Chapter 21

257K 4.4K 68
                                    

“Tatambay pa ba tayo rito, love?” Ken asked while his eyes glued on the park, may iilan lang matanda ro'n at mga bata.

“Yeah... Kahit saglit lang sana.”

“Hmm,” inilahad niya ang kanyang kamay sa'kin at ngumiti. “Alam kong nakakagulat 'yong mga sinabi ko kanina pero 'yon ang totoo.”

Tumango ako't napalabi, hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon.

“H'wag mo nang isipin pa ang mga sinabi ko kanina dahil hindi naman 'yon kailangan isipin pa. Gan'to, feel my love and know my love. That's all.”

Napatingin ako sa kanyang kamay ng ilapit niya 'yon lalo sa'kin.

“Take my hand, c'mon.”

I took his hand and smiled. Tama nga naman siya, hindi ko kailangan isipin pa ang mga sinabi niya kanina dahil wala naman dapat paggamitan ng isip do'n. I just need to absorb all his words earlier just to make me feel okay.

Sabay kaming naglakad papunta sa isang bench kung saan malapit sa mga batang naglalaro. Naupo kami ro'n at pinagmamasdan sila.

“Anong gender ng baby?” pagtatanong niyang muli.

Iniabot ko lang sa kanya 'yong envelope na pinaglagyan ng na ultrasound ni Baby. Nagtataka niya 'yong binuksan at tinignan ang picture ng bata ro'n.

“A baby boy?” he gasped. “Healthy naman daw? Malakas ang kapit sa'yo? Walang problema naman daw?”

Napatawa ako sa sunod-sunod niyang pagtatanong sa'kin at tumango ng maraming beses. “Oo, lalaki. He's healthy and there's no any problem in him. Malakas din ang kapit niya. Thanked God, right?”

“Yeah.”

Hinawakan niya ang aking tiyan at hinimas 'yon. “Can't wait to see him...”

“Me too.” kahit ilang months pa ang aabutin bago namin siya makita.

“Anong ipapangalan mo sa kanya?”

“Hmm, let me think. Wait.”

Nag-isip ako't napatingin sa mga bata. Then, a words suddenly pop in my head.

“What if... Kalix Liam? What do you think?”

Kali sana, K sana Ken at Ali sa name ko, kaso parang panget kaya lagyan natin ng x, tapos Liam, sunod sa Liew ni Ken.

“It's cool. Walang problema sa'kin kung 'yon ang pangalan niya.”

“Okay. Kalix Liam it is." I smiled widely.

Ito ang mas nakakaexcite na part kapag alam mo na ang gender ng bata, ang mag-iisip na ng kanyang pangalan.

“Kalix Liam Del Valle.” biglang wika niya. “What a cool name.”

Kaya lang 'di pa kami kasal kaya 'di pwedeng maging Del Valle ang anak namin.

“'Di pa pala tayo kasal.” dagdag pa niya kaya napatawa ako ng mahina, parehas pa kami ng iniisip. “Kalix Liam Hidalgo? Not bad. Pero mas bagay pag Del Valle.”

“Hindi pa siya pwedeng maging Del Valle.”

“Pwede naman agad, kung papayag kang magpakasal sa'kin, ano?”

“At kailan ang kasal, aber? Kung pumayag nga ako?”

“Maybe one of these days.”

“Malaki na ang tiyan ko, Ken. Saka na lang, okay? Mahirap na kayang kumilos kapag gan'to na kalaki ang tiyan ko.”

“Ibig sabihin pumapayag kang magpakasal sa'kin?”

“Oo.” sino ako para tumanggi agad? 'Di na kailangan pa ng proposal, hindi 'yon uso sa'ming dalawa. Hindi 'yon uso sa kwento naming dalawa.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon