Tumikhim muna ako bago magsalita. Nang ibuka ko na ang aking bibig ay biglang bumukas ang pinto ng unit, sabay kaming napatingin do'n at nakita ro'n si Ken na hinihingal pa.
“Mom!” sinarado nito ang pinto at mabibilis na hakbang ang ginawa para makalapit agad sa'min. “Hinahanap kayo ni Dad sa akin! Anong ginagawa mo rito? Dapat ay nasa Hawaii na kayo ngayon!”
Tumawa ang kanyang Ina, “Sawa na ako sa Hawaii, Hijo. Naisip ko na lang na takasan ang iyong Ama at i-surprise ka pero ako ang na surprise.” sabay sulyap nito sa akin. “Wrong timing ka naman! Ali was about to tell me a story tapos bigla kang dumating!”
Ken's make a face tapos umupo siya sa tabi ko. “Dad is really worried about you, Mom. Dapat 'di ka na tumakas pa. You should enjoy your trip there kaysa pumunta pa rito. Ang layo kaya ng Hawaii na, mas napalayo lang kayo dahil nagpunta pa kayo rito.”
“Na miss lang kasi kita, masama ba 'yon? Ang tagal ka naming 'di na nakasama, eh.” lumungkot ang mukha ng kanyang Ina kaya nataranta ako, mabilis kong siniko si Ken at binulungan.
“Mag-usap tayo.”
Hindi siya umimik, saglit niya akong sinulyapan bago tumingin muli sa kanyang Ina.
“May pag-uusapan lang kami ni Ali.”
“Ali lang? Wala kayong endearment?”
“Meron.” mabilis na tumingin sa akin si Ken. “Love.”
Napalabi ako't napaiwas ng tingin, nakaramdam ako ng kilig.
“Kinikilig ako.” natatawang wika ng kanyang Ina. Napatingin kami sa kanya. “Go on... mag-usap na kayong dalawa, kung ano man ang pag-uusapan niyo.”
Tumayo na kami mula sa pagkakaupo at nagtungong kwarto. Nanatiling nakabukas ang pinto ro'n at binulungan ko si Ken habang nakatingin sa bukana ng pinto.
“Hayaan mo kayang mag-stay dito si Mommy Ara.”
“Mommy?” tila wala sa sariling naitanong niya, tumango ako.
“Oo, Mommy Ara. Ang sabi niya kanina sa'kin ay 'yon na raw ang itawag ko sa kanya.”
“Mukhang gusto ka na niya para sa akin.” he breathed. “Well, that's nice.” and a lopsided smile form in his lips.
“Ano... hayaan nating mag-stay siya rito muna. Mukhang na miss ka talaga niya.”
Umiling si Ken. “Hindi pwede, eh. They have a trip in Hawaii, nando'n na si Dad pero siya ay nagpunta rito. Besides... we're not in good term, you still mad at me. You're still in pain. Ayokong magpanggap ka na okay ka sa akin kahit alam kong hindi.” his thumb caressed my cheek.
Napasinghap ako ro'n at namula.
“Hindi...” napabuga ako ng hangin, “O—Okay lang sa'kin, hindi ako magpapanggap.”
“Liar.” he breathed again at lumayo. “Pwedeng mag-stay dito si Mom ng ilang oras lamang tapos ipapasundo ko na siya sa mga tauhan ni Dad. Kung ano man ang ikukwento mo sa kanya, ikwento mo na. Mag-stay na lang ako rito sa kwarto.”
“Teka, dapat mag-usap din kayo ni Mommy Ara.”
Nakakahiya sa kanyang Ina kung mapansin na hindi kami okay na dalawa. Alam kong nasasaktan pa rin ako ngayon pero ang inaalala ko ay ang kanyang Ina. They should talk, too. His Mom is really missed him and I can see that in her eyes. Kaya kong isantabi muna ang aking nararamdaman para sa kanyang Ina.
“Nag-uusap naman na kami.”
“Hindi dapat na casual na usap lang ang mayroon sa inyong dalawa.” hinawakan ko ang kanyang kamay at tinitigan siya sa kanyang mga mata. “Dapat 'yong maayos, 'yong may pagmamahal... 'yong may bond? Gano'n. Hindi parang ibang tao lang ang Mom mo. Kaya kong isantabi ang aking nararamdaman para sa'yong Ina. She's nice and I like her too. Sumama ka sa akin sa sala at sabayan mo ako sa pagkukwento.”
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Boss
RomanceSTATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contains wrong grammars and R18 scenes. Some chapters are not suitable for children. I WROTE THIS STORY WHEN I WAS YOUNG, TEEN AGER AND BAGUHAN. Re...