Four months later...
Nakangisi kong sinet-up ang camera sa isang tagong parte ng sala. Nang matapos ay tinignan ko muna ang buong paligid, malinis at maaliwalas. Dati, nasa condo unit lang kami nakatirang dalawa tapos ngayon ay nasa isang malaking bahay na, a mansion perhaps. Ken bought this house and the land two months ago. Nasa Makati pa rin kami nakatira ngayon at masasabing maayos naman ang buhay naming dalawa rito.
As for Lucy and Deborah, their companies are now in the lose. Ayon sa T.V ay biglang bumagsak ang mga kumpanya nila, biglang naghirap ang dalawa. Lahat ng ari-arian ay naibenta na nila. Maraming naawa pero hindi ako kasama ro'n. Habang pinapanood 'yong News Report ay alam ko na kung sino ang may kagagawan niyon.
Apat na buwan na ang nakakalipas nang makita't makausap ko ang parents ni Ken. Masaya ako dahil naging close ko si Daddy Kent, Ken's father at 'yon na daw ang itawag ko sa kanya.
Habang naalala ang nangyari noon ay 'di ko mapigilang hindi mapangiti.
“Magkakaapo na pala kami. Kung 'di pa pumunta ang Mama mo rito para isurprise ka, 'di pa namin malalaman na may apo na kami!”
Nagkatinginan kami ni Mommy Ara dahil sa biglaang pagsasalita ng kanyang asawa. Pag pasok agad sa condo unit at nang makita ako'y bigla na lang niya binungangaan ang anak.
Natawa ako sa itsura ni Ken, nakabusangot ang kanyang mukha ngayon.
“Dapat sinabi mo sa'min agad no'ng maliit pa ang kanyang tiyan! We are not raised you to be a fool! We are not raised you to be like that, Ken! Nakakahiya sa girlfriend mo!"
“Balak ko namang sabihin sa inyo, eh. 'Di ko lang talaga alam kung kailan ko sasabihin. I don't have the chance to inform that to you and Mom, okay? Alangan sa email ko ibalita na magkakaapo na kayo?”
“Mas maganda na 'yon kaysa umabot pa sa ganito! Manganganak na siya eh wala ka pang balak na sabihin sa'min!”
“I'm sorry, okay? Umupo ka muna Dad sa sofa at uminom ng kape.”
“I want wine.”
Tumango si Ken at nagpunta na sa kusina para kumuha ng wine ro'n. Umupo na ang kanyang Ama sa sofa at nanatili akong nakatayo sa kanyang gilid.
“Bakit ka nakatayo dyan? Umupo ka.”
“Dito, Ali. Tatabi na lang ako sa asawa ko.”
Pinaupo nila ako sa isang sofa, wala na akong nagawa kung 'di ang umupo ro'n. Lumapit si Mommy Ara sa asawa at tumabi nga.
“My wife told me that you're Ali Hidalgo.” panimula ng matandang lalaki. “She likes you a lot for our son, wala rin akong tutol. Kung anong gusto ng asawa ko, gusto ko na rin.”
Napakunot-noo ako, “Gano'n po?”
“Yeah, may tiwala naman ako sa kanya. Mukha ka namang mabait pero halata sa'yo na 'di ka galing sa mayamang pamilya.”
Tumango ako, nawala ang pagkakakunot-noo. “Hindi nga po ako galing sa marangya at kilalang pamilya. Simple lang ang pamilya na mayroon ako pero kahit gano'n po, naipagpapasalamat ko pa rin na buo ang pamilya ko. Masaya kami and my parents raised me well, too. Hindi man nakapagtapos ng pag-aaral ang mga magulang ko noon dahil sa kahirapan, bumawi naman po sila sa amin ng mga kapatid ko po.”
“Cool. Ilan ang kapatid mo?”
“Dalawa po, Sir. Lalaki po pareho. Ako po ang bunso sa'king magkakapatid.”
“I see..” tumango 'to at bahagyang ngumiti. “Don't call me ‘Sir', okay? Call me Daddy Kent.”
Ngumiti ako't tumango, dumating na rin si Ken na may dalang dalawang wine at wine glass.
BINABASA MO ANG
Pregnant by my Boss
RomanceSTATUS: COMPLETED SOON TO BE PUBLISHED UNDER GOOD SAMARITES BOOKSHOP WARNING: Old Version. This story contains wrong grammars and R18 scenes. Some chapters are not suitable for children. I WROTE THIS STORY WHEN I WAS YOUNG, TEEN AGER AND BAGUHAN. Re...