Chapter 7

363K 6.9K 236
                                    

Huminto ang sasakyan sa may tapat ng Market. Ipinark na ni Ken ang kotse sa may tabi lamang at naunang bumaba. Hinawakan ko na ang buksanan ng pinto ng kotse para 'di na siya mag-abala pang pagbuksan ako kaso mabilis siyang kumilos.

“Hindi mo na kailangan pang gawin 'yan sa'kin Sir— I mean, Ken.”

“Kusa kong ginagawa 'to. Whether you like or not, wala kang magagawa kung 'di hayaan akong gawin ang bagay na 'to sa'yo.”

Wala sa sariling napahawak ako sa'king leeg, 'di ko alam kung anong dapat ko pang sabihin sa kanya. Kada may imik ako, may kaya siyang isagot.

“Let's go.” he said softly. Hindi siya muna naglakad hangga't 'di pa ako nalapit gaano sa kanya.

Do'n lamang siya naglakad nang tumabi na ako sa kanya ng kaunti, sabay kaming pumasok sa loob ng Market. Ang mga babae ay panay ang tingin kay Ken. 'Di ko sila masisisi, kahit saang anggulong tignan ay gwapo talaga siya. May iilan na masama ang tingin sa'kin pero 'di ko na lang sila pinapansin pa.

“Sa'n muna tayo?” huminto siya sa paglalakad at tumingin sa'kin.

“Do'n.” tinuro ko sa kanya 'yong stalls ng mga biscuits. “Magsimula muna tayo ro'n bago umikot. Teka, kukuha lang akong—”

“Basket? Ako na.” mabilis niyang wika. Naglakad na siya papunta sa kuhaan ng basket at kumuha ng isa, 'yong de hila na. Pagkalapit sa'kin ay pinauna na niya ako ro'n sa tinuro ko.

“Ito, pwede?” pagtatanong ko nang makakuha ako ng isang plastic ng presto. Masarap 'tong kainin kapag magmemeryenda na. “Saka ito.” kumuha rin ako ng isang plastic ng skyflakes at pinakita sa kanya.

“Yeah.”

Nakangiti kong nilagay ang mga 'yon sa basket.

“Kuha ka lang nang kuha dyan.” anito habang tulak-tulak ang basket. Natatawa ako sa itsura niya kasi imagine, siya ang may-ari ng isang kumpanya, a bachelor, a rich man and here he is— nagtutulak ng basket.

“Ken, 'di bagay sa'yo ang magtulak ng basket.”

“I don't care.” pagsusuplado na naman niya. “umampot ka na lang dyan ng gusto mo.”

“Sabi ko nga.” pinagkukuha ko 'yong ibang biscuit. Siya naman ang magbabayad kaya mas pabor sa'kin ang ganito. “Pero ako na lang kaya 'yong magtulak niyan?”

“Are you crazy, woman?” inis niya akong tinignan. “Ako ang lalaki, ako dapat ang nagtutulak nito.”

“Sabi ko nga talaga.”

“Puro ka ganyan. Sa'n naman ang next?”

Inaatake na naman siya ng pagkasungit niya. Dapat ang pangalan nito eh Ken Liew Masungit Del Valle, mas bagay pa sa kanya.

“Sa mga de lata.”

Marami akong pinagkukuha na cornbeef, ligo sardines (green and red) and 555 tuna.

Nakatingin lang sa'kin si Ken at walang imik sa mga pinagkukuha ko. 'Di ko bilang kung ilan 'yong mga de lata, bahala na mamaya. Umikot na kami nang umikot sa mga stalls. Dumampot na ako ng frozen foods, palaman, kape, tinapay, juice and junkfoods.

“Ba't may junkfoods?”

“Pangmidnight snack.” simple kong wika.

“Hindi 'yan healthy! Ibalik mo sa stall!”

“Isa lang! Kahit isa lang na junkfood!” isang malaking cracklings lang ang kinuha ko, ibabalik pa.

“Fine! Isa lang, ah? Isa lang.” may diin niyang wika.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon