Chapter 2

423K 7.8K 286
                                    

“Well,” hindi ko na alam pa ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na virgin din siya gaya ko! Malay ko ba na kapwa kami nadevirginized ng gabing 'yon! Binasa ko ang aking labi at umiwas na ng tingin. His stare is just too hot to fight with. “naka-save sa computer 'yong mga report ko.” 'yan na lamang ang aking nasabi. “I have to go.” at tumalikod na ako.

He didn't respond kaya naglakad na ako papuntang pinto. When I was about to grab the doorknob, there's something came up to my mind.

“Nga pala,” tumingin muli ako sa kanya. “magreresign na ako.”

“What?” he said, incredulous.

“Sabi ko, magreresign na ako.”

“Why?”

“Magpapahinga.” simple kong sabi.

“Nakakapagpahinga ka naman na rito, 'di ba?”

Tinagilid ko ang aking ulo, “Ah, ayoko munang magtrabaho hangga't brokenhearted ako.” pero ang totoo, nahihiya ako sa kanya bigla. Na judge ko siya agad not knowing that he's not like the others... Nakakapagtaka lang kasi, ako ang unang babae na nakasex niya. Ako pa ang nakakuha ng virginity niya. Well, somehow, we're quits. Kaso, nakakapagtaka talaga, eh.

“I respect your decision, Ali.” and he breathed.

“Hindi ko na kailangan pang magpasa ng resignation letter?”

“Hindi na.”

Tumango na lamang ako sabay pihit sa doorknob, tuluyan na akong lumabas ng office niya.

***

One month and one week later....

Napabangon ako bigla sa higaan nang maramdaman kong bumabaliktad na naman ang aking sikmura. Dali-dali akong nagtungo sa lababo at do'n ako sumuka. Ang suka ko ay may kaunting kanin pero halos puro tubig.

Naninibago ako.

Hindi ako ganito rati. Simula nang magresign ako sa kumpanya at no'ng tumahimik na 'yong buhay ko ay madalas akong mahilo, inaantok lagi, lagi akong tinatamad, minsa'y naiinis ako na ewan tapos lagi pa akong nagsusuka tuwing umaga.

Sa loob ng isang buwan at isang linggo ay hindi pa ako dinadatnan.

Nang tumigil na ako sa pagsuka ay napagdesisyunan ko nang maligo agad at pagkatapos ay nagbihis na ako. Nagtungo ako sa kusina matapos no'n, medyo nandidiri na ako ngayon sa ketchup at gustong-gusto ko na ng suka na may manggang kasama. Matapos kong kunin ang manggang hilaw sa basket at matapos 'tong balatan ay naghanda na agad ako ng suka. Ito lagi ang almusal ko, eh.

Ewan ko ba, baka buntis na ako eh hindi ko lang alam. Magpapatingin na pala ako sa Doctor. Baka mamaya, buntis nga ako. Dali-dali na akong kumain at nag-ayos and then, umalis na ako ng bahay. Good thing na nakapagpara agad ako ng taxi kaya nakasakay agad ako.

“Sa'n po tayo?”

“St. Luke.” I simply replied.

Tumango ang Driver at pinaandar na niya ang sasakyan. Minutes had passed when we reached our destination. Isang malaking hospital ang St. Luke. Mula sa binabaan ko, marami agad akong natanaw na tao na tumatawid sa pedestrian lines.

Pregnant by my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon