na muna siya umimik, tumayo na siya bigla habang nakatingin sa'kin.

“Lagpas isang buwan lang akong 'di nagparamdam, may boyfriend ka na agad? Huh, hindi ako naniniwala! I know you're single and you still love me! Come back to my arms again, Ali...” at bigla siyang lumuhod sa harap ko. “Nagmamakaawa ako, come back to me. No'ng gabing 'yon, maniwala ka... hindi ko hinalikan iyong babae. She kissed me and that time, I was standing there, frozen! I couldn't move or do anything about that girl because my mind is not on a good state. I'm sorry if I broke your heart but trust me, I'm not a cheater. I do love you, I really do.”

“Da—Dave...”

Lumuha siya habang nakaluhod na nakatingin sa'kin. “Isang buwan mahigit ako kinain ng lungkot. Isang buwan mahigit akong 'di makakain nang maayos because I was thinking of you. Busy thinking of you, baby. And now, I can't afford to lose another day na hindi ka nakakausap. So, please, sweetie... bumalik ka na sa'kin.”

“I... I—” someone cut me off.

“She can't.”

I gulp. That husky voice, it's Sir Ken!

Gulat akong napalingon. Hindi ko napansin ang pagdating niya at ang aga niya. Sabi niya, seven o'clock pa ng gabi siya darating pero wala pang seven!

“Ken?”

“Ano... Ba't ang aga mo?”

“'Di ako mapakali kanina pa nang makapunta agad ako sa company kaya matapos ang ilang oras, pumunta na agad ako rito and then, I saw you with your ex... talking. So, yeah, I'm on alert.”

Magsasalita pa sana ako when Dave suddenly held me on my arms. “Don't tell me he's your boyfriend?” pagtatanong nito sa'kin. Napanganga naman ako sa tanong niya.

“No—”

“Yes, I am.” biglang sabi ni Sir Ken.

“Bastard!”

Nagulat ako ng biglang nakalapit do'n si Dave at sinuntok ang huli.

“Hala— Oy! Stop! Dave!”

Hindi lumaban si Sir Ken, napaatras siya't napahawak sa kanyang panga.

“Fuck you, asshole! She's mine!”

“Dati 'yon, hindi na ngayon. She's mine now.†

“Sir Ken!” pagsasaway ko sa huli. Alam ng lasing ang isa, inaasar pa! Nasuntok pa tuloy siya!

“Hindi ako naniniwala! You, fucker!” akmang susugod pa si Dave when I grabbed his arm and I slap him, hard.

“Tumigil ka na.” may diin kong wika. “He's not my boyfriend so please... don't hurt him again. Besides, hindi mo na ako pagmamay-ari pa.”

“Ali...” ani Dave habang nakahawak sa kanyang pisngi na nasampal ko. Gulat na gulat pa rin ang kanyang mukha at pagkatapos, napalitan ng lungkot. “Wala na ba talaga?”

“Wala na.” I breathed. “I'm sorry. Yes, I still do love you pero hindi na gaya no'ng dati. I love you now as a friend. I'm sorry, Dave. I can't give you my trust again. I'm scared to be hurt again, I'm sorry.”

Tumahimik siya at maya-maya, makalipas ang ilang minuto, yumuko siya at hinawakan ako sa'king kamay.

“I understand. I love you, always remember that.”

I suddenly felt a knife stabbing my heart and broke it into pieces, it hurts again. Ang pag-uusap namin ngayon ay masakit. Tumalikod na siya't naglakad papunta sa kanyang kotse. Pagpasok ay agad niyang pinaharurot iyon palayo sa'min. Parang hindi siya lasing kung magmaneho. Naramdaman kong lumuha ako, lumuha na naman ako.

“Here.” napatingin ako kay Sir Ken, nakalahad ang kanyang kamay at may hawak siyang panyo. “Use my handkerchief to dry your tears.”

Kinuha ko naman 'yon at ginamit nga pero walang tigil na ako sa pag-iyak ulit. And then, he encircled his arms to my waist and shoulders.

“Go, cry. Cry now to my shoulders. Alam kong masakit pero anong magagawa natin? Nagmahal ka, nasaktan at natakot kang sumugal muli. Go, cry. And after that, don't cry again. H'wag ka nang magsayang ng luha pa.”

“Masakit sa'kin na makita siyang nasasaktan, eh.” wika ko sa pagitan ng aking paghikbi at napayakap na rin sa kanya.

“Kung kayo talagang dalawa, eh, 'di kayo.” naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. “Kung hindi, eh 'di hindi.”

“Tama ba ang ginawa ko?”

“Hindi ko alam.”

“Parang mali, eh.”

“Kung mali, call him now. Kung tama, hayaan mo na siyang makalimot sa'yo.”

“Pero mukhang nagsasabi siya ng totoo, mukhang 'di siya nagloko.” parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko ngayon kay Dave.

“Kung anong kutob mo, do'n ka.” at lumayo na siya sa'kin. “Pero tandaan mo, nabuntis kita.” and that, I suddenly got tongue-tied. “And if you want him to come back, don't do it just because you pity him. Do it because you're willing to take a risk again at kailangan matanggap niya na nabuntis kita at kung hindi man, nandito ako.”

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon