Chapter 12

325K 5.6K 154
                                    

Nagising muli ako dahil sa parang binabaliktad ang aking sikmura. Mabilis akong bumangon, nagtungo sa banyo at sumuka ro'n.

Kainis ang morning sickness na 'to. Kahapon 'di naman ako sumuka kaya akala ko wala na ito. Patuloy lamang ako sa pagsuka at makalipas lang ata ng ilang minuto ay huminto na ako sa pagsuka. I grabbed the towel and used it to dry my mouth. Naghilamos agad ako matapos kong linisin ang toilet bowl. Do'n kasi ako sumuka.

Para akong nanghihina ngayon. Nagtungo ako sa kwarto para tignan si Ken. Tulog na tulog pa rin ito. After ko siyang tignan ay nagpunta naman ako sa kusina para kumain ng manggang hilaw na may suka. Maganda nang tulog pa rin si Ken para hindi niya ako pagbawalan na kumain nito ng ganitong oras. Hindi ko nga alam kung anong oras na.

Patuloy lamang ako sa pagkain when he called my name.

“Ali?”

Natigilan ako sa pagsubo ng mangga at lumaki ang mga mata.

“Ali?” he called my name again. Dali-dali kong inubos ang mangga at mabilis na tinapon ang pinagbalatan sa trash can.

“Damn, Ali?!” sumigaw na siya.

“I'm here! At the kitchen!” pagsisigaw ko. “Magluluto ako ng breakfast, bakit?!”

“I thought you're gone!”

Napakunot-noo ako rito at nagsalita, “'Di ako mawawala! Nandito lang ako!”

“Eh, bakit 'di ka nasagot agad?!”

“Umiinom ako ng tubig!” palusot ko, patawad sa kasinungalingan. Tumahimik na siya kaya nagsimula na kong kumilos. Maglulugaw ako ngayon.

Habang nagluluto ay naghuhugas din ako. Hindi pa napunta rito si Ken kaya akala ko natulog muli siya kaso nakarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa banyo, naliligo pala ang magaling.

Lumipas ang ilang minuto ng wala na akong narinig na lagaslas ng tubig sa banyo. Tapos na siyang maligo.

Napatingin ako sa bukana ng kusina, since malapit lang ang banyo rito ay makikita ko ang pagdaan niya. Naka-towel na siya habang basang-basa ng tubig ang kanyang katawan at buhok. Ni hindi man lang magpunas ng maigi. Hindi siya dumiretso muna sa kwarto, tumingin siya rito.

“Ano 'yang niluluto mo?”

“Lugaw.” I simply answered. Do'n na ako tumingin sa niluluto ko.

“Hindi ako gaanong kumakain niyan.”

“Palibhasa pinanganak ka ng mayaman.”

“I can't blame my parents, you know. For not always eating a food like that. Pinapakian lang sa'kin 'yan noon ni Mom no'ng bata ako kapag may sakit ako.”

“Masarap din 'to pang breakfast.” sabay ngiti at sulyap sa kanya. ”Magbihis ka na, paluto na 'to.” saka ko siya kukwestiyonin about sa parents niya.

Ilang taon nga ako nagtrabaho sa kanya pero I've never heard anything about his parents, masyadong confidential.

Dadaldalin ko siya mamaya.

Nagbihis na ang magaling at saktong luto na ang niluluto ko. Tapos na rin ako maghugas ng pinagkainan niya kagabi. Natimplahan ko naman na ang aking niluluto at nang tikman ko iyon, okay naman ang lasa.

Naghanda na ako ng utensils at nilapag sa mesa matapos niyon ay inihanda ko na ang lugaw. Sa gitna ng mesa ko 'yon nilagay.

Dumating muli si Ken sa kusina na nakapang-bahay, simpleng white t-shirt at shorts ang kanyang suot. Hindi ko akalain na makikita ko siyang ganyan lamang ang suot, akala ko magtatopless na naman siya, eh. Buti hindi.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon